Megan's POV
Nasa library ako at nagbabasa walang klase ngayon kaya napadpad ako dito. Gusto ko lang ng peace of mind dahil sobra akong na stress nitong nakaraang araw. Isang linggo ko ng nakakasama si blue at isang linggo ko na ring tinitiis ang paglalandian ni alice at grey kung saan saan.
"Hi megs?" Halos mapatalon ako sa kaba dahil sa biglaang pagsulpot ni west sa tabi ko.
"What do you want?" Inis kong tanong. Tumawa siya ng bahagya na lalo kong ikinainis.
"Masyado ka namang highblood." Tukso nito. Inirapan ko na lang at itinuon ang attensyon sa binabasa ko.
"Tara kain tayo!" Alok niya.
"Pwede ba west? Bigyan mo naman ako ng peace of mind kahit ngayon araw lang." Saad ko.
"Sige, dito na lang ako sa tabi mo." Pinal nitong sabi. Hindi ko na lamang siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagbabasa.
"Megan?" Mag iisang oras na mula noong huling nagsalita si west kaya tinignan ko siya.
"Bakit?" Tanong ko.
"Magkaibigan na kayo ni blue, diba?" Tanong nito. Nagtatakang tinitigan ko siya.
"Bakit mo naitanong?" Tanong ko sa kaniya. Imbis na sagutin ay nginitian niya lang ako bago magsalita.
"Wala naman mukha lang talaga kayong close na close." Aniya. Magsasalita sana ako ng magsalita siyang muli. "Napalitan niya agad si grey ng ganon kabilis? Hindi ka ba nagtataka?" Kinunutan ko siya ng noo. Ngayon seryoso na ako. Hindi ko alam kung anong pinupunto niya kung napalitan ko ba agad si grey sa puso ko?
"Bakit naman ako magtataka? Wala naman dapat akong ipagtaka. I'm not in love with blue. Eh yung kapatid mo nga pinagpalit agad ako sa itinuring ko pang kaibigan." Matigas kong sagot. Mukha ba akong may gusto kay blue? No way. Siguro minsan nagtataka ako sa ikinikilos ko pero si grey pa rin ang mahal ko. Siya lang at wala ng iba pa. Siguro'y may kung ano lang kay blue kaya ganoon ka agad ang pakikitungo ko sa kaniya but I'm not in love with him. Kakaiba ang pagmamahal ko kay grey subalit hindi niya yun nakita. Mas pinili niya si alice kaysa sa'kin but maybe this is the right way, the right choice, and the right thing to do is to choose alice over me.
"Hindi ako nangingialam sa buhay pag ibig niyong dalawa. Ang sa akin lang sana wag mo namang ipakita sa kaniya na parang nakalimutan mo na siya ng tuluyan. Maybe he's blinded by the truth." Wika nito at umalis ka agad ng hindi man lang nagpapaalam. Naiwan akong nakatulala habang iniisip ang huli niyang sinabi. Blinded by the truth? Ano naman kayang nais iparating sa'kin ni west?
"What the fvck!" Mura ko ng gulatin ako ng isang lalaki. Natatawang umupo ito sa tabi ko.
"Nakatulala ka kasi nong pagkaalis ni west." Aniya at inalok sa'kin ang pagkain. "Anong pinagusapan niyo?" Curious nitong tanong.
"Wala naman." Maikli kong sagot. Hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ang nais iparating ni west. Bakit ba ang weird nilang lahat? Nakailang ulit na buntong hininga ang pinakawalan ko.
"Parang napakarami mong problema ah? Handa naman akong makinig." Komento ng katabi ko. Inilingan ko siya. Tumayo na ako at akmang aalis na ng hilain niya ako papunta sa kaniya. Hindi ko 'yon inaasahan dahil sa bilis ng pangyayari at isa pa maraming gumugulo sa isipan ko.
Nahigit ko ang aking hininga ng halos magdikit na ang aming labi. My heart beats fast na parang ilang beses akong tumakbo dahil sa sobrang bilis nito. Nakatitig lang kami sa isa't isa. Walang umiimik. Gusto kong sampalin 'yong sarili ko dahil sa naiisip. Mali ito. Maling mali. Bakit hindi ko man lang siya agad itulak? Bakit hindi pa ako bumibitaw sa hawak niya?. Napalunok ako ng onti onti niyang inilapit ang kaniyang mukha. Napapikit ako at inaantay ang pagdampi ng labi niya sa'kin. Maybe, I'm tempted. Maybe....

BINABASA MO ANG
GRAVEN UNIVERSITY
Misteri / ThrillerIt was the story of a woman (Megan) and her journey to hell school that full of mystery. Then, things became complicated as she doesn't expected to happen. What if love can conquer everything? Is it love can be your weakness?. Do you want love can b...