CHAPTER 52

3.5K 128 57
                                        

Hi? Huhuhu sorry po at natagalan. Super busy lang ako sa Social Life ko. Ahehehe Enjoy.

Megan's POV

Pagkatapos ng paguusap namin ni schy dumiretso na ako sa dorm. Pagod na pagod ang buo kong katawan. Napatitig ako sa pinto ng dorm namin. Ang bigat sa damdamin. Pinihit ko ang doorknob at pumasok. Nakaupo sa alice sa kusina habang kumakain. Seryoso lang siya at parang may malalim na iniisip. Huminga muma ako bago naglakad palapit sa kaniya. Mukha hindi niya napansin ang presensya ko.

"Hi alice?" Bati ko sa kaniya. Napatingin siya sakin ng may gulat sa mukha. Nang nakarecover na siya ay ibinalik niya ang tingin sa pagkain. Umupo na lang ako at kumuha na rin ng pagkain. Susubo pa lang sana ako ng bigla siyang tumayo. Ako naman ang napatingin sa ginawa niya.

"Hindi ka pa tapos kumain ah? Aalis kana agad?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya. Hindi niya ako sinagot o tinitigan man lang. Dumiretso siya sa may lababo at inilapag ang plato niya na may laman pang pagkain. Naghugas siya ng kamay at dumiretso sa kwarto niya. Nagtatakang sinusundan ng mata ko ang bawat kilos niya. Anong nangyari dun? Napailing na lang ako kumain na.

Hanggang ngayon masakit pa rin. Kahit ilang oras na ang nakalipas hindi pa rin maalis sakin ang mga sinabi ni grey. Sobrang sakit. Tagos hanggang puso't kaluluwa.

Nang matapos na akong kumain at maghugas dumiretso na ako papunta sa kwarto ko. Gusto ko ng magpahinga. Para kahit papano makalimutan ko naman. Kahit saglit lang. Kahit saglit lang. Nakahawak na ako sa doorknob ng pinto ng hindi ko maiwasan na mapasulyap sa kwarto ni alice. Galit kaya siya? Bakit naman siya magagalit? Kinausap naman niya ako kaninang umaga ah? Siguro ay meron lang siya. Napailing na lang ako bago tuluyang pumasok sa kwarto ko.

Kinabukasan ay late na akong nagising. Pano ba naman anong oras na ako nakatulog kakaisip sa mga nangyari. Nagmamadali akong naligo at nagbihis. Kinatok ko si alice sa kwarto pero walang sumasagot. Binuksan ko na para tignan siya ngunit wala na siya roon. Nauna na ba siya? Kumunot ang noo ko. Hindi niya ako iniiwanan basta basta. Ano bang meron ngayon? Ang weird niya.

Nang natapos na ako ay nagmamadali na akong tumungo para pumunta sa ikalawang klase. Wala pang guro ng dumating ako kaya agad akong umupo sa upuan ko. Wala pa yung apat maging si alice. Nasan naman kaya sila? Nauna si alice sakin pero bakit wala pa siya? Baka naman nag banyo lang.

"Where's alice?" Tanong ko sa kaklase ko. Napatingin siya sakin. Nakakunot ang kaniyang noo na para bang tanga ang kausap niya. Kinunutan ko rin siya ng noo kaya napaayos siya.

"Ewan ko." Maikli niyang sagot. Magtatanong pa sana ako ng tinalikuran na niya ako at lumipat sa unahan. Weird. Hindi na lang ulit ako nagtanong kahit kanino.

Lunch break na at wala pa ring alice akong nakikita. Talagang babaeng 'yon! Mamaya kung napano na siya. Napabuntong hininga na lamang ako. Naglalakad na ako papunta sa cafeteria. Magisa. Ang weird na nga ni alice pati ba naman lahat ng tao na nakakasalubong ko? Tsk.

Nagsalubong ang dalawa kong kilay ng namataan si alice kasama ang iba niyang kaibigan. Malakas silang nagtatawanan na para bang sila ang nagmamay ari sa buong lugar. Patuloy akong naglalakad patungo kung nasaan si alice. Napansin ata ng osa niyang kaibigan kaya siniko niya ng mahina si alice at nginuso ako. Halata ang pagkairita ni alice dahil sa ginawa ng kaibigan niya. Sinundan pa rin niya 'yon ng tingin, hindi man lang siya nagulat noong makita ako. Nag iba ang ekspresyon ng mukha niya. Kumunot ang noo niya at naging seryoso ang aura niya. Tinitigan niya lang ako kagaya ng ginawa niya kagabi.

"Alice..." Mahinahon kong tawag sa kaniya. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa pabalik sa mukha ko. What the? Anong problema niya? Nagpipigil na ako ng inis dahil sa ipinapakita niyang ugali sa'kin. "Bakit hindi ka pumasok kanina?" Tanong ko. Tahimik lang ang mga kaibigan niya na para bang inaantay lang nilang si alice ang magsalita.

GRAVEN UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon