CHAPTER 61

2K 78 14
                                        

Special mention to Angel Nicole Perez and Vhea Valencia for reading and supporting this story 😇 Labyuguys 😘

Megan's POV

"Anong gusto mong gawin natin sa kaniya?" Naalimpungatan ako ng may marinig na mga naguusap.

"Huwag niyo munang galawin habang walang iniuutos sa'tin." Sagot ng isang pamilyar na boses. Kilala ko ang boses nilang dalawa. Hindi ako pwedeng magkamali.

Ginalaw ko ng kaonti ang ulo ko dahil nangangalay na ako sa posisyon ko. Inikot ko ng bahagya at naramdaman agad ang ngalay. Fvck. Ang sakit ng buo kong katawan. Ano bang ginawa nila sakin at pakiramdam ko'y mahaba ang naging tulog ko? Narinig ko ang mga yapak papalapit sakin ng dalawang taong naguusap kanina.

"Gising na pala ang munting prinsesa!" Mapanginsulto ang tono ng boses ni alice. Kung marorolyo ko lang ang mga mata ko sa harapan niya ay kanina ko pa ginawa. Bwisit na panyo sa mga mata to! At ang kapal din ng isang to! How dare her do this to me? Porket selos na selos siya? Ang laki ng galit niya sakin ha!

"Anong pakiramdam ng nakagapos, megan?" Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay alam kong nakangisi siya ngayon. Tuwang tuwa sa itura ko. Ikinuyom ko ang kamao ko. Palibhasa nakagapos ako kaya ganyan kung makaasta. "Dapat lang yan sayo! Ganyan ang napapala ng taong pakealamera!" Galit nitong sabi.

"You know what? Matagal na akong naiinis sayo! Ang kapal naman ng mukha mo para pagsabaysabayin ang mga lalaki dito? Ganyan ka ba kalandi? Kating kati ka naba ha?" Hindi ako sumasagot sa mga ibinabato niya. Tahimik lamang ako at tinatanggap ang lahat ng mga pinagsasabi niya. "Hindi ka naman kagandahan para umasta na pagmamayari mo ang lahat! Wala ka pa sa dulo ng daliri ko kung tutuusin! Fvck you!" Isang malakas na sampal ang natanggap ko pagkatapos niyang magsalita. Tinikom ko ang bibig ko at mas ikinuyom pa ang mga kamao.

"Tama na yan, alice!" Dinig kong awat sa kaniya ng kasamahan niya. Mga traydor! Mas makakapal ang mukha nila. Paano nila to nagawa? Paano nila ito nagawa sakin? Sabagay, matagal na nga pala nila akong tinatraydor. "Pabayaan mo na siya dyan." Dugtong niya.

"Ano ba schyler? Pwede bang pagbigyan mo naman ako kahit ngayon lang?" Kinagat ko ang pangibabang labi ko sa naramdamang galit. Akala ko isa siya sa masasandalan ko? Bakit napunta lahat sa ganito? Hindi ko akalain na kasabwat din pala siya. Wala talaga akong mapagkakatiwalaan sa lugar na 'to.

"Tumigil kana! Gusto mo bang malintikan?" Iritadong sagot ni schy. Kumalma ang kanina ay gigil na gigil na si alice. Marahas niyang hinawakam ang aking panga. Para bang ibinubuhos niya roon ang kung ano man ang ikinagagalit niya sakin. Hindi ko ipinakitang naapektuhan ako. Hell no! "Bitch!" Panimula niya. "Kung ako lang ang masusunod? Matagal na kitang pinatay! Pasalamat ka at may plano pa sila sayo! Pero wag kang mag alala..........." Nilapit nito ang kaniyang bibig sa aking tenga. "Papatayin din kita." Punong puno ng pagbabanta ang kaniyang iwinika. Ibinalik niya ang mukha niya sa harapan ko. I can sense her danger through how she hold my face. "Ako mismo ang papatay sayo!" Binitawan niya ang panga ko at narinig ko na lamang ang papalayo nilang mga yabag.

GRAVEN UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon