CHAPTER 42

3.8K 182 117
                                        

A/N: SORRY DAHIL NATAGALAN. SOBRANG BUSY KASI. ANY. COMMENT YOUR OPINION ABOUT THIS CHAPTER FOR ME TO KNOW YOUR THOUGHTS. THANK YOU.

____________________________

Maurine's POV

"Mawi?"

"Tumayo ka na mawi."

"Kailangan mong kumain. Mas mapapadali nito ang pag galing mo."

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. Bumungad sa'kin ang mukha ni akira. Gusto ko sana siya pagalitan dahil hindi pa rin siya umaalis pero, wala akong lakas para magsalita. Feeling ko nanghihina ako. Ang sakit ng katawan ko at ang sakit ng ulo ko.

"Kumain ka muna para bumalik ang lakas mo." Sabi niya at inalalayan akong umupo. Hindi na ako nagreklamo dahil wala akong lakas.

Inabot niya sa'kin ang isang mangkok na may lamang sopas. Tinitigan ko lang 'yon. "Wala akong gana." Sabi ko. Isinandal ko ang ulo ko sa sofa. Hinilot ko ang sentido ko. Napayakap ako sa katawan ko ng maramdaman ang sobrang lamig. Hindi naman naka on ang electricfan pero nilalamig ako.

Tinalikuran ako ni akira at tumungo ito sa kwarto ko. Gustong gusto ko na siyang pagalitan dahil sa kapangahasan niya. Walang nakakapunta sa kwarto ko. Kahit si grey hindi ko pa pinapapasok dun.

"Suotin mo." Utos niya. Ibinigay nito ang kulay itim ko na jacket. Kinuha ko yun at isinuot.

"Wala kang karapatan na pumasok sa kwarto ko." Nanghihinang saway ko sa kaniya.

"Kapag hindi ako pumasok at kumuha ng jacket. Mamamatay ka sa lamig." Seryoso niyang sabi. Napabuntong hininga ako at niyakap ang sarili. Napatingin ako sa gilid ng umupo siya para tabihan ako. Kinuha niya ang mangkok ng may sopas at sumandok. Kumunot ang noo ko dahil itinapat niya ito sa bibig ko.

"Ano 'yan?" Nagtatakang tanong ko.

"Isusubo sa'yo." Sagot niya.

"At bakit mo naman isusubo sa'kin 'yan?" Ngayon ay naiirita na naman ako.

"Hindi mo pa kaya ang sarili mo kaya nandito ako para alagaan ka. Tss." Hindi siya nakatingin sa'kin dahil nasa mangkok siya nakatingin.

"Sino ba nagsabing a-aalagaan mo'ko?" Nanghihinang tanong ko.

"Ang daming tanong, magpasalamat ka na lang at may nag aalaga sa'yo." Irita niyang sagot. Magsasalita sana ako ng isubo niya sa'kin ang isang sandok ng sopas. Sinamaan ko siya ng tingin pero binalewala niya lamang ito. Nilunok ko ang sopas at napataas ang kilay ko dahil sa sarap. Gosh. Hindi ko inaasahan na magaling magluto ang kumag na'to.

Hindi na ako nagreklamo sa pagpapakain niya sa'kin. Umalis ulit siya para linisin ang ginawa niyang kalat. Humiga ulit ako sa sofa. Ang sakit pa rin ng ulo ko. Pero mas gumaan naman dahil nakakain ako.

Megan's POV

Pagkabalik namin sa room. Mga panunuksong tingin agad ang natanggap namin. Magsasalita sana ako ng hawakan ni grey ang kanang kamay ko. Mas lalo kaming tinukso dahil sa ginawa niya. Magkaholding hands kami habang papalapit sa upuan. Nawala ka agad ang init ng ulo ko sa ginawa niya. Yah...That's my boy.

"Ang sweet naman ng mag love birds!" Napatingin ako kay alice dahil sa panunukso niya.

"Shut up, alice." Saway ko sa kaniya. Natawa lang siya pero sumunod din.

"Where's akira?" Tanong ni grey. Napatingin ako sa upuan niya at wala nga siya dun.

"Baka pinuntahan si maurine." Walang ganang sabi ni alice.

GRAVEN UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon