Megan's POV
"Here's mine, kira. I know you will love it." Nakangiti kong saad. Binuksan nito ang isang box at tumambad ang isang kutsilyo. Kumunot ang kaniyang noo at seryosong tumitig sa'kin.
"Knife?" Nagtatakang tanong nito. Ngumiti ako at tumango. Sinuri naman niya ang kabuuan ng kutsilyong ibinigay ko. Ako mismo ang nagdisenyo nito. Kulay gold ito at lumiliwanag ito dahil sa pagddisenyo ko. May nakaburdang 'Angelsknife' sa hawakan nito. Ilang araw kong pinaghirapan na gumawa ng isang yan.
"Matalas ba yan?" Tanong ni schyler. Ngumiti ako. "Try it. Scratch your self." Saad ko.
"Kung pwede lang pero alam ko naman na iiyak ka kapag nasugatan ako." Sagot nito at ako naman ang nginitian. Napasimangot ako dahil dun.
Pagkatapos namin magbigay ng regalo ay nagpasya na kaming umuwi. Habang naglalakad kami pauwi ni Alice ay nahihilo na ako. Pagewang gewang na ang aking lakad at halos maisuka ko na ang lahat ng kinain ko kanina.
Ang bilis ko naman atang malasing?
"A-are you o-okay?" Nagaalalang tanong sa'kin ni alice. Huminto ako sandali upang ilabas ang sama ng loob. Hinagod ni alice ang likod ko upang tulungan ako. Ilang minuto din ang itinagal bago kami tuluyang dumiretso sa dorm. Dire-diretsong humilata ako sa kama at pumikit. Talagang masakit ang aking ulo.
Grey's POV
Nakahilata na ako sa kama at pilit na ipinipikit ang aking mata. Pero kahit anong gawin ko ay hindi ako pinapatulog ng nakakahiyang pangyayari kanina.
Wala namang masama kong magregalo ng Pink Underwear, hindi ba? Pero bigla akong nakaramdam ng hiya dahil sa kahihiyan. At isa pa, nandun si megan. Nakakahiya.
Pinigilan ko lamang magwala kanina sa sobrang kahihiyan. Kasalanan ng bumibili sa'kin ng brief ko kung bakit pink ang nairegalo ko kay akira. Wala naman akong karapatan na magreklamo baka hindi na ako nito bilhan. Mahirap na. Magtitiyaga na lamang ako magsuot ng pink na brief kaysa ang maglakad na walang brief. Lilinawin ko lamang, hindi lahat pink. May red polka dots din.
Kinabukasan ay nalate kaming apat gumising. Pagkatapos namin mag ayos ay umalis na kami sa dorm at naglakad na.
"Mauna na ako." Paalam ni west at naglakad na papalayo.
"Pre? Seryoso yung pink na brief na niregalo mo?" Natatawang tanong sa'kin ni akira. Sinamaan ko ito ng tingin.
"Yah. And what's wrong with pink underwear?" Naiinis kong tanong.
"Wala." Sagot nito.
"Meron pare! Pink yun! Pink." Napatingin ako kay bryle ng seryoso.
"Don't you ever wear a pink underwear?" Seryoso kong tanong rito.
"Ofcourse, no!" Agad nitong sagot.
"How about you?" Baling ko kay kira. Umiling iling ito. What? So, I am the one who'se wearing a pink underwear here? What the hell. Gay.
Hindi na ako nagsalita pa at nauna ng maglakad. Nagtawanan naman ang dalawa dahil sa ikinilos at itinanong ko. This is bad and Embarrassing?
Tumungo ako sa aking upuan at umupo. Nakita ko na ang mukha ni maurine na papalapit sa kinaroroonan ko. Nginitian ako nito ngunit hindi ko ito sinuklian ng ngiti.
"How are you?" Tanong nito.
"Fine." Matipid kong sagot. Sumimangot ito ngunit agad din ngumiti.
BINABASA MO ANG
GRAVEN UNIVERSITY
Mistério / SuspenseIt was the story of a woman (Megan) and her journey to hell school that full of mystery. Then, things became complicated as she doesn't expected to happen. What if love can conquer everything? Is it love can be your weakness?. Do you want love can b...
