A/N: WALA NA ITONG EDIT EDIT PA HUHU
Megan's POV
Pagkatapos naming mapatumba ang naunang kalaban ay nagpatuloy na kami sa aming dapat puntahan. Nakasunod lamang ako sa dalawang lalaking nasa harapan. Pareho silang seryosong nakatingin sa daanan at parehong mga nakasimangot. Anong problema ng mga to?
"Fuck!" Mura ni grey at huminto. Nagtataka man ay huminto na rin ako. Nilingon ako nito. May pinapahiwatig ang kaniyang mga tingin sa'kin.
"What is it?" Tanong ko ng hindi ko siya maintindihan. Nilingon niya muli ang harapan. Nagtagal doon ang tingin niya kaya naisip kong maglakad upang makita kung ano iyon. Hahakbang pa lang sana ako ng harangin ako ni clent. Makahulugan niya akong tinitigan ngunit naging maamo rin ang mukha nito.
"Let's go!" Walang sabi sabing hinila ako nito sa palapulsuhan at iginiya sa ibang direksyon. Malalaking hakbang ang ginagawa nito. Nilingon ko si grey na wala man lang ginawang kahit anong hakbang upang sumunod sa'min.
"Bitawan mo ko, clent!" Pigil ko at binawi ang palapulsuhan mula sa kaniya. "Hindi nakasunod si grey." Tinuro ko si grey na nakatingin lang sa'min. "Kailangan natin siyang isama." Dugtong ko.
"No, we can't." Kumunot ang noo ko sa isinagot niya. Nagkamali ba ako ng dinig? At bakit hindi namin siya isasama? Mas kailangan namin ng kasamahan lalo na sa ganitong sitwasyon. Nababaliw na ba siya? We need him.
"What? Are you crazy? We need him. Makakaya nating dalawa pero mas makakaya natin kung kasama natin siya." Paliwanag ko baka sakaling maintindihan niya ang gusto kong iparating. Ngunit, kinunot niya ang kaniyang noo tila hindi nagugustuhan ang lumalabas sa bibig ko.
"Kung ang iniisip mo na baka hindi kita maprotektahan, you're wrong. I can protect you, I can protect you alone." May kung anong pagpipigil sa boses nito. Magsasalita sana ako ng maunahan niya ako. "Look," Huminga siya ng malalim at sinulyapan ang direksyon ni grey na nakatingin pa rin samin. Nilingon ko rin siya ngunit naibalik ng magsalita muli si clent. "He needs to do some important things, alone." Inemphasize nito ang salitang alone. Hinayaan ko siyang magpatuloy. "May gagawin rin tayo at hindi mo siya makakasama." Pumikit siya pagkatapos parang labag sa kalooban niya ang mga sasabihin. "Magkakasama rin kayo pero hindi muna sa ngayon. Naiintindihan mo ba?" Labas sa ilong nitong sabi. Nilingon ko muli si grey. Tumango ito na tila alam ang pinaguusapan naming dalawa ni clent. Bumuga ako ng hangin bago tumango.
"Fine!" Sagot ko. Ngumiti ito ng pilit. "I'll talk to him first." Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita at tinungo si grey.
"W-what are you doing? Pumunta kana dun!" Hindi ko ito pinakinggan at dire diretso lamang akong lumapit sa kaniya. Napaatras siya ng bahagya ng seryoso lamang akong nakatingin sa maiitim niyang mga mata. "What—" Pinutol ko ang sasabihin nito sa pamamagitan ng halik. Ipinikit ko ang aking mga mata at ako na mismo ang nagpapalalim sa halikan namin. Naramdaman ko ang pagkagulat nito dahil hindi pa nito tinutugunan ang iginawad kong halik. I bit his lips to let me enter my tongue and claim him. I kiss him in aggressive way. Nangungulila ako ng matagal at sabik na sabik siyang mahalikan. I fucking remember everything! Hindi ako makapaniwala na kahit nagdaan ang panahon at nagdaan ang ilang mga tao sa buhay naming dalawa. Alam namin kung kanino at kung sino ang tunay na nagmamay ari ng mga puso namin.
Nang makabawi ito ay tinugunan niya rin ang mga halik ko. Hinagod nito pataas ang isa niya kamay sa aking likuran. Kusa namang pumulupot ang mga braso ko sa kaniyang leeg. Mas idiniin ko pa ang sarili ko sa kaniya. I missed him. Nababaliw na ata ako. Hinihingal kaming humiwalay sa isa't isa. Nagkatinginan kami at alam kong punong puno ng emosyon ang aking mga mata. Nakikita ko ring ganoon ang kaniya. "I love you." Sabi ko at muli siyang hinalikan.

BINABASA MO ANG
GRAVEN UNIVERSITY
Mystery / ThrillerIt was the story of a woman (Megan) and her journey to hell school that full of mystery. Then, things became complicated as she doesn't expected to happen. What if love can conquer everything? Is it love can be your weakness?. Do you want love can b...