CHAPTER 49

2.6K 113 107
                                        

Megan's POV

Tumakbo ako palayo sa lugar na 'yon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Saan nga ba? Huminto ako sa gitna ng soccer field. Humagulgol ako sa iyak. Walang makakarinig sa'kin dito. Hindi ko alam kung ano ba dapat kong maramdaman. Sakit, galit, poot, pagkadismaya, pangungulila at panghihinayang. Halo halong emosyon na ang bumabalot sa'kin.

Maaaring isa sa kanila ang nagsisinungaling. Gusto kong malaman lahat. Gusto ko malaman ang mga dahilan nila. Hindi nila ito gagawin sa'kin ng wala silang dahilan. Naging kaibigan din nila ako.......sa pagkakaalam ko.

"Megan..." Hindi ko nilingon ang taong tumawag sa pangalan ko. Alam ko namang si schyler 'yon. "Sinabi ko na sa'yo pero hindi ka nakinig." Malungkot niyang sabi. Hindi ko siya sinagot. Umiyak lang ako ng umiyak. Hindi ko pa kayang magsalita.

"Huwag kang magbulag bulagan at magbingi bingihan, megan. Nakita kita kanina na nakikinig sa kanila. Hindi pa detalyado ang mga narinig mo. Kapiraso pa lang 'yon ng katotohanan." Seryoso niyang sambit. Mas lalo akong humagulgul. I know. I know schyler. Hindi ko lang kayang tanggapin sa ngayon. Kailangan ko pa ng oras. Oras para pag isipan ng mabuti ang dapat kong gawin.

"Confront them." Diretsa niyang sabi. Naramdaman ko ang titig niya. Hinawakan niya ako sa balikat para pakalmahin. "Malalagpasan mo rin ang lahat ng 'to, megan." Pagkasabi niya ay mas lalo akong umiyak. Hindi ko alam kung bakit komportable akong umiyak kahit nandyan siya. Matapang ako. Malakas ang loob ko. Hindi ako nagpapakita ng kahinaan lalo na sa ibang tao pero........iba si schy. Iba siya sa ibang tao. Siguro ay sa lahat siya lang ang pinagkakatiwalaan ko. Sa kaniya lang ako nagtiwala. At alam ko na hindi niya ako ipapahamak.

"Umiyak ka lang hangga't gusto mo. Sabihin mo lang ang gusto mo'ng sabihin, megan. Nandito ako para pakinggan lahat ng problema mo, and I'm here to be your protector. Kakampi mo ako sa laban na'to, megan. Mapagkakatiwalaan mo ako............Pangako" Hinarap ko siya at niyakap. Niyakap niya rin ako pabalik. Nakasandal ako sa dibdib niya. Napakakomportable sa piling niya. Maliban kay grey, kay schyler lang ako komportbale. Dahil na rin siguro sa mga ginawa niya para sa'kin.

FLASHBACK

Nagpasya akong tumayo at bumalik ng dorm. Hindi ko naman kasi mahanap kung sino talaga ang nagsulat nito. Ano kayang trip ng taong 'yon, masyadong pamisteryoso eh. Bumuga ako ng hangin bago tuluyang umalis sa locker room. Nakatingin lang ako sa ibaba habang naglalakad. Iniisip ko pa rin kung sino ba talaga ang totoong pumatay kay thea? At kung sino din ang naglagay ng sulat na ito doon. Kung trip lang, pangit ng trip niya.

"Shit!" Napamura ako ng may humigit sa'kin. Sasapakin ko na sana kung sino mang hinayupak ang may gawa ‘non ng bumungad sa’kin ang mukha ni schyler. Nagtatanong ang mga mata ko sa kaniya, inilingan niya ako na para siyang dismayado. Ininguso niya ang direksyon na pupuntahan ko. Sinundan ko ‘yon ng tingin at nagulat ako kung anong naroon. May limang lalaki, puro nakaitim. Lahat sila ay nakamask at talagang malalaki  ang katawan.

“Sino sila?” Tanong ko kay schy. Sumenyas siya na huwag akong maingay at manood lamang sa gagawin nila. Hindi ko alam kung bakit nakatunganga lang kami at pinapanood lang sila. Nasa tapat sila ng dorm naming ni alice, hindi ko alam kung anong binabalak nilang gawin. Kung magnanakaw lang sila, wala silang makukuha sa’min. Napamura ako ng may maalala. Yung babaeng sugatan. Damnit! Iniwan pala namin ni alice ‘yon sa dorm. Pupuntahan ko na sana ‘yong mga lalaki ng pigilan ako ni schyler.

“Yung babaeng sugatan, nasa loob pa. Baka kung anong gawin sa kaniya ng mga nakamask na ‘yan.” Sabi ko.

“Huwag ka ng mangialam, megan. You don’t know them, mapapahamak ka lang.” Pakikiusap niya. Umiling ako.
“Hindi mo ako naiintindihan, schy. Nasa loob ng dorm naming ‘yong babae. Hindi pa siya magaling.” Bumuntong hininga ang taong kaharap ko. Para bang may kung anong bumabagabag sa kaniya. “I need to go.” Paalam ko sa kaniya. Nakakailang hakbang palang ako ng hilain niya ulit ako.

“Hindi mo sila kaya, trust me. Ilang beses ko na silang nakikita............” Hinintay ko ang idudugtong niya. Bumuntong hininga muli siya bago magsalita. “Nakakasama.” Pinanliitan ko siya ng mata. Hindi ko alam kung tama ang narinig ko.

