Megan's POV
"Megan!" Naalimpungatan ako sa tinig ni alice. Pagkadilat ko ng aking mga mata ay agad kong tinignan kong katabi ko ba siya. Napatayo ako ng wala ito. What the hell. Asan siya?
"M-megan!" Napabangon ako at agad na lumabas ng kwarto. Napatakbo ako sa sala at nakita ang nakabukas na pinto. Agad akong tumungo doon. Bumungad sa'kin ang napakalamig na simoy ng hangin. Napayakap ako sa aking katawan ng dumampi ito sa aking balat. Naningkit ang aking mata ng wala akong makita dahil sa dilim.
"Alice." Naisambit ko sa mahinang boses.
Nasaan sila west? Bakit hindi nila napansin ang mga taong nakapasok sa loob? Agad akong tumungo sa kanilang kwarto. Nadatnan ko itong mahimbing ang mga tulog.
"West!" Galit na tawag ko.
"West! Grey! Ano ba?" Pumunta ako sa higaan at niyugyog silang lahat.
"Guys! Ano ba?" Sinipa ko sila ng paulit ulit pero walang nangyayari. Ano bang kalokohan to? Ganiyan ba sila kamanhid? Masama to.
"Fvck! Wake up!" Ilang beses ko na ba silang binugbog? Hindi ko na mabilang. Pumikit ako at bumuntong hininga. Pagdilat ng aking mata ay kumukulo pa rin ang dugo ko. Sa inis ko ay pinagsusuntok ko silang apat sa mukha.
"Damn! Ayaw niyo?" Sinipa ko sila sa tiyan at kung ano ano pa. Napaupo ako sa sahig ng maramdaman ang pagod.
Wala nga silang balak na gumising. Hindi ko alam kung bakit pero alam kong may mali. Ngunit? Paano si alice? Baka kung anong gawin sa kaniya. Kapag may nangyaring masama kay alice hindi ko mapapatawad ang aking sarili. Napahawak ako sa aking pisngi. Tumulo ang likido sa aking mga mata. Hindi ko na kaya mawalan ng kaibigan. Ayoko na muling maramdaman ang naramdaman ko noon.
Anong gagawin ko ngayon? Pupuntahan ko ba si alice? Pero paano? Saan? Wala akong alam na pwedeng pagdalhan sa kaniya. Bahala na. I need to find her.
Tumayo ako at nagsuot ng jacket. Dinala ko din ang aking baril na ibinigay ni alice. Nagdala din ako ng kutsilyo na ginawa ko at flashlight. Tinignan ko muli sila Grey na mahimbing pa rin ang tulog.
Naglakad na ko at pinakiramdaman ang buong paligid. Kailangan kong paganahin ang instinct ko. Napatingala ako sa buwan. Napakaliwanag nito ngayon. Napapalibutan ito ng mga itim na ulap. May nag iisang maliwanag na bituin ang nasa ibaba nito. Napabuntong hininga ako dahil sa kakaibang pakiramdam na ibinibigay ng gabi. Napakaaliwalas ng langit. Parang sinasabi nitong darating din ang kapayapaan sa kabila ng kahirapan. Ngunit, kailan? Kailan mararanasan ng buong eskwelahan ang salitang kapayapaan.
Naalerto ako ng may marinig na mga yabag. Napatayo ako sa isang malaking poste.
"HAHAHA I love you, babe." Ring kong sambit ng isang babae.
"I love you too, babe." Sagot naman ng isang lalaki. Base sa tono ng boses nito ay mukang galing silang inuman o kasiyahan. Napailing na lamang ako sa pinag gagawa nila.
"Mga taksil!" Sigaw ng isng lalaki na galing sa likuran ng dalawa. Gusto ko sanang lumabas ngunit mas pinili kong manahimik.
"B-baby?" Kinakabahan na sambit ng babae.
"P-pre? A-anong ginagawa mo r-rito?" Sa tono ng boses ng lalaki ay kinakabahan din ito. Tila may nagawang kasalanan.
"Pare? Baby? Fvck. Ganiyan ba kakapal ang pagmumukha niyo at nakaya niyong itawag yan sa'kin?" Galit ang tono ng boses nito.
"I-im s-sorry." Nasambit ng babae.
"Sorry? Pagkatapos niyo kong lokohin? Mga manloloko! Mga walanghiya!" Galit na galit na saad ng lalaki.

BINABASA MO ANG
GRAVEN UNIVERSITY
Misteri / ThrillerIt was the story of a woman (Megan) and her journey to hell school that full of mystery. Then, things became complicated as she doesn't expected to happen. What if love can conquer everything? Is it love can be your weakness?. Do you want love can b...