CHAPTER 35

4.7K 248 73
                                    

Megan's POV

Nakatayo pa rin ako at hindi gumagalaw sa pwesto ko. Wala na ang posas na bakal sa mga kamay at paa ko. Gusto ko silang suntukin sa mukha pero hindi ko magawang humakbang sa sakit ng katawan.

Napahawak ako sa tuhod ko dahil sa kusang panginginig  nito. This is a suicide. Pero wala akong pakialam. Kung hindi ako lalaban mas lalong walang mangyayari.

"Oh? Papanoorin ka na lang ba namin na nakatayo lang?" May pagkairita nitong sabi. Tinignan ko siya sa mata. Ang lakas ng loob niya dahil ganito ang kalagayan ko. Kapag nakalapit ako sa kaniya kahit isang suntok lang sa mukha. Pero sisiguraduhin ko na mag mamarka yun at hinding hindi niya makakalimutan hanggang sa kamatayan.

"Patayin niyo na!" Bored na utos nito.

Pinalubutan ako ng limang lalaki.

"Boss paano kami?" Tanong ng iba niyang tauhan. Naikuyom ko ang kamao ko. Darn. Pinaglalaruan nila ako.

"Huwag mo na subukan na lumaban pa. Masasaktan ka lang." Paalala sa'kin ng isang lalaki.

Sinuri ako nito sa nakakadiring paraan. Sa titig pa lang niya malalaman mo na agad na wala itong galang.

"F-fvck you!" Pagod na mura ko dito dahil sa nakakabwisit niyang tingin.

"Magsaya kayo!" Malakas na sambit ni black sa mga tauhan niya. Naghiyawan ang mga ito at itinaas pa ang mga kamay sa ere.

"Don't you dare come near me." Pagbabanta ko sa lalaking nagbabalak na lapitan ako. Hindi niya pinansin ang banta ko at isang ngisi lang ang itinugon.

Mabilis niyang hinawakan ang braso ko. Iwinaksi ko yun pero masyado na akong mahina para manlaban. Hindi to maganda. Hindi ko   na nagugustuhan ang nangyayari.

"Sinabi ko na sayo na huwag ka ng pumalag eh." Nakangiti niyang sambit.

"Mamatay ka na sana!" Sa sobrang inis ko ay ayan ang lumabas na salita mula sa bibig ko. Napailing ito at dahan dahan na lumapit ng sobra sakin. Itinaas nito ang kaniyang kamay at hahaplusin sana ang mukha ko ng agad ko itong iiwas.

"Matapang." Nakangiti nitong sambit. Hindi ako kumibo at sinamaan lang siya ng tingin. Ano bang akala niya ipapahawak ko na lang basta basta mukha ko sa kaniya? "Akin ka na ngayon, miss." Nakangiting sambit niyang muli at tinangka ako nitong halikan kaya naman nasuntok ko agad ito. Napaatras siya at hinawakan ang kaniyang panga.

"Ang lakas ng loob mong babae ka!" Nanggigil na sambit nito. Ka agad na lumapit ang iba niyang kasamahan at hinawakan ako. "Magbabayad ka!" Dugtong nito.

Nagpupumiglas ako sa hawak ng mga tauhan niya pero hindi ako makawala. Isang sampal ang natanggap ko mula sa lalaking sinuntok ko. Hinawakan niya ng marahas ang buhok ko at iniharap sa kaniya.

"Wala ka ng magagawa pa!" Mariin nitong sambit at itinulak ako. Dahil sa ginawa niya ay napaupo ako.

Hindi pwede na sa ganito matapos ang lahat. Kailangan ko pa rin lumaban kahit alam kong dehado ako. Damn. I don't have a choice but to fight. I want to fight for the sake of our lives. I want to save alice from this fvcking bastard idiot people. But, how? Damn. Hindi ko mahanap ang lakas ko. Paano ko siya ipagtatanggol sa ganitong kalagayan?. Napakahina ko. Is this the end? Fvck this life.

"Oh ano? Uupo ka na lang ba diyan? Gusto mo tapusin ka na namin?" Tanong nito sakin sa mapaglarong boses.

Lalaban ako. No matter what happen, I will fight.

Natawa ako ng malakas hanggang mapalitan ang tawa ng isang halaklak. Naramdaman ko ang mga titig nila sa'kin.

"You will kill me? Really?" Natatawa kong tanong. "Pero bago niyo ko mapatay...." Tumayo ako at umayos. Tinignan ko si black sa mata at nginisian ito. "Papatayin ko muna kayo."

GRAVEN UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon