Megan's POV
Nasa room na ako kasama sila Alice. Nang biglang may mga iilang estudyante na nasa labas ng classroom at nagwawala.
"Sino ang pumatay sa kaniya? Papatayin kita! Magpakilala ka!"
"Wag kang duwag! Magpakilala ka!"
"Harapin moko!"
Pag iiskandalo nito sa labas. Marami na ang nakitsismis sa lalaki dahil sa pag iiskandalo nito. Sino naman kaya ang sinasabi niya?
"Mga bessy? Puntahan natin" sinamaan ko ng tingin sa krystal dahil sa kagustuhan nito na pumunta sa kinaroroonan nong lalaki at makitsismis.
"Huwag kang kj megan! Tara na!" Hinila nila akong dalawa at sinama kung saan malapit ang lalaki.
Nanlaki ang mata ko ng may nakaupong lalaki sa isang silya. Wala na itong buhay at may tama ng baril sa noo nito.
That's one of my signature.
Tinititigan ko lang ang lalaking nagwawala. Ano bang problema niya kung mamatay yan? Ganun ba siya kaimportante? At kasalanan ko ba na namatay siya? Dapat lang mawala ang isang kagaya niyang mahina.
"Huwag na huwag kang mag kakamali na magpakita samin! Once we know you. Hindi kana sisikatan ng araw" Naglakad na ang lalaki at pinadala niya sa mga kasama niya ang lalaki kagabi na tinatawag na boss.
At... tinatakot niya ba ako? Anong akala niya sakin ganun ganun na lang matakot?
Siya dapat ang matakot hindi niya pa ako kilala at lalong hindi pa nila ako kilala.
"Sino kaya ang pumatay dun kay jeffrey" nagtataka at halata mo ang labis na pag iisip ni krystal.
"Oo nga, malaking gulo ang ginawa ng taong yun" sabat ni Alice.
Ganun ba kabigdeal ang pagkawala ng lalaking yun para pag usapan siya ng ganito?
"Sino ba ang lalaking pinaguusapan niyo?" Hindi ko na napigilan ang pagtanong. Nagtaka sila ngunit sumagot naman.
"Si jeffrey Quizon, isa sa mga pinakamalakas sa eskwelahan nato. Marami na siyang napatumba at marami ng tumitingala sa kaniya. Isa siya sa pinakatatakutan sa lugar nato" saad ni Alice.
Pinakamalakas? But I cant see that yesterday. Hindi man lang ako nakaramdam ng kaba ng magkita kami. Kung totoong malakas siya at bakit madali ko lang siya napatumba? Ganun ba siya kahina?
"Sadyang mahina siya kaya ito ang ikinamatay niya" komento ko.
"Alam mo ba megan? Dahil sa ginawa ng taong pumatay kay jeffrey magkakagulo lahat? Hahanapin nila ang taong gumawa nun sa kapatid niya. Kilala ko sa gino, at alam kong bibigyan niya ng katarungan ang pagkawala ni jeffrey" Napabuntong hininga si krystal at napasandal sa upuan.
Hahanapin? Kung magkaharap man kaming dalawa sisiguraduhin ko na mamamatay siya at ako mismo magtatatarak ng kutsilyo sa dibdib niya.
Nasa cafeteria na kami nila Alice at kumakain ng biglang may mga lalaking nasa harapan namin. Nakatayo ito at nakangiti. Hindi ko na pinansin at kumain na lamang. Lima silang lahat.
"Hi girls." nakangiti at confident na bati nito samin. Hindi ako sumagot dahil naalibadbaran ako sa pagmumukha niya.
"Hi din." bati naman ni krystal at Alice. Bat kaya nila kinakausap ang mga yan?
"Huwag niyo ngang pinag aaksayahan ng oras ang mga walang kwentang tao." payo ko sa mga ito. At nakita ko ang pagkainis sa mukha ng mga lalaking nasa harapan namin.
BINABASA MO ANG
GRAVEN UNIVERSITY
Mystery / ThrillerIt was the story of a woman (Megan) and her journey to hell school that full of mystery. Then, things became complicated as she doesn't expected to happen. What if love can conquer everything? Is it love can be your weakness?. Do you want love can b...