CHAPTER 58

2K 71 5
                                        

Megan's POV

Hindi ako makatulog gabi gabi dahil kay grey. Tatlong araw na niyang ginagawa ang mga weirdong bagay. At lagi akong nakakatanggap ng irap mula kay alice. Hindi ko na lamang pinapansin pa.

"Salamat." Pagpapasalamat ko dahil sa paghatid niyang muli sa'kin sa labas ng dorm ng mga babae. Tumango siya. Tumalikod nako at maglalakad na sana paloob ng halos mawalan ako ng balanse dahil sa biglaang paghigit niya sa aking braso. Sisigawan ko na sana siya ng bigla kong naramdaman ang labi niya sa labi ko. Feeling ko nagsslowmo ang lahat dahil sa ginawa niya. Dilat na dilat ako habang magkadikit ang mga labi namin. Pakiramdam ko ay ginagapangan ako ng milyo-milyong boltahe sa katawan.

Nang nakarecover ako sa ginawa niya ay agad ko siyang itinulak. Gulat pa rin pero hindi ko iyon ipinahalata. Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit mo ginawa yun?!" Puno ng iritasyon kong tanong. Malamig niya lamang akong tinignan. Kinalma ko ang sarili at baka akalain pa niyang masyado akong affected sa ginawa niyang halik although smack lang naman yun.

Matapang ko siyang tinalikuran. Halos hindi ako makapaglakad ng maayos dahil sa ginawa niya. Gusto ko siyang sakalin dahil sa halik na yun. Nang nakapasok na ako sa dorm ay dali dali akong kumuha ng tubig at nilagok. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Sa tingin ko nga ay sa sobrang bilis at lakas nito maaaring marinig ng kabilang kwarto.

Hindi pa rin ako makapaniwala na hinalikan niya ako. Wala sa sariling napahawak ako sa aking labi. Nagtaasan ang mga balahibo ko at tila mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko. Ano na naman to? Magpapakatanga na naman ba ako? Isang halik lang yun megan. Smack pa. Bumuntong hininga ako ng mapagtanto kung ano tong nararamdaman ko. Maaari akong magsinungaling sa ibang tao pero hindi sa sarili ko.

Hindi ako makatulog. Napatingin ako sa orasan sa tabi ko. 2:01 AM. Anong oras na pala at di pa rin ako natutulog. Tumagilid ako at nagbabakasaling makatulog.

"Megan..." Napadilat ako ng wala sa oras kahit kakapikit ko pa lamang. Hindi ako gumalaw at pinapakiramdaman lamang ang nasa paligid.

"Psstt!" Ngayon ay sigurado na ako na may tao nga. Dahan dahan kong ginapang ang isa kong kamay sa ilalim ng unan ko at sa saktong pagtayo ay itinutok ko agad iyon sa nakabukas na pinto. "Holy shit!" Mura niya at agad na itinaas ang dalawang kamay ng sabay.

"Anong ginagawa mo dito, blue?" Tanong ko. Nginuso niya ang baril na hawak ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Sagot." Malamig pa sa gabi ang boses ko.

"Pano naman ako makakasagot ng maayos kung nakatutok yan sakin?" Sarkastiko niyang tanong sakin. Inirapan ko siya at ibinaba na ang baril. Parang nabunutan siya ng tinik pagkaalis ko ng baril sa nakatutok niyang noo.

"Sumama ka sakin" Aniya. "Nagkakagulo na sila." Napukaw ang buo kong kuryosidad sa sinabi niya.

"Sinong sila?" Takang tanong ko.

"Sumama kana para makita mo!" Tumango ako at kinuha ang jacket sa katabi kong cabinet. Nagmamadali kaming umalis ng silid at tinungo ang madalim na daanan. Malamig at tila nakakabinging katahimikan ang namamayagpag sa buong paligid.

Wala kaming imikan habang naglalakad. Nakasunod lamang ako sa kaniya kung saan man kami tutungo. Napunta kami sa likod ng gymnassium. Magsasalita na sana ako ng bigla niya akong nilingon at sinenyasan na tumahimik. "Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko ngunit pabulong lamang.

Sumilip siya sa isang pinto para sa loob ng gym gamit ang likuran na pintuan. Sinenyasan niya akong lumapit. Sinilip ko rin kung anong sinisilip niya. Laking gulat ko ng makita kung ano ang nasa loob. Nanlaki din ang mata ng lalaking nasa harapan ko. "Bryle?" Hindi siguradong tanong ko.

GRAVEN UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon