Megan's POV
Naalimpungatan ako sa mga maliliit na boses na naguusap. Hindi muna ako gumalaw at pinakinggan lamang sila. "Ano na namang pinaplano niya?" Tanong ni alice. Matagal bago nakasagot ang kasama niya dito sa kwarto.
"Unahan na natin siya bago pa niya tayo maunahan." Seryosong sagot ni grey. Dahan dahan akong nag angat ng ulo para tignan sila. Nakacross arm si alice habang seryosong nakatingin naman sa kaniya si grey. Nang naramdaman nila ang presensya ko ay sabay silang napatingin.
"Gising na pala ang prinsesa!" Sarkastiko nitong banggit. Hindi ko na lamang iyon pinansin at bumaling na lamang sa katabi niya.
"Nasaan si blue?" Tanong ko. Hindi ko alam ang una kong sasabihin kaya naman si blue na lang naisip ko. Kinunutan niya ako ng noo bago sagutin. "Nasa sarili niyang kwarto." Sagot nito. Nakakabinging katahimikan ang natamo namin pagkatapos niyang magsalita. Hindi ko makapa ang mga sasabihin mabuti na lamang at nagsalita si alice.
"Hayaan mo na siya dyan. Kumain na lang tayo!" Aniya at ipinulupot ang mga braso kay grey. Nagkatinginan kaming dalawa at binigyan niya ako ng makahulugang tingin bago tuluyang sumama kay alice palabas ng kwarto. Huminga ako ng malalim para maikalma ang sarili. Talagang sumama siya sa babaeng yun? Ano yung ipinapakita niya sakin nitong mga nakaraang araw? Iyong paghatid.......iyong halik.
Humiga ulit ako sa kama at pinikit ang mga mata. Gusto ko munang matulog ulit baka sakaling mawala kahit papaano itong kirot nararamdaman ng puso ko. Alam kong hindi na dapat dahil sa ipinakita niyang katotohan sa'kin sa kung sino nga ba talaga ang totoong mahal niya. Pero........umaasa pa rin ako. Umaasa na sana ako na lang. Ako na lang ang mahal niya at hindi si alice. Kung sana ay ako na lang talaga at wala ng iba pa. Mas lalo lang akong nasasaktan dahil sa mga naiisip. Bakit ang unfair ng mundo? Bakit kung kailan masaya at sigurado na ako sa kaniya ay tsaka naman siya babawiin sa'kin? Hindi ba pwedeng akin na lang siya at huwag ng bawiin pa?
"Megan?" Nagulat ako ng marinig ang boses ni grey sa tabi ko. Nakatalikod ako sa kaniya kaya hindi niya kita ang mukha ko. Shit. Hindi ko siya naramdaman na pumasok. "Are you okay now? Nakahanda na ang tanghalian kaya pwede na tayong kumain." Aya niya sa mahinahon na boses. Hindi ako makalingon. Hindi ko siya agad masagot dahil sa mga luhang pumapatak sa pisngi ko. Kinagat ko ang labi ko para mapigilan na kumawala ang tinig na magpapahiwatig ng pag iyak ko.
"kumain na tayo habang mainit pa." Aya niyang muli. Tumikhim ako bago magsalita. "S-susunod ako." Hindi ko alam kung kapansin pansin ang nanginig kong boses pero sa tingin ko naman ay hindi dahil naramdaman ko siyang umalis sa pagkakaupo sa kama at ang pagsarado ng pinto.
Ilang minuto pa akong nanatiling nakahiga bago magdesisyon na tumayo at ayusin ang sarili. Ilang ulit akong huminga ng malalim para kumalma. Ayokong mahalata nila na umiyak ako at baka magtanong pa sila ng dahilan kung bakit. Nang sa wakas ay humupa na ang kaninang nararamdaman ko ay pinihit ko na ang pinto at lumabas. Nasa sala na silang lahat at mukhang tapos ng kumain.
"Oh, megan?!" Napariin ang hawak ko sa doorknob ng pansinin ako ni kira. Damn it! Talagang tinawag pa ako. Tumingin lang ako sa kanila at tahimik na lumapit sa sofa. "Kumain ka muna." Aniya.
"Ayos lang at isa pa hindi rin naman ako gutom." Tanggi ko. Umiling siya at dumiretso ng tingin sa likuran ko. Nakaramdam ka agad ako ng kaba kahit hindi ko pa siya nililingon.
"Sumabay ka na sa'king kumain." Malamig pa sa alas dose ng gabi niyang alok. Narinig ko ang mga yapak niya patungo sa kusina.
"Sige na megan at sumunod ka na sa kaniya. Kanina ka pa niyan inaantay makalabas para sabay kayong kumain dalawa." Nagulat ako sa sinabi ni kira sa'kin. Tumango na lamang ako at tinalikuran siya. Dahan dahan akong naglakad papunta sa kusina. Naaabutan ko siyang naglalagay ng mga pinggan. Nang mapansin niya ako ay umupo na siya, iminuwestra niya sa'kin ang upuan na katabi ng kaniya. Nagdadalawang isip pa ako ngunit nagdesisyon ring maupo doon.

BINABASA MO ANG
GRAVEN UNIVERSITY
Mystery / ThrillerIt was the story of a woman (Megan) and her journey to hell school that full of mystery. Then, things became complicated as she doesn't expected to happen. What if love can conquer everything? Is it love can be your weakness?. Do you want love can b...