Megan's POV
Maliwanag ang mukha ko habang papasok kami sa loob ng classroom. Nakaakbay sa'kin si grey. Umubo si bryle na alam kong may ibig sabihin. Kakaibang titig naman ang ibinigay ni alice sa'min. Umiling na lang ako.
"They're you go!" Nanunuyang sabi ni bryle. Umupo ako. Instinct na ata ni alice ang nagsabi sa kanya kaya ibinigay niya ng kusa ang upuan niya para magkatabi kami ni grey.
"Sabay tayo mag lunch mamaya?" Malambing na tanong ni grey. Nagulat ako.
"Y-yeah." Matipid kong sagot. Hindi ko alam kung bakit nautal ako. Hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako dun habang siya nakatingin sa'kin. Napalunok ako sa paninitig niya.
"Don't look at me like that." Saway ko sa kanya. Nakatingin pa rin ako sa mga kamay namin na pinagsiklop. Pinaglalaruan niya ito.
"You're so cute. I liked it, though." Kahit di ako lumingon ay alam kong nakangiti siya. Damn it!
"Stop flirting with me, grey." Sabi ko. Natawa lang siya.
"Why? I'm inlove with you and you're inlove with me too so what's wrong with that?" Tanong niya. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya sa pagkakasabi niya o talagang seryoso siya. Hindi ko ata makuha. Nilingon ko siya para sana sagutin ng biglang lumapit ang mukha niya at magdampi ang mga labi namin. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Naramdaman ko ang pagpula ng pisngi ko. Nakita ko ang gulat niyang mga mata habang nakatingin sa'kin.
"Nakakainggit naman." Sabi ng isa sa mga kaklase namin.
"Damn it, grey! Lantaran!" Sabi ni bryle at humalakhak.
"Kasalan naba ang kasunod, dude?" Tanong ni kira at tumawa.
Gusto kong lamunin ng lupa dahil sa kahihiyan. Damn it. Ano bang problema ni grey at hinalikan ako dito sa maraming tao? Alam naman niyang hindi ako attention seeker? Panigurado pulang pula na ang mukha ko, kasing pula ng kamatis.
Nang natauhan ako ay agad kong inilayo ang mukha ko sa mukha ni grey. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Kahit saglit lang yun, ang laki pa rin ng dating sa'kin. Ganito siguro kapag mahal mo.
"Goodmorming class!" Natuon ang lahat ng attensyon kay Mr. Domingo ng dumating siya. Thanks to him. Umayos na kami ng upo lahat at itinuon ko na lang din ang isip ko sa sinasabi ng guro sa harap.
"Baby, I'm sorry." Malambing na sabi ni grey. Kinagat ko ang labi ko. Sa isang sorry niya lang. Sa isang salita niya lang. Nagdidiwang na ang kaluluwa ko. Damn it! Ayoko man na maramdaman 'to pero tao lang din ako, nagmamahal.
"You mad?" May kung anong pumiga sa puso ko ng marinig ang boses niyang nalulungkot. Lumingon ako sa kaniya. Ngumiti ako.
"No. Nagulat lang ako kanina, I'm sorry too." Sabi ko at nginitian siya. Lumiwanag ang mukha niya sa sinabi ko.
"Okay." Sagot nito. Kumunot ang noo ko. Ngumuso ako. Ang ikli naman ng sagot niya sa'kin. Nabasa niya ata ang isip ko kaya nagsalita agad siya.
"I love you." Bawi niya. Ngumiti ako. "I love you, too."
Nang matapos ang klase ay nagpaalam ako na pupunta na lang muna sa comfort room. I need to pee. Sa cafeteria na lang kami magkikita.
Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko pagtapos kung umihi. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa salamin. May papel na nakadikit dito. Naningkit ang mata ko
at binasa ang nakasulat. Binasa ko ito ng dahan dahan."Life is too short for you."
Mas lalong kumunot ang noo ko. Nonesense? Kinuha ko at tinignan ng mabuti. May nakasulat pa sa likod nito kaya binasa kong muli.

BINABASA MO ANG
GRAVEN UNIVERSITY
Mystery / ThrillerIt was the story of a woman (Megan) and her journey to hell school that full of mystery. Then, things became complicated as she doesn't expected to happen. What if love can conquer everything? Is it love can be your weakness?. Do you want love can b...