“Anong sabi mo? Namali ata ako ng rinig.” Hindi siya nagsalita, nag iwas lang siya ng tingin sa’kin. “Schy?” Tawag ko sa kaniya.

“Ilang beses ko na silang nakasama, megs. Manood ka na lang muna, ipapaliwanag ko sa’yo ang lahat.” Hindi na ako nakipagtalo pa. Tinalikuran ko na siya at binalingan ng tingin ang mga lalaking nakamask. May limang nasa labas, mukhang nagbabantay. Yung lima naman nasa loob. Ilang minuto silang nandun tila may hinahanap sa loob ng mga kwarto. Ilang minuto pa kaming nag antay bago tuluyan na lumabas ang lima galing sa loob, dala nila ang babaeng sugatan. Tumingin ako kay schyler at tinitigan siya ng masama, umiling siya at nagkibit balikat. Ito na nga ba ang sinasabi ko, mapapahamak ang isang ‘yon. Niligtas ko pa kung ipapahamak ko lang rin pala. May benda pa rin ang babae sa ilang parte ng katawan niya. Hindi siya nagpumiglas upang hindi siya mapasama. Dahil may kalayuan ang kinatatayuan namin ngayon, hindi ko marinig ang binubulong ng isang lalaki sa babaeng sugatan. Tumatango lamang ito sa kaniya at sumama na ng kusa. Nagulat ako ng may dalawang babae ang naglalakad papalapit sa kanila, mukhang hindi nila napansin noong una ang makakasalubong dahil abala ang dalawa sa pagkkwentuhan.

Napako ang mga paa ng dalawa ng mapagtanto ang mga taong makakasalubong nila. Nanlalaki ang mga mata nila at nanginginig. Sino ba naman ang hindi matatakot kung ang makakasalubong mo ay sampong lalaki na nakamask at ang lalaki pa ng katawan, para silang mga bouncer. Bumuka ang bibig ng dalawang babae tila humihingi ng tawad. Lumuhod ang dalawa at nagmamakaawa, hindi ko alam kung bakit. May binunot ang nasa pinakaunahang lalaki sa gilid niya, napamura ako ng mapagtanto kung ano ‘yon.

“Kailangan natin silang tulungan!” Hinawakan agad ni schy ang braso ko. Nakagat ko ang labi ko sa inis. Napapikit ako ng itutok ng lalaki ang baril sa noon ng isang babae, narinig ko ang malakas na tili ng isa. Dinilat ko ang mata ko ng saktong itinutok niya rin ito sa babae at pinutok. Binuhat ng dalawang lalaki ang dalawang walang buhay na bangkay ng mga babae. Naglakad na muli sila at umalis. Sinundan ko na lamang sila ng tingin hanggang mawala na ito ng tuluyan. Napabuntong hininga ako at agad hinarap si schyler. Nakasandal siya sa pader at nakatingin sa malayo. Mukhang malalim ang iniisip. Napansin niya ata ang paninitig ko sa kaniya kaya tumingin siya sa’kin. Umayos siya ng tayo at hinila ako papunta sa dorm. Hindi na ako nagtanong pa. Pumasok kami sa loob, inikot ko agad ang paningin ko. Hindi naman magulo, tumakbo ako sa kwarto at tinignan kung nandun paba ang mga gamit ko. Wala namang nawala sa mga gamit ko. Naglakad na ako pabalik sa sala.

“Anong trip nila at pinasok nila ‘tong dorm namin?” Tanong ko kay schy. Pinag cross ko ang braso ko habang nakatayo sa harapan niya. Tumingala siya para makita ang mukha ko. Tinuro niya ang sofa, hindi na siya nagsalita pa para sabihin na doon ako umupo. Sinunod ko siya at umupo. Hinarap niya ako. Nang magtama ang mga mata namin may kung anong kumurot sa puso ko. Hindi ko alam pero kinakabahan ako, kinakabahan ako sa maaari kong marinig.

“Hindi ganoon karami ang alam ko, megan, pero hangga’t kaya kong sagutin, sasagutin ko.” Aniya.

“Sino ‘yong mga lalaki kanina?” Tanong ko.

“Sila ang mga tauhan ni.......” Bumuntong hininga siya bago dugtungan ang sasabihin. “Black.” Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung pinagloloko ako nito ni schy, pero kung base sa tono ng boses at titig niya ay hindi nga siya nagbibiro.

Tumango ako. “Sino si black? Siya ba ang totoong black? Sino yung napatay namin?” Sunod sunod kong tanong. Sinasabi ko na nga ba, tama ang hinala ko. Peke nga talaga ang black na napatay namin.

“Yung napatay niyo, tauhan lang ng totoong black. Inutusan niya lang si seven at si sebastian para linlangin kayo. Hindi siya ganon kabobo para magpahuli ng ganon kadali. Matalino si black, lahat ng kilos pinag iisipan niyang mabuti. Lahat.” Aniya ng seryoso. “Pinagmamasdan niya lahat ng kilos niyo, nandiyan lang siya pero di niyo lang napapansin.” Tumayo ang mga balahibo ko sa sinabi ni schy.

"Bakit niya ginagawa ito? Anong dahilan niya?" Tanong ko.

"Hindi ko alam lahat ng rason niya, basta ang lagi niyang sinasabi ay kailangan mamatay lahat ng taong nakapaligid sa'yo, lalo na ang mga taong malapit at dikit ng dikit sa reyna niya." May kung anong kumurot sa puso ko. Napatulala ako sa mukha ni schy.

"Megan, ikaw ang reyna ni black."

GRAVEN UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon