Megan's POV
Nasa field ako at mag isa lang. Hindi na ako kumain sa cafeteria dahil makikita ko lang sila dun. Lalo lang akong mawawalan ng gana. Bumuga ako ng hangin at pumikit. Masakit pa rin. Kahit anong gawin ko bumabalik pa rin ang sakit. Parang kamakailan lang masaya pa kami. Parang kamakailan lang naglalambingan pa kami. Parang kamakailan lang mahal na mahal pa namin ang isa't isa. Ang sakit lang isipin na nagkaganito kami. Ano bang ginawa ko para masaktan ako ng ganito? Nagmahal lang naman ako ah? Masama ba 'yon?
"Parang ang lalim ng iniisip mo miss ah?" Napadilat ako ng may marinig akong hindi pamilyar na boses pero parang narinig ko na ito noon? Weird. Nanlaki ang mata ko ng nakaupo na ito sa bench kung saan ako ngayon nakaupo. Paano siya nakaupo sa tabi ko ng hindi ko man lang naramdaman?
Mukhang alam niyang nagtataka ako dahil natawa ito. Parang pamilyar siya? Pero hindi ko pa siya nakikita sa campus mula noong pumasok ako dito? Weird. Ngumiti siya sa'kin. Wtf! Bigla na lang tumulo ang luha sa mga mata ko. Halos mataranta naman ang lalaking nasa harapan ko.
"Shett!" Napamura siya at natatarantang hinanap ang panyo sa bulsa niya at natatarantang iniabot sa'kin. Tinitigan ko 'yong panyong iniabot niya. Bakit ganito? Bakit parang may kakaiba sa kaniya? At lalo na sa'kin? Tangina. Anong kalokohan 'to? Bakit ako naiiyak? Anong meron sa araw na'to? "Ako na nga!" Iritable niyang sabi at pinunasan niya ng dahan dahan ang pisngi ko. Para akong tanga na pinagmamasdan lang siya. Ano ba megan? Bakit di mo siya pigilan? Hindi ka nagpapahawak basta basta, diba? Anong nangyayari sa'yo? Baka dala lang to ng lungkot sa nangyari sa'min ni grey.
"Ayan okay na." Mahinahon nitong sabi at tumingin sa mga mata ko. May kung ano sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Hindi ako makapagsalita. Tinititigan ko lang din siya. "Wag ka na ulit umiyak sa harapan ko ha? Papatayin ko kung sino nagpaiyak sayo, naiintidihan mo ba? Ha?" Mahinahon ngunit seryoso nitong saad. Parang may gusto pa siyang sabihin pero pinipigilan niya. Napalunok ako. Hindi ko alam kung anong isasagot sa kaniya. Hindi ko naman siya kilala pero magaan ang loob ko sa kaniya.
"Nakita kitang dumiretso dito kanina kaya sa tingin ko di ka pa kumakain." Iniwas ko ang tingin ko mula sa kaniya. May kinukuha siya sa bag niya at hindi ko alam kung ano 'yon. "Ayy shett naman! Nakalimutan ko pang magdala ng tubig!" Reklamo niya sa sarili niya. Para siyang bata na nagsasalita mag isa. Napangiti ako dahil dun. Weird. Ang simple lang ng ginawa niya pero napangiti ako. Lumingon siya sa'kin kaya nagulat ako. Nahuli niya akong nakangiti. Badtrip! Nagtatakang tinitigan niya ako. Hindi ako kumibo.
"Hhmmm sorry, megs. Wala akong tubig eh." Malungkot niyang sabi. "Pero may dala naman akong pagkain." Inilabas niya ang baunan niya at ipinakita sa'kin. Binuksan niya at may lamang adobo. Mukhang marami ah? Matakaw siguro to. Ang daming kanin at ulam eh. "Ako nagluto nito, magustuhan mo sana." Nakangiti niyang sabi. Hindi ko alam kung bakit di ako tumanggi sa alok niya. Kinuha ko yun at sinimulang kainin.
"Wow ang sarap!" Bigla ko na lamang nabanggit. Natawa naman ang lalaking nasa tabi ko.
"Syempre! Gwapo ba naman ang nagluto eh!" Mayabang niyang banggit. Hindi na ako nagreklamo at kumain na lang ulit. Ngunit napahinto ako sa pagsubo. Nagtaka naman siya. Nahihiyang tumingin ako sa kaniya. Nakatingin lang siya sa'kin. "Bakit? Hindi mo naba nagustuhan?" Malungkot ang tono ng boses niya. Napailing ako agad.
"No! Ang sarap nga eh kaso..." Nahihiya ako. "Kaso ano?" Nagtataka naman niyang tanong. "Sayo 'tong baon na 'to eh tapos binigay mo sa'kin. Edi ikaw naman ang nagutom." Ngumiti lang siya sa sinabi ko.
"Don't worry about me. Makita lang kitang busog, busog na rin ako." Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Wtf. Para akong kinikilig na ewan. Hindi ko maintindihan. Ano ba megan? Ano bang nangyayari sa'yo? "Sige na, kumain kana ulit. Okay lang ako, okay?" Tumango na lamang ako at nagsimula na ulit kumain.
BINABASA MO ANG
GRAVEN UNIVERSITY
Mystère / ThrillerIt was the story of a woman (Megan) and her journey to hell school that full of mystery. Then, things became complicated as she doesn't expected to happen. What if love can conquer everything? Is it love can be your weakness?. Do you want love can b...