CHAPTER 37

5.6K 226 86
                                        

I just want to dedicate this chapter to this very lovable girl honocturnaleyk. Enjoy everyone.

M E R R Y C H R I S T M A S

Megan's POV

"Nakahanda na ba?" Tanong ko kay akira. Tumango ito bilang tugon.

"Good." Nakangiting sambit ko.

Dalawang malaking drum na puno na tubig ang nasa harapan ko. Well, inilublob nila ang mukha ko sa drum. And now, sa kanila ko naman ipaparanas ang naranasan ko. Pinalagyan ko din ito ng maraming yelo.

"Itayo niyo na." Utos ko sa kanila. Itinayo nila ng sabay ang dalawa katabi ng drum. Sinamaan ako ng tingin ni black samantalang nakayulo lang si sebastian.

"Huwag mong titigan ng ganiyan ang asawa ko!" Isang malakas na suntok ang natamo ni black kay grey. Napailing na lang ako sa ginawa niya.

"Calm down, grey." Pagpapakalma ko sa kaniya. Tinignan ko si black sa mata.

"Wait." Pagpapahinto ko sa kanila. Nagtaka sila ngunit hindi ko ito pinansin. Lumapit ako kay black at sinuri ang mukha niya. Hindi pa rin niya inaalis ang mask sa mukha.

"Tanggalin natin mask mo ah?" Nakangiti kong sambit. Hindi na siya kumibo at marahas kong tinaggal ang mask sa mukha niya.

Napanguso ako dahil hindi naman pala ito gwapo. May nakamarkang X sa kaniyang pisngi na iginuhit sa pamamagitan ng kutsilyo. Napatango ako dahil alam ko na kung bakit siya nakamask. Bukod sa pangit na siya may peklat pa sa mukha.

Hindi na ako nagtanong tungkol sa kaniya. Tiyak kung masasabi niya rin ito mamaya sa'kin. Nginitian ko lang siya bago lumayo.

"Naalala mo ba to?" Tanong ko sa kaniya. Hindi naman siya kumibo. "Gusto mo ba maranasan? Masaya sa loob niyan. Malamig." Nakangisi kong sambit.

"Ipasok na sila." Utos kong muli kay akira at bryle. Nagpupumiglas ang dalawa pero wala rin silang nagawa.

"T-tangina. A-ang l-lamig!" Nanginginig na reklamo ni sebastian. Natawa ako. May saltik ba siya? Malamang malamig yan dahil nasa tubig siya na puno ng yelo. Nakita ko naman ang pag galaw ng panga ni black. Alam kong pinipigilan niya ang sarili niya na ipakitang nilalig din siya.

"Goodluck." Nakangisi kong sambit. Tinanguan ko sila akira na ilublob sa tubig ang dalawa. Ginawa naman nila agad at isinara ang takip. Hindi nila maalis ang takip dahil nakatali ang kamay nila at paa ng dalawang lapastangan. Tignan natin kung hanggang saan ang kaya niyo.

"Papatayin mo ba sila sa lamig, my queen?" Tanong sa'kin ni grey.

"Hindi. Gusto ko lang iparanas sa kanila yung pakiramdam na nasa drum. Ayokong matapos ang buhay nila sa ganiyan kadaling proseso." Seryoso kong sambit. Tumango naman si grey.

"Every three minutes iangat niyo sila. Ayokong mamatay sila diyan. Mas magandang paraan para sa kamatayan nila." Paalala ko sa dalwang nagbabantay.

"Masusunod mahal na reyna." Nakangiting sambit ni bryle. Sabay na yumuko ang dalawa biglang pag galang. Napangiwi tuloy ako dahil sa ginawa nila.

"Ihahanda ko na ba ang susunod mong gagamitin?" Napatingin ako kay west na nakaupo sa upuan.

"Kung pwede?" Tanong ko rin pabalik. Natawa ito. "Oo naman, basta ikaw." Ngumiti ito. Tumango ako at nagpasalamat. Naglakad na siya paalis upang kunin ang mga gamit na sinabi kong kunin niya.

"S-s-shit." Mura ni sebastian ng iangat sila ng dalawa. Bakas ang pagkahingal at panginginig ng katawan nila sa lamig. Napangisi ako.

"Oh? Masaya ba? Masaya hindi ba. Sige ilublob ulit yang mga yan." Narinig ko pa ang pagmumura nila bago ulit tuluyan na ibaon sa tubig.

GRAVEN UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon