Megan's POV
Napapunas ako sa noo kong pawisan. "Sa wakas natapos din tong niluluto ko." Bulong ko sa sarili ko. Inililipat ko na sa lagayan ang adobo na niluto ko.
Niligpit ko muna ang mga kalat sa kusina bago dinala ang ulam sa lamesa. Pagdating ko sa salas lahat sila busy pa rin kakapanood ng palabas. Inilapag ko na sa mesa ang pagkain. Naka ready na din ang mga plato na gagamitin.
"Kumain na kayo!"
Pagkasabi ko nun agad silang nagtakbuhan papalapit ng mesa kaya napaatras ako. Para silang zombie na gutom na gutom na at handang handa ng kumain. Nakakatakot sila kapag gutom. Si grey naman naglalakad ng mabagal at parang model. Shit! Sapakin ko to eh!
Umupo siya at tinignan ang ulam. Nakatingin naman kaming lahat sa kaniya. Wala pang kumukha ng pagkain mukhang inaantay nilang mauna si grey. Tss.
Kinuha nito ang tinidor at dahan dahan na kumuha ng adobo na gawa KO! Napatingin kami sa kaniya, pinagpapawisan ako. Nakakainis naman eh. Naffrustrate ako sa lalaking to! And what's wrong with me? Ano naman kung hindi siya masarapan? Tsaka anong hindi masarap? Excuse me! I had a lot of trainings. Im sure na masarap ang luto ko!
Pagkasubo niya para akong natatae na ewan. Nakatingin pa rin kami sa kaniya. Baka may gusto siyang sabihin diba? Napataas ang kilay nito at kumuha na ng kanin. Yun na yun? Wala man lang sasabihin? Tss.
"Kainan na!" Masayang sabi ni akira. Umupo na rin ako para kumain. Nagutom ako don ah!
"Megan? San ka palang school galing?" Out of nowhere question ni akira.
"Is it required to answer your question?" I asked.
"Grabe naman to! Ano nga? Parang di kaibigan eh!" Tinaasan ko siya ng kilay. Feeling close ang isang to. As if naman friends talaga kami.
"Johny State University." sagot ko. Napatango tango naman ito.
"Bakit ka naman lumipat dito?" Tanong naman ni bryle sakin. Katabi niya si grey na tahimik na kumakain.
"Is it required to answer that?" Napanguso ito. Nahagilap ng mata ko si Alice na nakangiti habang nakatingin kay bryle. Okay? Whats with that smile? Hhmmm.
"Mukhang si Alice may itatanong sayo." sabi ko at sumubo ng pagkain. Mukhang nagulat si Alice kaya naubo ito. Sabi na eh. May something kay Alice.
"A-ako? Ha? W-wala ah!" Di mapakaling sagot nito.
"How about the three of you? Bakit kayo nandito?" Balik tanong ko naman sa kanila.
"Kaya lang naman ako nandito dahil sikat ang school nato samin dati." sagot sakin ni bryle.
"Panong sikat, look at the place. Out of modernization!" Sagot ko naman sa kaniya. Paano naman kasi to magiging sikat? Napaka creepy at malayo sa mga tao.
"Ah basta! Sikat to para sakin dati!" Sagot niya muli. Naka taas pa ang isa nitong kamay sa ere. Hindi na lang ako sumagot pa. Bahala siya sa paniniwala niya.
"Kami naman ni krystal kaya kami nandito because of our parents. They want us to enter this school. Ayaw nga sana namin dito dahil malayo sa mga tao but we have no choice but to obey them. Sila ang nagpapa aral samin." sagot naman ni akira.
Napatingin ako kay grey na kumakain pa rin. Hindi ba siya sasagot? Fine. Sabi ko nga. Hindi siya sasagot.
"Ilang taon na kayo dito?" Tanong ko.
"Sabay sabay lang kami nong magsimula kaming mag aral dito. Siguro, 7 years?" Naubo ako.
"M-megan! Ito tubig!" Natatarantang binigay sakin ni akira ang tubig. Agad ko itong ininom. Si grey naman napasulyap lang.
BINABASA MO ANG
GRAVEN UNIVERSITY
Mystery / ThrillerIt was the story of a woman (Megan) and her journey to hell school that full of mystery. Then, things became complicated as she doesn't expected to happen. What if love can conquer everything? Is it love can be your weakness?. Do you want love can b...
