CHAPTER 71

327 6 7
                                    

Megan's POV

Binusog ko ang aking mga mata sa mga bagong bagay na nakikita. Maraming tao kada kwarto sa lugar na'to. Kung sa labas mo titignan parang walang tao sa loob dahil sa luma nitong itsura ngunit kung papasukin mo ito, ibang iba. 

"Oh megan!" Bati sa'kin ni kira. Nakasuot ito ng lab gown ngunit ang kaibahan ay kulay itim ito. 

"Anong itsura yan?" Tanong ko at sinuri ito mula ulo hanggang paa, pabalik. 

"Itsura ng pogi, " Natatawa nitong sagot sabay kindat. Napairap na lang ako sa kahanginan nito. 

"I'm dead serious, kira." Mariin kong sagot. Napakamot siya sa ulo at sumeryoso.

"Gumagawa kami rito ng gamot kung paano makokontra ang gamot na itinuturok ng kapatid mo sa mga tao para mapasunod sila." Paliwanag nito. "Ilang beses na naming sinubukan pero ilang beses na rin kaming nabigo." Kitang kita ang pagkadismaya nito sa mukha. Siguro'y hanggang ngayon ay hindi pa nila nahahanap ang lunas na matagal na nilang gustong makamit.

"Napakatalino ng kapatid mo, megan. Pinaglalaruan niya kami at nililito. What a brat old woman." Naaaliw nitong sabi. "Anyway," Putol nito at inilahad ang kaniyang isang kamay papunta sa isang kwarto. "Let's go? I want you to see this...!" Kasabay ng pagsasalita nya'y bumukas ang pintuan at nilamon ang aking dalawang mata ng nagkikinangan at nagtataasang mga kagamitan. Napakapambihira ng mga ito. Paano nila naitago ang mga kagamitang ito dito?

"Ano sa tingin mo? Ang ganda, hindi ba?" Tanong nito na tinanguan ko.

"Halika at may ipapakita ako sa'yo." Aya nito. Naglakad kami papunta sa isang kakaibang bagay. Kulay berde ang likido nito na nakalagay sa isang malaking lagayan.

"Ano naman 'yan?" Tanong ko. Nginitian niya ako. "The cure." Tumaas ang kilay ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Kung hindi ako nagkakamali ito siguro ang sinasabi nilang lunas para magising ang mga estudyante mula sa itinurok sa kanila ng kapatid ko.

"Ito lang ang tanging paraan para matulungan namin ang kapwa namin estudyante at pati ang mga magulang namin." Sagot nito. Magulang? Bakit kasama ang mga magulang nila?

"Dinukot ang mga magulang namin bago ka dumating dito. Pinwersa silang gumawa ng mga bagay na hindi naman nila gusto. We we're attacked by our own parents. Hindi kami makaalis dito dahil kailangan naming malaman kung saan sila mahahanap." May halong lungkot ang bawat salitang binibitawan nito na para bang lubos itong nakaapekto sa buong pagkatao niya. "Kailangang matigil ang kahibangan ng kapatid mo. Lahat naman to nangyayari dahil sayo." Parang may sumaksak sa dibdib ko. Damn. It hurts. Alam ko naman 'yon..... Pero masakit pa rin marinig ito mula sa ibang tao. "But I understand everything, megan. Hindi mo naman ito kagustuhan. You're also a victim by your own sister. We're here to help you. Kailangan na'ting magtulungan para matapos na'tong kaguluhang ito." Tanging tango na lamang ang naisagot ko sa lahat ng sinabi niya.

Kumuha siya ng isang sample ng likido. Nakalagay ito sa isang tube. Naglakad siya kaya naman sumunod ako. Papunta kami sa isa pang silid. "Anong gagawin na'tin dito?" Tanong ko. Hindi siya kumibo bagkus binuksan na lamang nito ang kwarto at bumungad roon ang isang estudyanteng nakagapos sa upuan. Walang malay.

"I want you to see the power of this..." Itinaas nito ang tube na hawak niya. Hindi na lamang ako kumibo pa. Lumapit siya sa babaeng nakagapos. Nang hawakan niya ito ay biglang nagwala ang babae na animo'y isang hayop na gustong makapanakit. "Oh! Oh! Calm down little girl...... " Natatawang sabi ni kira. Nakangiti pa ito na tila alam at normal na lamang sa kaniya ang ganitong pangyayari. Mula sa bulsa'y, dinukot niya ang syringe at kumuha ng likido sa tube na hawak hawak niya kanina. Itinurok niya ito sa babaeng nakagapos. Ang lakas ng babae'y unti unting nawawala. Kitang kita kung paano ito umamo at kalaunan ay nawalan ng malay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GRAVEN UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon