CHAPTER 19

5.4K 257 55
                                        

Megan's POV

Nakatayo pa rin ako sa harapan niya at hindi mapakali dahil sa lakas ng kabog ng aking dibdib.

Bwisit na Schyler talaga. Pinahamak pa ako. Akala ko naman sasamahan niya ako yun pala iniwan din ako mag isa.

"I said, what are you doing here?." Tanong muli nito sakin.

"Ah. Eh. A-ano kasi-" Pinutol nito ang aking sasabihin.

"What?." Ngayon galit na ang tono ng kaniyang boses.

"Yung activities! Tama. Yung a-activities natin." Kinakabahang sagot ko. Bakit nga ba ako kinakabahan sa isang to? Calm down.

"Kailangan pa ba nun?." Tanong nito. Nagkibit balikat na lang ako.

"Kung ayaw mo, ayos lang naman. Sge mauna na ako." Dahan dahan akong umikot at kinalma ang sarili ko. Hahakbang pa lang sana ako palabas ng dorm ng hawakan ako nito sa braso.

Nanigas ang buo kong katawan dahil sa init ng kamay nito. Naririnig ko ang napakalakas na pintig ng aking puso. Ano bang ginawa ng lalaking to para magkaganito ang buo kong katawan? Hindi na rin ako makapag isip ng maayos.

"Wag kana umalis. Dito ka lang." Utos nito sa mahinahon at makahulugang boses.

Humarap ako sa kaniya na sana ay di ko na lang pala ginawa. Napakalapit nito at halos isang dangkal na lang ang layo ng aming mukha. Napalunok ako dahil sa kagwapuhan nito. Napababa ang aking tingin sa kaniyang labi na parang tinatawag ako.

"Hoy! Mamaya na yan bro! Maligo ka muna!." Napabalik ako sa reyalidad dahil sa pagsigaw ni bryle. Sabay kaming tumingin ni grey sa kaniya at agad din itong nagpeace sign.

"Umupo ka muna. Maliligo lang ako." Tumango ako bilang tugon at umupo sa tabi nila west. Sinundan ko lamang ng aking tingin si grey hanggang pumasok ito sa banyo. Bumuntong hininga ako at sumandal sa sofa.

"Uy nakita ko yung tingin mo kay grey ah." Napadilat ako agad dahil sa lalaking nagsasalita. It's bryle.

"Ano naman yun?." Tanong ko.

"Hanggang banyo yung tingin mo. Siguro gusto mo sumama sa kaniya sa banyo." Nanlaki ang mata ko sa huling sinabi nito. Itinaas ko agad ang kamay ko at binatukan ito ng malakas.

"Aray. Bakit mo ginawa yun?." Tanong nito at hinawakan ang parte na nabatukan ko.

"Kung ano ano kasi lumalabas sa bibig mo." Inirapan ko ito bago umayos ng upo.

"Kunware pa." Bulong nito pero rinig ko.

"May sinasabi ka ba?." Mataray kong tanong. Nginitian ako nito. "Wala ah."

"Uy megan? Kumain ka naba?." Biglang tanong ni west pero nakatingin pa rin ito sa pinapanood.

"Oo." Sagot ko. Hindi na ito nagsalita dahil busy siya sa pinapanood. Si akira naman tumayo at tumabi sakin.

"Hello Megan?." Nakangiti nitong bati sa akin.

"Hello." Gusto ko din ngumiti dahil ngayon ko na lamang muling nasilayan ang ngiting ito kaso pinipigilan ko lang.

"Kamusta kana?" Tanong ko.

"Ayos na naman. Dahan dahan ng nakakarecover." Bumuntong hininga ito na para bang may mabigat pa din itong dinadala sa kaniyang puso.

"Hindi naman dapat biglain na kalimutan siya, kira. Pero dapat hindi natin kalimutan si krystal. She's part of our life. Ang kailangan natin gawin ay tanggapin na wala na siya." Malungkot kong sambit. Nakita ko ang pagpatak ng luha mula sa kaniyang mga mata.

GRAVEN UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon