CHAPTER 46

2.9K 152 149
                                        

Megan's POV

Gusto kong masuka sa sobrang baho ng silid na ito. Sumusuot sa kaibuturan ko ang sangsang ng amoy ng mga bangkay. Iginala ko ang liwanag na nagmumula sa flashlight. Puro mga bangkay ang nandito. Mga lasog lasog na ang katawan.

Wala naman palang kakaiba sa lugar na ito. Ang mga yabag na narinig namin kanina ay galing lamang sa mga taong nagtapon ng mga bangay.

Dahan dahan kong sinarado ang pinto ng bigla akong may narinig na umungol. I don't know if it's just my imagination or what. Mga bangkay na ito kaya paano magkakaroon ng ungol. Halos mapatalon ako ng may magsalita.

"T-t-t-tul-long." Halos bulong na lamang.

Hindi ko alam kung san nanggagaling 'yon. Kung saan sa parte ng silid iyon nagmula. Hindi naman siguro multo 'yon. Wala namang multo. Kaya lang natatakot ang tao dahil tinatakot nila ang mga sarili nila. Nasasabi nilang may multo dahil nakakita raw sila. Well, for me, hindi ganun 'yon. Iniisip lang ng tao na may multo kaya nagkakaroon nun. Imagination lang lahat 'yon. Kahibangan. Sarili lang nila ang tinatakot nila.

"T-tulun-ngan m-mo a-ako!" Narinig kong muli ang boses. Hindi ako sigurado kung babae o lalaki pero nakakasigurado akong tao 'yon. Nilakasan ko ang loob ko at binuksan ng malaki ang pintuan. Mas lalong nanuot sa ilong ko ang nakakasukang amoy.

"Nasaan ka?" Tanong ko. Hindi siya sumagot ngunit narinig ko ang mahinang pag galaw sa parteng kaliwa ko. Itinapat ko ang ilaw ng flashlight at kumunot ang noo ko ng may gumagalaw nga doon.

Ipinangtakip ko ang jacket sa ilong ko upang kahit papaano ay mabawasan ang masangsang na amoy. Iningatan kong huwag maapakan ang mga bangkay na nagkalat sa silid. Napangiwi ako ng may maapakan ako na malambot. Halos madurog ito. Hindi ko man nakikita ngunit nararamdaman ko. Mariin akong pumikit at nagpatuloy. Kung bakit ba naman kasi dito pa sila inilagay.

"T-tulong." Paghingi niya ng tulong. Nang naaninag ko na siya ay agad akong lumapit. May buhay pa.

"Why are you here?" Bungad kong tanong.

"P-please d-dont tell a-anyone t-t-that I'm alive." Napataas ang isa kong kilay sa sinabi niya.

"Ha? Kailangan mong magamot, miss." Sabi ko. Babae siya. Hindi ko siya mamukhaan dahil sa dugo na nasa mukha niya.

"P-please?" Nagmamakaawa ang boses nito.

"Fine. Tutulungan kita pero kailangan sabihin mo sa'kin kung bakit hindi pwedeng malaman ng iba na buhay ka." Sabi ko.

Maingat ko siyang itinayo at inalalayan upang makalakad. Kumunot ang noo ko dahil sa bagal ng lakad namin. Kung ganito kami maglakad makikita kami.

"Bubuhatin na lang kita." Binuhat ko siya na parang sa kasal. Mabuti na lang at malakas ang katawan ko kaya nakayanan ko siyang buhatin. Hindi rin naman siya ganun kabigat.

"S-salamat." Sabi nito sa paos na boses. Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy na sa paglalakad. Maiingat ang ginawa kong hakbang upang walang makakita sa'min. Nakahinga ako ng maluwag ng sa wakas ay narating na namin ang dorm. Agad akong pumasok at inilapag siya sa sofa. Hindi ko alam kung paano ito ipapaliwanag kay alice.

"Kukunin ko lang ang first aid kit." Paalam ko at tumungo sa kusina. Kinuha ko ang lagayan ng gamot at agad na bumalik sa sala.

Kumuha ako ng puting panyo at binasa ito ng maligamgam na tubig. Pinunasan ko ang mukha niya na puno ng dugo. Ang maputing panyo ay agad nabahiran at napuno ng pulang likido. Pinunasan ko rin ang ibang parte ng katawan niya.

GRAVEN UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon