CHAPTER 28

4.8K 238 9
                                        

Megan's POV

"Megan! Alice!" Naalimpungatan ako sa nakakabinging sigaw ng lalaki. I'm sure its west. What the hell he's doing here in this fvcking early? Damn him.

"Megan! Open this door!" Naiinis na bumangon ako. Tulog pa rin sa alice kaya ako na ang nagkusang magbukas.

"What are-fvck! What happened?" Nagulat ako sa aking nakita. Duguan ang kaliwang braso ni west. Dali dali ko itong pinapasok sa loob ng dorm.

"May mga humahabol sa'kin kanina." Sagot nito.

"What? Napakaaga naman ata nilang magsimula." Hindi makapaniwalang saad ko. Mag aalas otso pa lamang ng umaga at nagsisimula na sila?

"Kukuha lang ako ng gamot." Tumayo ako at kumuha ng gamot. Dali dali akong bumalik upang gamutin ang sugat niya.

"Bakit hindi ka lumaban? Nasaan ang iba?" Tanong ko at nagsimula ng gamutin ang sugat niya.

"Nasa dorm pa sila at wala silang alam sa nangyari sa'kin. Kaya ko naman talaga silang kalabanin lahat kanina. Pero madaya sila. Habang kumakain ako ay bigla na lamang akong pinatamaan ng kutsilyo. Nang susugod ako ay napakarami nila nasa fifty kaya hindi ako maaaring lumaban at bukod dun ay may sugat pa ako." Naiinis na saad nito. Napailing ako. Sabagay. Dehado siya kung tutuusin. Fifty laban sa isa? At may sugat pa. Masyado silang madaya maglaro. Unfair. Pero kailan nga ba naging patas ang labanan dito?

"Wala akong magawa kundi ang tumakbo at napadpad ako rito dahil ito ang pinakamalapit." Saad nitong muli. Tumango na lamang ako.

"Wala ka bang dalang pprotekta sa'yo?" Tanong ko. Umiling ito.

"Its your fault! Alam naman natin na delikado na sa mga oras na'to. Were not safe here anymore." Inis na saad ko sa kaniya. Napakamot ito sa ulo. "Sorry." Paghingi nito ng pasensya. Pagkatapos kung gamutin ang sugat  niya ay agad na akong tumayo. Sinigurado kong nakalock ang pinto.

Nagluto muna ako ng almusal bago ko tinawag si alice na mahimbing ang tulog. Pupungay pungay ang mga mata nito habang naglalakad papunta sa lamesa.

"W-west? What are you doing here?" Nagtatakang tanong nito.

"I'm wounded. Napakaaga nilang maglaro. At talagang naghanda sila. Kating kati na mapatay ako." Napapailing na sambit ni west.

"Malamang! Maraming galit sa inyo dahil sa pagiging hari niyo sa lugar na'to. At ngayon ang panahon para makaganti sila sa inyo. Nagkasundo silang para patayin kayo." Saad ni alice habang kumakain.

"Pero alam nilang hindi nila kami kaya." Galit na saad ni west. "Magbabayad sila. They will pay for this." Pinal na saad nito.

Pagkatapos namin kumain ay naligo na ako at ganun rin si alice. Naghanda na kami sa magaganap sa unang araw ng bloody week.

"Ayos lang ba na lumabas kayong dalawa? Mas safe kung nandito lang kayo. Mas makakabuti yun." Nagaalalang tanong sa'min ni west.

"Don't underestimate my skills, west." Saad ko.

"Nag aalala lang ako, megan." Sagot nito.

"Tama na yan. Don't worry west. Okay lang kami. Kilala mo naman na ako, hindi ba? Magtiwala ka lang sa'min. I'm not that weak and I know megan too." Seryosong sambit ni alice.

Nakasuot ako ng black na short at black na sando. Nagjacket ako para mailagay ang mga sandata na pprotekta sa'kin. Nagsumbrero ako na kulay itim upang takpan ang aking mukha. Nakablack shoes din ako. Oh, well. Look's like. Action star?

GRAVEN UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon