Megan's POV
Ilang oras ang lumipas na katabi ko si blue pero masasabi kong WALA SIYANG KASING DALDAL. Para siyang si schyler siguro pag pinagsama sila hindi ko na kakayanin.
"Sabay na kasi tayong maglunch!" Alok niya sa'kin. Kanina pa siya nangungulit tungkol diyan at kanina ko pa rin siya tinatanggihan. Ang sarap batukan dahil ang kulit at napakadaldal akala mo'y hindi nauubusan ng mga sasabihin.
"Megan!" Sigaw ng isang lalaki mula sa labas. Napatingin kaming dalawa sa kaniya. Nakangiti siya sa'kin ngunit napakunot ang noo niya ng dumapo ang kaniyang tingin sa katabi ko. Nanlaki ang kaniyang mga mata na para bang ikinagulat niya. Nakita ko ang pag ngisi sa labi ni blue pati rin ni schy.
"Pare!" Sabay nilang sabi at biglang tumakbo si schyler papunta sa'min. Nagulat pa ako dahil nagyakapan sila.
"Pare, namiss kita!" Pabirong hahalikan sana ni blue si schy pero inilayo agad nito ang kaniyang mukha. "Ang arte mo naman! Parang dati naghahalikan tayo ah?" Nagtatampo ang tono ng boses ni blue.
"Kadiri ka pare!" Parang masusuka si schy habang inaalis niya ang kamay ni blue sa katawan niya. Gusto kong matawa dahil sa itsura nila ngayon para talaga silang mga bakla. Gwapong bakla naman ng mga ito.
"Ow, megs." Napagawi ang tingin ng schyler sa'kin. Humiwalay na rin si blue sa kaniya at dalawa na silang nakatingin sa'kin. Kinunutan ko sila ng noo. Anong problema ng dalawang to? "Sabay tayo magllunch diba?" Tanong niya sa'kin.
"No." Matipid kong sagot. Sumimangot siya.
"Edi wala na akong magagawa kundi-" Tumingin siya sa likod namin kaya napatingin din ako. Halos manlamig ako sa masamang titig ni grey sa'min. Hindi ko alam kung kanino talaga siya nakatingin pero masasabi kong galit siya. Tumingin ulit sa'kin si schy sinamaan ko siya ng tingin. Nag ssign language siya gamit ang mga titig na sasabihin niya kay grey kung di ako sasama. Nagtataka naman si blue sa kaweirduhan naming dalawa. Napapikit ako atsaka tumango bago umirap.
"Yown! Tara na!" Saad niya at tumayo na. Tumayo na rin kami ni blue nasa pintuan na kami ng mahagip ng mata ko si grey na nakatitig sa'min ng masama. Anong problema niya? Hindi ko na lamang iyon pinansin at sumabay na sa dalawa kong kasama.
"Ang bagal mo maglakad! Tara nga dito!" Hinila ako ni blue at inakbayan. Mas matangkad siya sa'kin siguro ay kasing tangkad nito si grey. Hindi ako nagreklamo sa pag akbay niya sa'kin at hindi ko rin alam kung bakit. Kahapon ko lang siya nakilala at kanina ko lang nalaman pangalan niya pero ang weird na pumapayag akong mag pa akbay sa kaniya ngayon. Hindi naman ako ganito pero hayaan ko na nga.
Pagpasok pa lamang namin ng cafeteria ay halos tapunan ako ng masamang tingin ng mga tao. Hindi ko na lamang sila pinansin. Sayang lang sa oras. Umupo ako at ganon din sila. Hindi ko malaman kung nagbubulungan ba talaga ang mga tao sa paligid namin o sinasadya nilang marinig ko?
"Napakalandi talaga!"
"Noong una si grey ngayon naman si blue?"
Napailing na lang ako sa mga naririnig ko. Hindi talaga sila mauubusan ng sasabihin, noh? Ginusto ko ba na kasama si blue? Napatingin ako kay schy dahil tumayo siya. "Anong kakainin mo?" Tanong niya sa'kin. Sinabi ko lahat ng gusto ko at ganon din si blue tsaka umalis si schy.
"So.....kamusta ka naman dito?" Seryosong tanong niya sa'kin. Tumingin ako sa kaniya. "Ayos lang." Matipid kong sagot.
"Sure? Hindi ka ba nahihirapan?" Tanong niyang muli. Umiling ako. "No." Wika ko. Napatango lang siya. Hindi ko alam kung dapat ko ba itong itanong sa kaniya. Hindi kami close pero naccurious ako kung bakit ngayon lang siya pumasok ulit at bakit pa siya pumasok dito. Alam naman nating lahat na hindi maganda ang paaralan na'to. May chance na siya na hindi bumalik pero mas pinili niyang manganib ulit ang buhay niya.

BINABASA MO ANG
GRAVEN UNIVERSITY
Mystery / ThrillerIt was the story of a woman (Megan) and her journey to hell school that full of mystery. Then, things became complicated as she doesn't expected to happen. What if love can conquer everything? Is it love can be your weakness?. Do you want love can b...