Megan's POV
"Join our team and let's end this war." Is he serious? He wants me to be part of their team? Alam kong may hinanakit siya sa pamilya ko dahil ito ang may dahilan ng lahat.
"Are you in?" Tanong nitong muli ng hindi agad ako nakasagot sa una niyang sinabi. Tumango ako at tinanggal ang pagaalinlangan. Grey needs me. Kung patibong man to para makaganti sa'kin o kung gamitin man nila ako bilang pain laban sa kapatid ko, wala akong pakialam. Ayos lang sa'kin alinman dun. Mailigtas ko lang si grey sa pagkakataon nato. Gagawin ko lahat para mailigtas siya.
"Let's discuss the plan now." Umupo ako sa sofa. Katapat ko si alice at schy na mas nagseryoso.
"First, I would like you to know about our enemy and allied. Ang mga estudyante na naroon at kinakalaban tayo ay hindi mga kalaban ngunit hindi rin natin masasabi na kakampi. Dahil sa kemikal na itinuturok sa kanila kaya nagiging kalaban rin sila. Ang kemikal na yun ay gawa ng kapatid mo. Ilang taon niya ng pinagaaralan kung paano makakagawa ng ganong bagay para maging sandata laban sa'tin. Si kira at bryle ay may inaasikaso sa ngayon. Makikita natin sila sa hide out na pupuntahan natin mamaya. May sapat na bilang tayo ng kakampi at kadalasan mga estudyante." Panimula nito. Tumango tango ako sa sinabi ni west.
"May mga kagamitan ba tayo? At alam niyo ba kung saan nagtatago ang mga kalaban? How do we get there?" Tanong ko.
"Yes, may mga kagamitan tayo. Alam na rin namin kung saan nagtatago ang mga kalaban sa tulong ni schy at alice." Sagot nito.
"Kailan tayo susugod sa kanila? Diba dapat mas maaga baka kung ano na ang ginawa nila sa kapatid mo?" Tanong kong muli. Tumango ito na para bang naiintindihan niya ang gusto kong sabihin.
"Naiintindihan kita megan. Gusto mong makita agad si grey pero kailangan natin ng kaonting panahon para sugurin sila. Mas marami pa rin ang bilang nila kesa sa'tin." Sagot nito sa'kin. Tumango na lamang ako.
"Kailan natin sila susugurin kung ganoon?"
"Kapag handa na tayo."
Naghahanda na ako ng sarili dahil ang sabi ni west ay ngayong madaling araw kami aalis. Napatitig ako sa sarili sa harap ng salamin. Ibang iba ang Megan na kilala ko noon sa ngayon. Mas palaban at mas determinado. Hindi ko inaakala na magagawa kong kalabanin ang kapatid ko. Hindi ko inaakala na mabibigyan ako ng pagkakataon na maitama ko ang nangyari ilang taon na ang nakalipas. I'm sorry grey, I promise you that I'll do the right thing now. Hindi na ako magpapadaig sa konsensya ko sa nangyari sa buhay ng kapatid ko. Hindi na ako makokonsenya na nasira ko ang pamilya na pinapangarap niyang mabuo. Marami ng nadamay sa alitan naming dalawa.
BINABASA MO ANG
GRAVEN UNIVERSITY
Misterio / SuspensoIt was the story of a woman (Megan) and her journey to hell school that full of mystery. Then, things became complicated as she doesn't expected to happen. What if love can conquer everything? Is it love can be your weakness?. Do you want love can b...
