Megan's POV
Hindi ko alam kung maglalakad ba ako papasok o tatakbo nalang palayo.
But why i asking my self? Insane.
Buntong hininga ang binitawan ko at nagsimulang maglakad sa upuan ko. Napapalunok ako sa bawat hakbang na aking ginagawa. Para bang maling mali na pumasok ako sa room.
Nakahinga ako ng maluwag ng nakaupo na ako at sa wakas ay natapos na ang klase.
"Walang nangyari sakin." masaya kong sambit ng nasa labas na ako ng room namin. Dumiretso akong locker room dahil may kukunin pa ako. Hindi na ako sumabay kanila Alice dahil alam kong kasama nila si grey.
Habang naglalakad ako ay iba ang pakiramdam ko. Para bang sa bawat galaw ko may nagmamasid sakin. Naglakad na lang ako na animo'y walang napapansin. Nasa locker room na ako at wala ng tao dito dahil uwian na nga at isa pa ayaw nilang nag papagala gala sa gabi lalo na't maraming uhaw sa dugo. Maraming uhaw na makalabas.
Bubuksan ko na sana ang locker ko ng biglang may humawak sa mga kamay ko. Nanginig ang katawan ko at hindi makagalaw.
"Sa tingin mo ba pagbibigyan ko ang ginawa mo? Ms.Lee?." Malamig nitong sambit na ikinakaba ko pa lalo.
"A-ano bang sinasabi mo?" Pagmamaangan ko. Natawa ito. Hindi ko gusto ang pagtawa niya.
"You dont know me well Ms.Lee at wag mo ng alamin kung ano ang kaya kong gawin sayo dahil hinding hindi mo magugustuhan." binitawan nito ang mga kamay ko at tinalikuran ako. Naglakad na ito papalayo mula sakin.
Hindi ko maalis ang mata ko sa nakatalikod niyang katawan. Naapektuhan ang buo kong pagkatao sa sinabi niya. Hindi ko maidetalye ngunit alam kong totoo ang kaniyang sinambit. Kakaiba siya.
Bumalik na ang diwa ko at kinuha na lamang ang librong kailangan ko. Nang matapos ay nagpunta akong banyo. Pero kagaya kanina ay nararamdaman ko ang kakaibang pakiramdam.
Paranoid lang ba ako?
Napahinto ako at nagpalinga linga sa paligid. Walang tao. Siguro nga paranoid lang ako. Naglakad na ako ulit at pumasok sa banyo.
Pumunta ako sa isang cubicle at inilabas ang dapat ilabas pagkatapos ay lumabas ako at naghugas ng kamay. Napatingin ako sa salamin.
"Makakalabas pa kaya ako dito ng buhay?"
"Paano kung hindi na?"
"Yung libro kanina sa library bakit salungat sa kinwento sakin nila Alice?"
"Dapat ba akong magtiwala?"
Napahilamos ako sa frustration.
"Naniniwala ako kanila Alice"
Sumulyap akong muli sa salamin bago tuluyang lumabas. Madilim na. Nanindig ang balabibo ko ng maalala ang lahat noong gabing yun.
Ang babae sa cr at ang lalaki na humihingi sakin ng tulong.
Kahit kinakabahan ay nagsimula na akong maglakad. Binilisan ko lalo dahil sa kakaiba na namang nararamdaman.
Paliko na ako at malapit na sana sa dorm ng biglang may sumulpot sa harapan ko. Tatlong lalaki na naka uniform pa at mukhang hindi pa sila umuuwi sa dorm nila.
BINABASA MO ANG
GRAVEN UNIVERSITY
Mystery / ThrillerIt was the story of a woman (Megan) and her journey to hell school that full of mystery. Then, things became complicated as she doesn't expected to happen. What if love can conquer everything? Is it love can be your weakness?. Do you want love can b...
