Megan's POV
"K-kaya lang naman ako hindi lumingon kanina k-kasi..." Kumunot ang noo ko dahil sa tono ng boses niya. Para siyang nahihiya. Tumingin siya sa malayo at parang hindi mapakali.
"Kasi?" Ulit ko sa huling salita na sinabi niya. Bumuntong hininga siya bago tumingin sa'kin.
"Kasi gusto kong lambingin mo'ko." Ngayon ay hindi na siya makatingin sa'kin. Pinigilan kong tumawa dahil sa sinabi niya.
"Seryoso ba 'yan?" Natatawa kong tanong. Tumango siya pero hindi ako tinignan. Hindi ko na napigilan ang tumawa. Pumula ang mukha niya dahil sa hiya.
"D-dont laugh." Sabi niya. Tumango na lamang ako para magpatuloy siya sa pagsasalita. "Kagaya ng sinabi ko kanina, kaya hindi ako lumingon kasi gusto kong lambingin mo'ko but, you are a short tempered person." Dugtong niya.
"That's it? Eh ano yung eksena mo kanina sa room?" Tukoy ko sa nangyaring pag iwan niya sa'kin para lumabas ng room.
"Nothing." Matipid niyang sagot. Kinunutan ko siya ng noo dahil hindi ako satisfied sa isinagot niya. Magsasalita sana ako pero inunahan niya na ako. Siguro alam niyang hindi ko nagustuhan ang sagot niya.
"Fine. I just want you to follow me." Sabi niya.
"Follow you? Why." Tanong ko.
"Don't you get it, my queen?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Umiling ako. Napabuga naman siya ng hangin. Magtatanong ba ako kung alam ko.
"Gusto kitang masolo kaya lumabas ako and I know you will follow your king." Sabi niya. Nginitian niya pa ako na parang nang aasar. Nakakainis.
"Damn you!" Wala na akong ibang masabi kaya minura ko na lang. Nakakainis na totoo ang sinabi niyang susundan ko siya.
"At tama nga ako diba?" Natatawa niyang tanong sa'kin. Inaasar niya ba ako? Kung oo, naaasar na ako.
"Aalis na ako." Paalam ko at tinalikuran siya. And for the third time pinigilan na naman niya ako sa pag alis. Hinarap ko siya ng nakakunot ang noo.
"Hindi ko hahayaan na iwan mo'ko, my queen." Mahina niyang sabi. "Please, don't leave me........again." May halong lungkot sa kaniyang boses. May kung anong humaplos na naman sa dibdib ko dahil sa mga sinasabi niya. Ngunit, nakakapagtaka lang dahil hindi ko naman siya iniwan. Ang weird talaga nitong lalaking 'to.
"I d-dont leave you." Sabi ko. Umaliwalas ang kaniyang mukha dahil sa sinabi ko. Napayuko ako sa sobrang hiya. Paano ko yun nasabi. Nakakahiya.
Naramdam ko ang mainit niyang kamay na dumampi sa balat ko. Dahan dahan nitong inangat ang mukha ko.
"I love you..." Mahina niyang sabi. Nakagat ko ang labi ko dahil sa napaka seryoso ng kaniyang boses. Alam kong totoo yun at galing sa puso.
"Sorry for being a childish, my queen. I just want to spend my day with you." Seryoso niyang sabi. He want to spend his day with me? How sweet. Napangiti ako.
"Dapat sinabi mo agad. Hindi yung paalis alis ka pang nalalaman dyan." Kunware ay naiinis ako para hindi niya makita na natutuwa ako sa mga pinagsasabi niya.
"Ano ng gagawin natin?" Tanong ko sa kaniya ng makaupo kaming dalawa sa bench. Nakita ko ang pagkurba ng maliit na ngiti sa kaniyang labi. Napailing ako dahil sa kababuyan niya. Alam ko ang iniisip niya. Binigyan na naman niya ng kung ano anong kahulugan ang tanong ko.
"Gusto mo na ba talaga aking reyna? Kasi ako, gustong gusto ko na." Nakangisi niyang sabi. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Dahil sa gulat ay nabatukan ko siya ng wala sa oras.
BINABASA MO ANG
GRAVEN UNIVERSITY
Misterio / SuspensoIt was the story of a woman (Megan) and her journey to hell school that full of mystery. Then, things became complicated as she doesn't expected to happen. What if love can conquer everything? Is it love can be your weakness?. Do you want love can b...
