Megan's POV
Nakatayo lamang ako sa harapan nila at sasabog na sa sobrang inis. Bukod sa kinakain ng babaeng to ang cake na ginawa ko, naiinis din ako dahil kasama siya ni grey. Oo na, ayoko magsinungaling sa sarili ko. Nagseselos ako. Nakakapagselos dahil kasama ng babaeng maharot na ito ang mahal ko.
"Megs, please." Narinig ko ang boses ni grey na parang kinakalma ako.
Paano ako kakalma? Kung magpalit kaya kami ng posisyon. Anong mararamdaman niya? Matutuwa ba siya? Kakalma ba siya? His getting into my nerves.
"Why.are.you.eating.that.cake?" Mariin kong tanong kay maurine.
"Why? Si grey ang nag alok nito at syempre tatanggapin ko because I love him." Nakangiting sabi nito at nginitian pa ako. Inaasar niya talaga ako.
Huminga ako ng malalim. Walang magagawa ang pagkainis ko. Kailangan kong kumalma. Huminga ako ng malalim at mariin na pumikit. Nakakasira ng ganda ang isang to.
"I see." Tugon ko at dahan dahan na lumapit sa kanila. Hindi ko inalis ang ngiti sa aking labi habang papalapit.
"What are you doing?." Takang tanong sakin ni Maurine. Hindi ko siya sinagot at sumulyap kay grey. Nakatingin lang ito sa'kin.
"This is what you've got." Kinuha ko ang cake na ginawa ko at malakas na isinalampak sa mukha ni Maurine. Napasinghap ito at hindi malaman ang gagawin. Si grey naman ay napatayo at hindi makapaniwala sa ginawa ko.
"Megan!" Saway nito sa'kin. Natawa lang ako ng mahina at napailing.
"Pasalamat ka at yan lang ginawa ko sayo." Mariin kong sambit. Nilingon ko ngayon si grey.
"What?." Irita niyang tanong. Siya pa talaga ang naiirita?
"Isa ka din!" Isang malakas na batok ang natamo niya sa'kin. Mukhang hindi niya inaasahan na gagawin ko yun kaya hindi niya ako agad napigilan.
"Bakit mo ginawa yun?" Tanong nito. Nagkibit balikat lamang ako at naglakad na papaalis.
Hindi ko na pinakinggan ang pagrereklamo at panggagalaiti ni Maurine sa'kin. Kung ano man ang ginawa ko. Nararapat lamang yun sa kanila.
"Bakit nakabusangot ang mukha mo?" Napatingin ako sa isang pamilyar na boses. Schyler. "Mas lalo kang pumapangit." Dugtong nito. Binatukan ko din siya ng malakas.
"Bat ba ang hilig mong manakit?" Halata ang pagkairita sa boses nito. Hinawakan niya ang parte na nabatukan ko.
"I'm not. Pero madalas ko yun gawin sa taong katulad mo." Tugon ko. Napangiwi siya sa sinabi ko pero ka agad ngumiti. "Why? Dahil ba sa naggwapuhan ka sa'kin? You know what? Madali akong kausap. Pwede naman kitang halikan kong yun ang gusto mo." Nakangisi siya na parang baliw.
"Sure, but i'll kill you first." Nakangisi ko rin na tugon. Natawa siya na tila biro ang sinabi ko. Napailing na lang ako. Wala na siyang pag-asa.
"Birthday ko pala bukas, pwede bang sumama ka?" Kinunutan ko siya ng noo.
"Ayoko." Sagot ko at umupo sa isang bench at pilit kinakalma ang aking sarili sa nangyari ngayong araw.
"Please?" Umupo din ito sa tabi ko at pinagdikit pa ang dalawang kamay na parang nagdarasal.
"Wag kang makulit, schyler." Reklamo ko. Malakas ang pagbuntong hininga nito at umayos ng upo.
BINABASA MO ANG
GRAVEN UNIVERSITY
Misterio / SuspensoIt was the story of a woman (Megan) and her journey to hell school that full of mystery. Then, things became complicated as she doesn't expected to happen. What if love can conquer everything? Is it love can be your weakness?. Do you want love can b...
