Megan's POV
Naalimpungatan ako ng may maramdaman akong gumalaw sa kama ko. Iminulat ko ang mga mata at bumungad sa'kin ang mukha ni grey na punong puno ng pag aalala. Parang pagod na pagod ito sa dami ng kaniyang ginawa.
"I'm sorry, nagising ba kita?" Tanong niya.
"Ayos lang, ano palang ginagawa mo dito?" Tanong ko at umayos ng upo. Nakatitig lang siya sa'kin tila kinakabisado lahat ng parte ng mukha ko. Imbis na sagutin niya ako ay niyakap ako nito ng mahigpit. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya. Gusto ko sanang magtanong ngunit hindi ko na lamang itinuloy. Ramdam ko ang bigat ng paghinga niya at ang bilis ng pagtibok ng kaniyang puso.
Ilang minuto kaming nanatili sa ganoong posisyon. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako niyakap bigla, pero sa tingin ko ay may ibig sabihin 'non. Kumalas siya sa pagkakayakap at tinignan ako. Sumilay ang pilit na ngiti sa kaniyang mukha. Lumunok pa siya bago nagsalita. Parang may bara sa lalamunan nito.
"Hindi ka pa kumakain kaya nagluto ako. Let's go? Nandon na sila alice sa kusina." Tumayo siya at inilahad ang kamay sa harapan ko. Tinanggap ko iyon at sabay na kami naglakad palabas ng kwarto.
Naabutan namin sila na nag aasaran at nagkukulitan sa kusina. They're all happy. Masayang masaya sila na para bang walang nangyari kaninang umaga. Huminto sila sa pagkukulitan at bumaling sa'min. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Marami pa akong bagay na dapat ayusin at yun dapat ang pinagkakaabalahan ko. Ngunit, Hindi ako ganon katigas para di matinag sa mga bagay bagay, lalo na kung patungkol sa kanila. Lumapit kami at umupo para makakain. Walang nagsasalita ni isa, para bang may kung ano sa pagitan nila at sa'kin. Nakatingin lang ako sa plato ko na wala pang laman.
"Anong gusto mong kainin, mahal kong reyna?" Malambing na tanong ni grey. Napatingin ako sa kaniya at sa pagkain sa harapan ko. Ang daming putahe na iba iba. Napaisip tuloy ako kung paano niya ito nailuto lahat. Siguro ay napagod siya ng sobra.
"Menudo?" Wika ko. Tumango siya at pinagsandok ako ng pagkain. Pinapanood ko lang siya habang ginagawa iyon. Kumuha na rin ng pagkain ang iba at nagsimula na kaming kumain.
"Are you okay now, megan?" Out of nowhere na tanong ni kira sa'kin. Napabaling ang atensyon ko sa kaniya. Nakatingin na silang lahat sa'kin. Nag aantay ng isasagot ko.
"Ofcourse, I'm fine, don't worry." Sagot ko at bumalik sa pagkain.
"Sorry sa nangyari kanina megan." Napahinto ako sa pagsubo dahil sa pagsasalita ni alice. "Yung sinasabi ni thea........Huwag kang maniniwala dun. Desperada lang talaga siya, napaka selfish niyang babae. Kilala namin siya, I'm sure na ginagawa niya lang yun para magpabida." Paliwanag nito. Tumingin siya sa'kin at parang sinasabi na nagsasabi siya ng totoo. Tumango na lamang ako at muling bumalik sa pagkain.
"Saan ka nagpunta kanina nong iniwan mo'ko?" Halos manlamig ako sa tanong sa'kin ni grey. Kinakalma ko ang aking sarili.
"Sa dorm lang." Sagot ko. Tumango na lamang siya at hindi na nagsalita. Hindi ko alam pero parang ang awkward sa pakiramdam ngayon. May kakaiba, matagal ng may kakaiba.
Pagkatapos ng hapunan ay umalis na ang mga lalaki at naiwan kaming dalawa ni alice. Dumiretso na ako sa kwarto para sana magpahinga ng tawagin ako ni alice.
"Matutulog ka na?" Tanong nito.
"Yes, may kailangan ka ba?" Tanong ko rin. Umiling siya.
"Ah, sge. Goodnight?" Tumango ako sa kaniya.
"Goodnight." Tumalikod na ako at tuluyang pumasok sa kwarto.
BINABASA MO ANG
GRAVEN UNIVERSITY
Mystery / ThrillerIt was the story of a woman (Megan) and her journey to hell school that full of mystery. Then, things became complicated as she doesn't expected to happen. What if love can conquer everything? Is it love can be your weakness?. Do you want love can b...
