Megan's POV
Ngayon na ang araw upang ipatikim sa aming guro ang ginawa naming cake. Well, masarap naman yun. Nagustuhan din naman ng mga kaibigan ko ang ginawa namin ni grey.
Si grey na lang din ang magdadala ng cake sa room sabi niya. Nakabihis na ako at aalis na lang. Nakita ko na nakaharap si Alice sa salamin at tinititigan ang kaniyang sarili. Umikot pa ito at ngumiti. Sinuklayan nito ang kaniyang mahaba at magandang buhok.
"Sa tingin mo ba megan, magugustuhan ako ng taong mahal ko?." Tanong nito ng hindi ako tinitignan.
"Paano ka naman hindi magugustuhan? Sa ganda mong yan?." Patanong din na sagot ko. Lumapit ako dito at niyakap siya mula sa likod. Ngumiti din ito sa akin.
"Pero sana nga magustuhan niya rin ako." Malungkot na sambit ni Alice. Napailing na lamang ako. Paano naman kasi hindi magugustuhan ang isang Alicia Mae Montes. Tanga na lang talaga ni bryle kung papakawalan niya pa ang kaibigan ko.
"Tara na nga!." Hinila ko na si Alice baka maiyak pa yan sa kadramahan niya. Nararamdaman ko naman na may pagtingin din sa kaniya si bryle. Torpe lang talaga.
"Ikaw ba megan may nagugustuhan ka naba?." Nagulat ako sa itinanong sa akin ni Alice.
"Wala, bakit?." Tugon ko.
"Sa pagkaka alam ko ay nagugustuhan mo na si grey." Napahinto ako sa paglalakad ng sabihin iyon ni Alice.
"W-what?." Tanging tanong ko.
"Sus! Kunware ka pa. Halata ka kaya." Mapanuksong sambit nito. Hindi ko na maibuka ang aking bibig. Ano bang pinagsasabi niya? Oo na gusto ko nga si grey. Pero, wala pa akong pinagsasabihan bukod sa sarili ko.
"Joker ka din, noh?." Inirapan ko ito at nauna ng naglakad. Tumakbo naman ito papalapit sa akin upang masabayan ako sa paglalakad.
"Just kidding." Natatawang sabi nito.
Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na lamang sa paglalakad. Minsan talaga may saltik sa utak ang babaeng ito. Kanina lamang ay nagddrama tapos ngayon ay nagbibiro na. Konti na lang ipapadala ko na siya sa mental kapag nakalabas na kami dito.
"Hhheeellllooooo megan at Alicia!." Nakakabinging pagbati sa amin ni bryle. Tumakbo ito palapit sa amin ay niyakap ako.
"Get off me!." Agad itong lumayo at nginitian ako lumapit naman ito kay Alice at niyakap din. Yung totoo? Whats wrong with this people?
"Hi megan?." Nang makapasok na ako ay agad akong binati ni kira at kumaway pa. Tinanguan ko naman ito bilang tugon. Napatingin ako kay grey at nakapoker face ito. Napailing na lang ako sa itsura niya.
Umupo na ako at nakinig sa aming guro. Pero napadako ang aming attention ng maglakad sa unahan si Maurine na parang walang nakikitang guro. Nakabusangot ang mukha nito pagpasok ngunit sumila'y ang nakangiting labi ng makita si grey. Hindi ko alam pero nang gigigil ako sa kaniya sa mga oras na ito. Gusto kong tanggalin ang mga ngiti sa labi niya gamit ang kutsilyo. Napairap na lamang ako sa inis.
"It's okay, hindi siya gusto ni grey." Bulong sa akin ni Alicia. Kinunutan ko siya ng noo.
"Pinagsasabi mo?." Gusto kong pigilan ang pagkainis sa boses ko pero nangibabaw pa rin yun. Natawa na lamang si Alicia at napailing.
"Hi babe." Malanding bati ni Maurine sa nakapoker face pa rin ni si grey. Hindi ko nilingon si grey upang tignan kong anong magiging reaksyon nito.

BINABASA MO ANG
GRAVEN UNIVERSITY
Misteri / ThrillerIt was the story of a woman (Megan) and her journey to hell school that full of mystery. Then, things became complicated as she doesn't expected to happen. What if love can conquer everything? Is it love can be your weakness?. Do you want love can b...