Megan's POV
Nagkatitigan kami ni west sandali bago siya tumikhim at pumikit. Huminga siyang malalim bago ako hinarap gamit ang naaawang mga mata. Kinunutan ko siya ng noo. What does it mean? What's wrong with him? "What is it, west? Please......Tell me...." Aniya.
Tumango siya. "Naglalakad ako kanina papunta sa gymnassium ng mapansin kong may tatlong lalaki na naguusap." Kinunutan ko siya ng noo. Nagpatuloy siya. "Noong una'y nagtago ako para marinig kung ano man ang pinaguusapan nila. Hindi maganda ang kutob ko kaya nanatili ako sa posisyon ko. Sa sobrang seryoso ng pag uusap nila ay hindi man lang nila napansin ang presensya ko. I heard everything. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko." Bumagsak ang tingin niya sa sahig. Parang hirap na hirap itong ikwento sa'kin.
"Ano ang mga narinig mo, west? At sino sino sila?" Kuryuso kong tanong. Hindi niya ako matignan. Nakatingin pa rin siya sa baba. Huminga ako ng malalim bago hawakan ang mga kamay niya. I need to know. Feeling ko ay kailangan kong malaman ang nangyari kanina. Tinignan niya ako at tumingin muli sa labas. "Nakita ko si bryle, kira at pati si grey." Kumalabog ang dibdib ko ng marinig ang huling pangalan na kaniyang binaggit. Hindi ako nagtanong, hinayaan kong magpatuloy siya. "Narinig ko silang naguusap tungkol sa isang mahalagang bagay." Nakuha nito ang buo kong atensyon.
"Anong mahalagang bagay na narinig mo?" Kuryoso kong tanong.
"Pinaguusapan nila kong paano ka nila mapapaamin tungkol sa box. Alam nilang alam mo kung nasaan. Maaaring nawalan ka nga ng alaala pero sa tingin nila'y natatandaan mo kung nasaan nakatago ito. Alam rin nilang nawalan ka ng alaala pero maaaring bumabalik na rin to sa paglipas ng mga oras." Napakunot ako ng kilay sa mga nasabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Hindi pa ba sapat kay grey ang naging tugon ko tungkol sa lintek na box na yun? "Megan..." Tawag niya sa'king pangalan. Nagkatitigan kami. Nag alab ang kaniyang mga mata na tila isang leon na gustong manlapa ngunit hinahaluan ito ng isang matinding kalungkutan. Wala akong ibang ginawa kundi suklian ng kuryosong tingin ang kaniya. "They want you to be tortured hanggang sa mapilitan kang sabihin ang nalalaman mo. Kapag nasabi mo na papatayin ka na nila. Papatayin ka ng.........kapatid ko." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. What the fuck! Seryoso ba siya? Tinitigan ko ang mga mata niya upang kumpirmahin kung nagsasabi ito ng totoo. Nanghina ako at parang nawalan ng lakas dahil sa narinig. Gagawin ba talaga yun ni grey? Kaya niya ba talaga iyong gawin sakin? Wala na ba talaga siyang natitirang pagmamahal para sa'kin? Kaya niya ba akong torturin at patayin? Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa sakit na nadarama.
Agad akong inalalayan ni west at niyakap. Hindi ko alam kung bakit walang luhang lumalandas sa mga mata ko pero ang puso ko parang sinasaksak ng paulit ulit. Ang sakit. Ayaw ko sanang paniwalaan ngunit alam ko ring nagsasabi ng totoo si west. Imposible na pagsinungalingan niya ako at isa pa, kapatid niya si grey. Alam kong hindi niya kayang siraan si grey ng ganoon.
"Megan..." Nabalik ako sa reyalidad ng hawakan ni west ang aking kamay. Bakas ang sakit nito sa kaniyang mga mata. Napalunok ako at napabuntong hininga. "Nandito ako para protektahan ka." Mahinahon at puno ng sinseredad nitong sabi. Ayaw ko man ng inaalok niya ay tumango na lamang ako. Nagdadalawang isip pa rin sa isinawalat.
"Nakahanda na ang pagkain." Napatingin kaming dalawa kay blue. Tumango ako at tumayo. Inalalayan ko si west patayo. Sabay kaming dalawa na pumunta ng kusina para makakain. Nasa tabi ko si blue habang nasa harapan naman namin si west. Tahimik kaming kumakain. Gusto ko mang purihin si blue sa sarap ng timplada niya ay hindi ko na lamang ginawa. Gumugulo pa rin sa isipan ko ang mga narinig kanina mula kay west.
"Salamat." Tumango ako kay west at sabay na kaming umalis ni blue.
"Ihahatid na kita." Prisenta ni blue. Hindi na lamang ako nagreklamo at nagpatianod sa kung ano man ang gusto niyang gawin.
BINABASA MO ANG
GRAVEN UNIVERSITY
Mystery / ThrillerIt was the story of a woman (Megan) and her journey to hell school that full of mystery. Then, things became complicated as she doesn't expected to happen. What if love can conquer everything? Is it love can be your weakness?. Do you want love can b...