CHAPTER 34

5.5K 237 97
                                        

AN: Medyo mahaba. Comment your side readers. Gusto ko lang basahin.

------------
Grey's POV

Napalitan na ng buwan ang araw. Ang kaninang liwanag ng araw ay inagaw na ng liwanag ng buwan na nag bibigay pag asa sa bawat isa.

Napatingin ako sa mga kasamahan ko. Alam kong pare pareho lang kaming kianakabahan. Hindi namin alam kung ano ang maaaring mangyari ngayong gabi. Hindi ako kinakabahan para sa sarili ko kundi para sa kalagayan niya. Mas okay na ako ang masaktan kaysa siya. Damn! Hindi ko kakayanin kapag may nangyari sa kaniyang masama.

"Stay alert. Don't put your guard down." Seryoso kong sambit. Nagsimula na kaming maglakad.

I can't lose this fight. I will be the king, again. And I want megan to be my queen.

Megan's POV

"T-tama na! Maawa k-kayo."

"Aaahhhh! T-tama-Aaahhh"

Agad kong inimulat ang aking mata dahil sa boses ni alice. Shit.

"Alice!" Sigaw ko.

Napatingin ito sa'kin na nag aalala. Ano bang tingin yan? Mas nag aalala pa siya sakin? Hindi ba siya nag aalala para sa sarili niya?

Nakatali ang dalawa nitong kamay patalikod. Nakatali naman ng kadena ang kaniyang mga paa. Puro pasa na rin ang kaniyang mukha. Napaawang ang bibig ko dahil sa nakikita. Pagod na pagod ang itsura niya at ilang sandali na lamang ay babagsak na ito.

"A-alice." Naiiyak na sambit ko.

"Gising na pala ang isa nating reyna." Tinignan ko ng ubod ng sama ang lalaking nagsalita. Nakamask ito na itim.

"Sino ka? Pakawalan mo kami!" Utos ko. Natawa ito sa sinabi ko kaya pinaningkitan ko siya ng mata.

"Pakawalan? Ano ako, tanga?" Sarkastiko nitong sabi.

"Napakabakla mo! Bakit hindi ka lumaban ng patas? Pakawalan mo'ko! Tayo ang maglaban!" Naiinis na sambit ko sa kaniya. Pinipilit kong makawala sa kadenang nakaposas sa mga kamay at paa ko. Damn! Napakahigpit. Anong klaseng pagtatali ito? Halos dumugo na ang kamay ko dahil sa higpit. Naramdaman ko din ang sakit ng katawan ko. Napangiwi ako dahil sa sakit ng aking ulo. Para itong binibiyak ng ilang ulit.

"Kahit anong sabihin mo megan. Hinding hindi ka namin papakawalan. Hindi namin kayo papakawalan, not until grey will save the two of you. If his still alive then, he can save you. Pero sana nga buhay pa siya pagkatapos ng mga surpresa namin para sa kaniya." Napakunot na lang ang noo ko sa sinasabi ng mokong na'to.

"Mamatay ka na sana!" Mariin na saad ko na tinawanan lang ng lalaking ito.

Pero totoo kaya ang sinasabi niya na papunta si grey dito? At anong surpresa ang ibig niyang sabihin? Damn. Pero naniniwala ako kay grey. He can survive. I know. Maililigtas niya kami dito. At nakakainis dahil wala akong magawa sa mga oras na'to. Hindi ko alam na mahuhuli nila ako. Hindi ko yun inaasahan.

Tinignan ko si alice na nakatingin rin sa'kin. I mouthed that 'everything will be okay.'

Sana ay ligtas ka kung nasaan ka man. And I know you can save us, grey. Mag cconfess pa ako ng feelings eh. Sana lang hindi pa huli ang lahat. Sana.

Grey's POV

"Nakakairita naman! Gosh. Bwisit na talahib yan!" Hindi ko alam kung pang ilan na reklamo na ni maurine yan.

"Naiirita na rin ako sa kakareklamo mo! Sumama sama ka pa kasi!" At kanina pa rin nagkkomeno si akira sa reklamo ni maurine.

"Ikaw ba ang sinasabihan ko tungkol sa reklamo ko? Idiot. So, better shut up weirdo!" Mataray naman na sagot ni maurine sa kaniya.

GRAVEN UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon