Megan's POV
Tumatakbo lang ako ng tumatakbo at hinahanap ang mga kaibigan ko. Iniwan ko na si grey dahil ayoko makita niya na kaya kong makipaglaban.
Nagtago ako sa pader ng mapansin si west. Mag isa lang ito at pito ang kalaban nito. May mga dalang patalim ang mga kalaban niya at wala man lang siyang hawak kahit na ano.
Katangahan na naman ba ang paiiralin niya? Mamamatay siya.
Lalapitan ko sama si west upang tulungan ng magulat ako sa nakita ko. Sobrang bilis ng galaw ni west na animo'y hangin. Nakikita ko ang nakakakilabot nitong ngisi habang iniilagan ang kaniyang mga kalaban.
Halata ang pagkainis ng mga lalaki dahil sa hindi nila matamaaan si west.
"Lumaban ka! Wag kang puro ilag!" Sambit ng isang lalaki.
"Pagbibigyan ko ang kagustuhan niyo." Tugon naman ni west at hinablot ang isang kutsilyo sa kamay ng kaniyang kalaban.
Umikot ito sa likod niya at sinaksak ang likod ng ulo nito. Nagulat ang nga kasamahan nito at sabay sabay na sumugod.
Nakatayo lang si west at inaantay ang pagsugod ng kalaban.
Nahihibang na siya.
Sabay sabay silang sumugod kay west akala ko matatamaan ito ngunit madali lamang sa kaniya na patumbahin ang kaniyang kalaban.
Pinagsasaksak niya ito sa likod ng kanilang ulo ng ilang beses hanggang sa mawalan na ito ng hininga.
Pagkatapos niyang patayin ang kalaban ay inamoy niya pa ang kaniyang kutsilyo.
Nanindig ang balahibo ko sa pag ngisi niya habang inaamoy ang hawak niyang patalim.
Naglakad na ito palayo at mababakas sa kaniyang damit ang nangyari ngayon.
Hindi ko inaakala na ganoon si west.
Hindi ko na hinabol pa si west dahil sila celine ang pakay ko. Asan naba kasi ang mga yun? Mamaya kung anong mangyari sa kanilang dalawa.
Napahinto ako ng may marinig akong umiiyak. Ngayon ko lang napansin na nasa may cr pala ako.
Hindi ko na sana papansinin ang iyak na iyon ngunit lumalakas ito. Hindi ko alam kung sino at ano yun ngunit may nagtutulak sakin na puntahan ito sa loob ng banyo. Napailing ako bago humakbang sa loob.
Napakadilim.
Nagulat ako ng mag payay sindi ang ilaw. Hindi ako takot sa mga multo pero kakaiba pa rin kapag nasa ganito kang kalagayan. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng kaba. Pilit kong pinipigilan ito pero hindi ko kaya.
Ano bang meron sa lugar na ito?
Napabuntong hininga ako bago mag desisyon na lumabas na lamang. Hahakbang na sana ako ng maramdaman ko ang paghapdi ng aking balikat. Napahawak ako ka agad dito at kinapa.
Blood.
Papaanong?
"Hindi ka pwedeng lumabas, megan." Malamig at nakakakilabot ang boses nito.
Dahan dahan akong lumingon sa aking likod at hindi ko maaninag ang mukha ng isang babae.
"Who are you?" Madiin kong tanong. Tumawa ito sa sinabi ko at hindi ko alam kung bakit.
"Tinatanong mo kung sino ako? Well, well, well megan." Tumawa ulit ito na parang baliw. Gusto kong sapakin ito dahil sa pagkairita. Sino ba siya? At paanong hindi ko naramdaman ang pag atake niya?

BINABASA MO ANG
GRAVEN UNIVERSITY
Mystery / ThrillerIt was the story of a woman (Megan) and her journey to hell school that full of mystery. Then, things became complicated as she doesn't expected to happen. What if love can conquer everything? Is it love can be your weakness?. Do you want love can b...