CHAPTER 30

4.5K 220 38
                                    

Megan's POV

"Megan, megan, megan." Sambit niya ng pangalan ko sa mapaglarong tono.

May kakaiba sa ngisi niya. Para itong nagpipigil ng inis? Galit? Inggit.

"Anong kailangan mo sa'kin?" Walang gana kong tanong.

"Kailangan?" Tanong nito sa tanong ko at nag isip. Inilagay pa nito sa baba ang kaniyang hintuturo. "Wala naman. Gusto ko lang na mapatay ka?" Tumawa ito na tila nababaliw. Nag igting ang bagang ko sa inis. Akala ko ay isang malumanay at walang kalaban laban ang babaeng ito kaya naman sinagip ko. Nagkamali ako.

"For what reason?" Tanong ko.

"Reason? Napakarami, megan." Kinunotan ko siya ng noo. Napakarami? Hindi ko alam kung paano naging marami ang rason kung bakit niya ako nais patayin. Hindi ko siya kilala. At hindi kailanman.

"Hindi kita kilala kaya paano mo nasabing napakarami?" Tanong ko. Napalunok ako dahil humahapdi lalo ang sugat sa tagiliran ko.

"Talaga nga palang wala kang alam! Sabagay. Anyways. Naiinis ako sa'yo. Ah-ah let me rephrase it. Naiinis kami sa'yo. You stole Grey from us, bitch!" Kung kanina ay kumunot ang noo ko ngayon ay pati ang mata ko ay naningkit. Wala akong alam? Saan? At Naiinis sila sa'kin? Dahil kay grey? Wala akong ninanakaw na kahit sino man. Damn. At hindi ko kinuha si grey sa kanila. Hindi pa.

Magsasalita sana ako ng maramdaman ko muli ang hapdi na naramdaman ko sa tagiliran ko. Napahawak ako sa aking binti. Nagdurugo ito.

"Mukhang wala ka ng magagawa ngayon." Nakangisi nitomg sambit.

Wala ba talaga akong magagawa? Hindi ko ito inaasahan. Hindi ko ito maaaring hayaan. Papaano si alice? Hindi ito pwede.

Nakatingin lamang sa akin ang babae at ninanamnam ang katagumpayan.

Sinuri ko ang babae sa harapan ko. Hawak nito sa kanang kamay ang kaniyang baril. Nakasuot ito ng white na tshirt na napunit dahip sa nangyari kanina. Nakashort lamang ito. Maganda siya. Totoong maganda. Kung titignan ay napakanghel ng kaniyang mukha ngunit salungat sa kaniyang ugali.

I need to do something.

Napangiti ako ng kay tamis habang tinitignan ang babaeng nasa harapan ko. Napakunot naman ang kaniyang noo na tila nagtataka sa pagngiti ko.

"At bakit ka nakangiti?" Naiinis na tanong nito.

"Wala naman." Nakangiti kong sagot. Dahan dahan kong binubunot sa jacket ang aking patalim. "Sino nga pala ang lalaki kanina? Aahh! Tristan, tama ba?" Tanong ko. Hindi nakaligtas sa'king paningin ang paglunok nito. I knew it.

"So?" Maarte nitong tanong..

"Sa tingin ko ay sinadya mong mangyari ang nangyari kanina, tama ba? Ang balak mo sana ay pag awayin ang dalawang lalaki. Ang boyfriend mo na si jeff at si tristan?" Natawa ako dahil sa napagtanto. Halata naman ang gulat sa mukha nito.

"What? Are you Insane? Mahal ko si jeff! Nakita mo naman ang ginawa ni tristan sa'kin! His insane." Sagot nito.

"Really? Pero ang sabi mo ay ninakaw ko sa inyo si grey? It means, may gusto ka sa kaniya. Kaya ang gusto mong mangyari ay pag awayin ang dalawa." Sambit ko. Hindi ko na ito pinagsalita pa at nagpatuloy. "Hindi ka naman talaga ginahasa kanina, hindi ba? Boyfriend mo si jeff at boyfriend mo rin si tristan. Yun nga lang kayong dalawa lamang ang nakakaalam. Sa tingin ko ay isa yung pagtataksil. At ginawa mo yun para magpatayan sila." Napailing ako.


GRAVEN UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon