Grey's POV
Isang nakakalokong ngisi ang ibinigay nito sa'kin. Nagtatakang tingin ang iginanti ko.
"What are you fvcking doing here?" Naiirita kong tanong.
"Hindi mo ba ako kakamustahin?" Nakangisi nitong tanong.
"Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?" Hindi ko sinagot ang sinabi niya at tinanong din ito ng tanong.
"Nakakapagtaka ba? Paano nga ba?" Nag isip pa ito at tila may inaalala. Naikuyom ko ang kamao ko. Nagpipigil ako ng galit.
Makita ko lamang ang mukha niya ay nagiinit na ka agad ako. Gusto ko siyang sapakin sa mukha ng ilang ulit hanggang sa tuluyan na siyang hindi makilala. Damn! Damn him. I will kill him. Right now, right here.
"Hindi na mahalaga kung paano ako nakapasok dito, grey. Ang mahala ay magawa kong mapatay ka at madala ang ulo mo sa kanila." Nakangisi nitong sambit. Mas lalo akong nagpigil ng galit. Bigla na lang akong natawa ng malakas dahil sa sinabi niya. Nagtatakang tumingin ito sa'kin.
"Mapatay? Madala ang ulo sa kanila? Nahihibang ka na ba? Alam mo sa sarili mo na hinding hindi ka mananalo sa'kin." Pang aasar ko sa kaniya na ikinakuyom ng kamao niya at ikinaigting ng panga.
"Pero nag iba na ang ihip ng hangin. Malay mo sa pagkakataong ito ako na ang manalo." Nakangisi nitong sambit. Nagtama ang paningin namin.
"Sa pagkakataon na ito sisiguraduhin ko pa rin na ako ang mananalo." Seryoso kong sambit. Nagkibit balikat lang ito at naghanda na kami pareho.
"Mas maganda kung mag mano mano tayo, hindi ba grey?" Tanong nito.
"Alright!" Agaran kong sang ayon at itinabi ang mga patalim ko. Ayokong isipin niya na mananalo ako dahil lamang sa baril o mga patalim. I will punch his face. I will surely kill him with my own bear hands. Damn him. Damn you Damyan.
"Are you ready to lose? Mr.Jackson?" Nakangisi nitong tanong na ikinainis ko.
"Ang dami mong satsat!" Saad ko at mabilis na lumapit sa kaniya. Ganoon din ang ginawa niya. Sabay kaming tumakbo sa isa't isa at nagpalitan ng suntok. Ngunit, hindi kami nagkakatamaan. Sabay kaming napaatras ng wala kaming napala sa una naming paglapit.
Aaminin kong mas gumaling siya at bumilis kumpara sa dati. Noon ay masyado siyang mahina upang labanan ako pero nag iba na ngayon. Makikita mula sa kaniyang mga mata ang galit, poot at pagkasuklam. Napangisi ako dahil pareho lang kami ng nararamdaman.
"Mukhang nanghihina ka na, grey?" Pang aasar nito. Napailing lang ako at nauna ng sumugod. Malalakas at mabibilis na suntok ang ginagawa ko. Kasing bilis ito ng hangin. Napangisi ako ng matamaan ko ito sa mukha na ikinatumba niya.
Napahawak siya sa kaniyang baba at dinilaan ang likido mula dito. Imbis na galit ay isang ngisi ang ibinigay niya sa'kin.
"Nakaisa ka rin." Naikuyom ko muli ang aking kamo dahil sa inis. Hindi ko matatagalan na makita ang pagmumukha niya.
Sa gigil ko ay muli akong sumugod. Sinasabayan niya din ito ng suntok. Pilit ko itong iniiwasan ngunit hindi ako nakaligtas sa isa niyang suntok. Napaatras ako ngunit nabalanse ko ang katawan ko. Agad kong hinawakan ang aking panga. Masakit ang isang yun. Tinitigan ko siya ng masama. I won't allow him again.
"I will kill you!" Nang gigil na sambit ko.
Isang suntok ang pinakawala ko ngunit naiwasan niya ito. Susuntukin sana ako nito ng yumuko ako at sikuhin siya paitaas. Napaatras ito sa lakas ng impact na nagawa ng siko ko. Lumapit ako at binigyan ito ng isang malakas na sipa na sinabayan ng suntok.

BINABASA MO ANG
GRAVEN UNIVERSITY
Misteri / ThrillerIt was the story of a woman (Megan) and her journey to hell school that full of mystery. Then, things became complicated as she doesn't expected to happen. What if love can conquer everything? Is it love can be your weakness?. Do you want love can b...