Megan's POV
"Anong oras mo natanggap ang boquet ng flower?" Tanong ni kira sa'kin.
Sandali akong nagisip. Inaalala ko kung anong oras ko yun napulot.
"Around 7?" Hindi siguradong sagot ko.
"May notes ba na nakalagay?" Tanong naman sa'kin ni bryle. Tumango ako. "Anong nakasulat?" Dugtong niya.
"Dear megan my love?" Sagot ko.
Nagkatinginan silang tatlo maliban kay grey na nakatingin sa malayo. Mukhang malalim ang iniisip niya. Ano naman kaya ang gumugulo sa isip niya ngayon.
"Alam niyo ba kung sino ang nagpadala sa'kin ng bulaklak?" Umaasang tanong ko sa kanila. Nagkatinginan muli sila bago sagutin ni bryle ang tanong ko.
"Hindi eh." Sagot nito.
Napabuga ako ng hangin bago umupo sa upuan ko. Naramdaman ko ang pagtabi sa'kin ni alice. Itatapon ko na lang siguro ang bulaklak na yun. Kung hindi lang din naman pala galing kay grey mas mabuti ng itapon yun.
"Hoy! Huwag mong itatapon ang mga rosas na yun ah? Ang ganda pa naman at ang bango." Pasigaw na sabi ni alice. Napangiwi pa ako sa lakas ng boses niya.
"Why? Hindi naman yun galing kay grey kaya itatapon ko na lang. At isa pa, hindi ko kilala kung sino ang nagpadala nun." Sagot ko.
"Kung ayaw mo, edi akin na lang." Sagot niya. Nakanguso pa ito. "Sayang eh!"
Halos mabagot ako sa klase. Lumilipad ang isip ko at isa pa akala ko mananatili sa klase ang tatlong lalaki pero unang subject pa lang umalis na sila. Hindi ko alam kung san sila nagpupunta o kung ano man ang pinanggagawa nila.
"Gutom na gutom na ako megan." Reklamo sa'kin ni alice ng matapos ang klase namin.
"Kumain ka naman kanina bago tayo pumasok, hindi ba?" Seryoso kong sabi.
"K-kahit na.......Tara na nga!" Aangal sana ako ng hilain ako ni alice palabas ng room. Kinuha ko pabalik ang braso ko at umayos ng tayo.
"Don't do that again, alice." Seryoso at may pagbabanta kong paalala sa kaniya. Napalunok siya at tumango ng mabilis.
"Nasaan kaya sila ngayon?" Wala sa sariling naitanong ni alice.
Nanatili akong tahimik dahil kahit ako'y hindi ko alam kung nasaan sila. Dumiretso kami sa cafeteria para umorder ng pagkain. Nagpresinta si alice na siya ang bibili ng kakainin namin. Hindi na ako umangal dahil ayoko ng tumayo. Feeling ko napagod ako sa unang period ng klase.
Inilabas ko ang notes ko kanina sa calculus para ireview. Hindi ko malaman kung bakit may mga tao na pinapahirapan kami. Pinapadugo ang utak namin lalong lalo na dito sa math na ito. Pero kung pagtyatyagaan at magsisipag ka makukuha mo rin ang tamang sagot. Sa panahon ngayon lahat napag aaralan. Lahat natututunan.
"Hi megan?" Halos mapatalon ako sa sobrang gulat dahil sa boses ni west.
"Bakit ka ba nang gugulat?" Naiiritang tanong ko. Nagtaka ito at napakamot sa ulo.
"Ha? Hindi naman kita ginulat eh." Sagot niya. Napabuntong hininga na lamang ako. Magkapatid nga sila.
"Ano nga palang ginagawa mo rito?" Tanong ko at isinara ang notes na binabasa ko. Mamaya ko na lamang ulit ito babasahin kapag nagkaoras ako.
Umupo si west sa katabi kong upuan. Umayos siya ng upo bago sumagot.
"Gusto ko lang na makasabay kang kumain." Nakangiti niyang sagot.
![](https://img.wattpad.com/cover/125924680-288-k112872.jpg)
BINABASA MO ANG
GRAVEN UNIVERSITY
Misterio / SuspensoIt was the story of a woman (Megan) and her journey to hell school that full of mystery. Then, things became complicated as she doesn't expected to happen. What if love can conquer everything? Is it love can be your weakness?. Do you want love can b...