Megan's POV
Pagdating ko sa dorm ay malinis na ako at walang bahid ng nangyari kani kanina lamang. Ayokong malaman nila Alice ang nangyari baka mag alala pa sila. Pero wala dapat silang alalahanin. I can handle my self.
"Bat ang tagal mo sa labas megan? Alam mo naman na delikado!" Alice with pahawak sa bewang effect.
"Oo nga! Alam mo ba kung anong oras na? Ha? Tagal tagal mo!" Krystal. Pareho silang nakatingin sakin ng masama pero alam ko na nag aalala lang sila. Kaya ayoko na lalo sabihin sa kanila.
"Nakalimutan ko kung nasaan nakapwesto ang locker ko. Sorry." palusot ko. Napabuntong hininga sila pareho at bigla akong niyakap.
"Sorry megs alam namin na oa kami ni Alice." Natawa na lang ako.
"Its okay, and thanks for the concern." balik ko.
"Nagluto pala kami ng sinigang, tara kain na tayo. Gutom na ako." sabi ni Alice at hinila ako sa kusina.
Naghugas ako ng kamay bago kumain. Gutom na gutom na ako. Bwisit kasi yung mga lalaki kanina eh.
"Megan? Gutom na gutom?" Natatawang tanong ni krystal.
"Baka mabulunan ka niyan." paalala naman ni Alice. Hindi na ako nagsalita at kumain na lamang.
Nang matapos na ay natulog na ako. I need energy tomorrow. Kailangan ko pa ituloy ang ginagawa ko.
Nasa field ako ngayon at hawak hawak ang libro na nakita ko lang sa may library. Ewan ko kung ano to. Hindi naman gaanong luma pero maalikabok. Mahahalata mo na hindi na ito nagagalaw. Na curios ako kanina kung ano ito kaya naman dinala ko. May isang oras pa ako para makapagbasa.
Binuksan ko ang unang pahina. Napaubo ako dahil sa alikabok. Nakakainis naman! Nang mawala na ay binasa ko ang nakasulat.
The Devil.
Nagtaka ka agad ako. The devil? Hhmmm. Binuklat ko muli ang pangalawa, pangatlo, pang apat na pahina.
Ayon sa nakasulat dito may isang tao daw na walang awa kung pumatay. Napaka galing sa lahat ng larangan ng pakikilag laban. Mula sa baril, karate, mano mano, sa paghawak ng mga espada at kung ano ano pa.
Hindi sinabi dito kung anong kasarian basta ang sabi ay hindi mo aakalain na isa na pala siyang demonyo.
Tinagurian itong demonyo dahil sa pagpaslang nito ng walang awa. Hindi mo ito makikitaan ng kahit katiting na awa lalo na sa mga taong makasalanan.
Ang demonyo kung tawagin ay dito lamang sa eskwelahan nato umusbong. Sila din ang nag pangalan sa taong nag tataglay ng pambihirang kakayahan. Pero tao pa rin ito may kahinaan ngunit hindi pa nalalaman ang kahinaan nito.
Ano bang pinahihiwatig ng librong to? Parang wala namang sense. Di kapani paniwala at isa pa bakit ko ba kasi to dinala? Anak ng tokwa! Hindi naman to nakatulong sakin.
"Hoy!" Muntik ko ng suntukin ang taong bigla bigla na lang sumulpot. Nakangiti ito habang nakatingin sakin.
"What are you doing here? Atsaka! Bakit kaba nangugulat?" Naiinis kong tanong. Umupo ito sa upuan kung nasaan ako.
"Napaka seryoso mo kasi kaya nilapitan na kita." sagot nito.
"Lalapit? Kasama ba doon ang gulatin ako?" Inirapan ko ito at tanging ngiti lamang ang iginanti nito.
BINABASA MO ANG
GRAVEN UNIVERSITY
Misteri / ThrillerIt was the story of a woman (Megan) and her journey to hell school that full of mystery. Then, things became complicated as she doesn't expected to happen. What if love can conquer everything? Is it love can be your weakness?. Do you want love can b...
