CHAPTER 45

3.1K 148 109
                                    

Megan's POV

"Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong sa'kin ni alice. Nasa loob na kami ng classroom. Tinanguan ko siya bilang sagot.

Hindi ko alam kung papaano ko maihaharap ang taong pumatay sa kapatid ng babaeng maingay na yun. I don't have any idea.

"Sa tingin mo ba mahahanap mo ang culprit na pumatay kay Thea?" Tanong sa'kin ni alice. Alam kong pati siya ay nag aalala para sa'kin.

"Hindi ko pa alam." Matipid kong sagot. Natahimik kami pareho. Nag iisip kung paano masusulosyunan ang problemang pinasok ko.

"Class dismiss!" Napaangat ang tingin ko sa guro namin na idinismiss na pala ang klase. Kanina pa pala lumulutang ang isip ko kaya hindi ko napansin ang oras.

"Let's go?" Hinawakan ako sa balikat ni alice. Ngumiti ako at tumango. Sabay kaming naglakad palabas ng silid ng bumungad sa'min si west na nakaabang sa labas ng room. Naka cross arm pa ito habang nakasandal sa pader. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa'min or should I say sa'kin.

"What?" He asked. I shrug as response. "So.....let's go?" He asked again.

"Dapat hindi ka na pumunta dito, West." Sabi ko at naunang maglakad. Sumunod naman agad ang dalawa.

"Bakit? May nangyari ba?" Nagtatakang tanong nito. Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lamang sa paglalakad.

Paano ko naman mahahanap ang culprit kung wala akong alam sa identity niya. Hindi rin naman ako magaling mag imbestiga. Ano ba naman tong napasok ko. I need to find ways to know who is the culprit. May hinahabol akong oras kaya kailangan kong malaman agad. Ayokong mapahiya. Ayokong napapahiya. At lalong lalo na ayokong magpatalo. I'm the queen and I will be.

"Ang lalim ata ng iniisip mo?" Tanong ni west sa'kin. "May gumugulo ba sa'yo?" Dugtong nito.

"Dont mind me." Sagot ko at huminto sa paglalakad. Kagaya ng ginawa ko ay huminto rin silang dalawa. Nagtatakang tingin ang ipinukol nilang dalawa.

"Ang mabuti pa west.....umuwi kana." Saad ko. Dahan dahan na kumunot ang noo niya at pinaningkitan ako ng mata. Itinaas ko lamang ang isa kong kilay para sa mapanuri niyang tingin.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?" Maldita kong tanong. Hindi siya nagsalita ngunit umiling ito. Napabuntong hininga ako. "Ang sabi ko umapppppphhhhhhhh-" Nagulat ako sa biglang pagtakip ng isa niyang kamay sa bibig ko. Inilagay niya ang hintuturo niya sa bibig niya na nagsasabing huwag akong maingay.

"Hhhhmmppppp!" Gusto ko sanang sabihin na 'damn you' ang kaso nga lang napahigpit ang pagdampi ng kamay niya sa bibig ko.

"Sssshhhhh! Huwag ka munang maingay megan." Saway sa'kin ni alice. Wala akong nagawa kundi ang tumahimik. Nang masigurado nilang hindi na ako mag iingay ay binitawan na ni west ang kamay niya.

"Anong meron?" Sabi ko na halos bulong na lamang.

Itinaas ni west sa ere ang kamay niya at may itinuro. Nagtatakang sinundan ko kung ano man ang tinutukoy niya. Isang mahaba at lumang hallway ang itinuturo ng hintuturo niya. Medyo madilim na kaya mas nagiging creepy ang paligid. Wala ng nagpupunta sa lugar na 'yan dahil sa sabi sabing may nagmumulto daw dyan. Wala namang kakaiba sa lugar bukod sa tahimik at kakaibang atmosphere doon.

Tumingin akong muli sa kanila at binigyan sila ng 'Oh-Ano-ng-meron look' Bumuntong hininga sila pareho at umayos ng tayo.

"Hindi mo ba narinig?" Halos hangin na lamang ang makakarinig dahil sa hina ng boses ni alice. Napairap ako dahil hindi ko marinig.

GRAVEN UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon