Megan's POV
"M-megan? Ang school nato, ang paaralan nato ay itinayo para sa mga taong katulad natin. Dinidisiplina nila ang mga estudyante p-pero." Napatigil si krystal sa pagsasalita at parang ayaw nitong ituloy kong ano man ang dapat sabihin.
"P-please krystal, I want to know everything." Pagsusumamo ko.
"Pero sa ibang paraan. They want us to be independent. Pero ang independent na sinasabi nila ay kung pano mo ipagtanggol ang sarili mo sa ibang tao. Hindi kami nagpapadala sa kanila dati pero dumating ang araw na hindi namin inaasahan." Naluluhang kwento ni krystal.
"Akala namin hindi nila magagawa ang gusto nilang ipagawa sa amin. Isang araw nagkagulo, hindi namin alam kung ano ang nangyayari sa labas. Nong araw na yun umalingawngaw sa buong paaralan nato ang isang boses. Sinabi niya na kapag hindi namin ipinagtanggol ang sarili namin mula sa ibang tao mamamatay kami at magsisimula na daw ang kalbaryo sa buhay namin. Noong una hindi namin ito maintindihan, pero dumating ang gabi. N-nakita namin mismo kung paano magpatayan ang mga k-kaibigan namin. Hindi namin alam na may kinikimkim pala sila na galit sa bawat isa. Akala namin okay kaming lahat. A-akala naman masaya kami at t-tunay na magkakaibigan." Napatigil ito at umiyak. Niyakap ko siya. Shit! Pero ngumiti siya sakin na sinasabing okay lang.
"Halos kalahati ng estudyante noon namatay. May mga nakaligtas at kami yun megan. G-gusto na naming lumabas sa impyernong paaralan nato! Dahil sa mga nangyaring patayan nagkaroon ng pagitan sa bawat isa. Hindi na nila pinagkakatiwalaan ang sarili nilang kaibigan. Hindi nila alam kung sino ang totoo at hindi." Kaya pala. Kaya pala sabi sakin noong babae na yun na sa lugar na to sarili ko lang dapat ang pagkatiwalaan ko. Pero? Sila krystal at Alice? Mapagkakatiwalaan sila. Alam ko yun at ramdam ko.
"M-megan? Sa lugar na to pag isipan mo kung sino ang kakaibiganin mo." Payo ni Alice sakin na kanina pa tahimik. Mukhang malalim ang iniisip nito.
"Pero pwede naman natin silang kalabanin hindi ba?." Tanong ko.
"Masyado silang malakas para kalabanin megan. Kaya nila tayong ipapatay lahat kung gugustuhin nila. Sinubukan na naming lumabas dito pero lahat namamatay. Marami ng tumakas pero wala pang isang oras makikita mo na ang mga bangkay nito sa loob ng gymnassium." Nangilabot ako sa sampit ni Alice. Kaya nila kaming ipapatay lahat? At lahat ng tumatakas namamatay? Nanlumo ako at parang nawalan ng pag asa.
"Pero nagkaroon ng kasunduan sa pagitan namin at ng walang hiya na nagpapatupad sa paaralan nato." bigla akong naging interesado lalo sa sinabi nito. Kasunduan? Anong kasunduan naman kaya yun?.
"Kapag mas marami kang napatay maaga kang makakalabas dahil sabi niya mas marami mas masaya." Nagulat ako sa sinabi nito. Tangina! Mas mas marami mas masaya? Gago ang mga taong nasa likod nito. Halimaw lang ang kayang mag isip ng mga bagay na ganun!.
"Kaya mag iingat ka megan, sa paaralan nato walang sino man ang maaring makalabas ng hindi pumapatay." Nagtaasan ang balahibo ko. I-ibig sabihin? Papatay ako?.
Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko mula kanila krystal. Napahawak ako sa mukha ko sa sobrang takot. May ganito bang paaralan? Ito ba ang tinatawag nila na pagbabago? What the hell! Mga demonyo sila! Mga walang puso! Mga baliw!.
Naramdaman ko ang yakap ng dalawa kong kasama. Kaya lalo akong napaiyak.
"S-sorry megan."
"I need to talk to my dad." Napasapo ako sa ulo ng kinuha nga pala ni ms.fuentes ang gadgets ko. Kailangan kung kunin yun. Akmang tatayo na ako ng pigilan ako ni krystal.
BINABASA MO ANG
GRAVEN UNIVERSITY
Mystery / ThrillerIt was the story of a woman (Megan) and her journey to hell school that full of mystery. Then, things became complicated as she doesn't expected to happen. What if love can conquer everything? Is it love can be your weakness?. Do you want love can b...
