CHAPTER 53

2.1K 89 35
                                        

NOTE: Sorry at natagalan ha? Sana maintindihan niyong naging busy ako. Kung may tanong kayo about sa stories ko, kindly message me okay? Sa fb or dito. Salamat.

Megan's POV

Si alice nasa labas ng pinto nila grey. Lasing na lasing. Mukhang wala na siya sa katinuan niya. Ano bang ginagawa niya dito? Nang ganitong oras.

"Greeeyy!" Sigaw nito sa pangalan ni grey. Hinampas nito ang pintuan.

"Lumabas ka dyan! Let's talk." Base sa boses nito ay talaga ngang lasing na siya. Gusto ko na sana siyang lapitan pero may kung anong pumipigil sa'kin. Gusto kong makita ang susunod na pangyayari.

"I said le-" Biglang bumukas ang pinto at iniluwan nito si grey. Naka topless lang siya. Seryoso niyang tinititigan si alice. Mukhang hindi naman siya nabigla o nagulat man lang. Kinunutan niya lang ito ng noo.

"Nandito ka ulit?" Tanong ni grey kay alice. Teka? Ulit? Ibig sabihin hindi lang ngayong gabi nagpunta si alice sa dorm nila? Pero bakit? "You're drunk." Seryoso nitong saad. Hindi ko malaman ang reaksyon ng mukha ni alice dahil nakatalikod siya sa'kin. Nanlaki ang mata ko ng haplusin ni alice ang mukha ni grey. Dahan dahan niya itong hinaplos na tila napakatagal nilang hindi nagkita.

"I r-really miss you, love." Malambing na sabi ni alice na siyang ikinalaki ng mata ko. What the fvck. Tinawag niyang love si grey? Tangina. Anong nagyayari? Ano to.

"Lasing kana. Ang mabuti pa ihahatid na kita sa dorm niyo." Pinigilan ni grey ang kamay ni alice. Ibinaba niya ang kamay nitoat binitawan. "Magbibihis lang ako." Tinalikuran niya si alice pero bigla siyang niyakap ni alice mula sa likuran. Nanghina ako sa nakita. Nanlambot ang tuhod ko. May kumirot sa puso ko. Ang sakit. Ang sakit makita silang dalawa. Ano bang ginagawa ni alice? Nababaliw na ba siya? Alam naman niya kung gaano ko kamahal si grey. Ano ba to? Nakaka tangina. Ano bang problema niya?

"Alice, ano ba? Bitawan mo nga ako." Iritang sabi ni grey. Tumawa lang si alice na parang wala siyang narinig. Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa lalaking mahal ko. Iniharap niya si grey sa kaniya. Nagtitigan sila ng ilang segundo hanggang sa inilapit ni alice ang mukha niya sa mukha ni grey. Halos madurog ang puso ko ng magdampi ang mga labi nila. Hindi ko na napigilan ang maiyak. Hindi ko maitatanggi na nasasaktan ako sa mga oras na'to. Sinong niloloko ko diba? Tangina. Masakit eh. Ang sakit sakit.

Kahit di ko pa itanong kung anong meron sa kanila. Mukhang alam ko na ang sagot. Niloloko nila ako. Lahat ay plano lang nila. So sila talaga ang tunay na nagmamahalan? Damn it. Kontrabida pala ako sa love story nila? Pero...... Sobra sobrang panloloko naman ang ginawa nila. Masyado nilang ginalingan.

Ngumiti ako ng mapait. Well, napahanga nila ako ng maigi. Iniwan ko sila ng ganoon ang posisyon. Iniwan ko silang naghahalikan.

Tanging hagulgol ko lamang ang maririnig sa buong paligid. Napakatahimik ng kabuuan. Walang tao dahil tanging ako lamang ang nadirito.

"PUTANG INA MO GREYY!"

"Gago ka! Napakag-gago m-mo..."

"Ang tanga tanga mo! Wala kang kwenta! Bwisit ka!"

Para akong bata na nawalan ng isang manika dahil sa itsura at asal ko. Pero......ang sakit. Napakasakit. Yung itinuring kong bestfriend? At yung boyfriend ko? Tangina. Tangina nilang dalawa. Mamatay na sana sila.

"Aaaaarrrrrgggghhhhhhh!"

Paulit ulit akong sumigaw. Wala akong pake kung may makarinig man. Wala akong pake kung mapaos ako. Wala rin akong pake sa itsura ko ngayon. Sa sobrang sakit na nararamdaman ko parang gusto ko ng magpakamatay. Sinong makakaintindi sakin ngayon? Lahat sila may tinatago. Lahat ng mga punyetang nakapaligid sakin may inililihim.

Niyakap ko ang mga tuhod ko at doon umiyak. Hindi pa rin mawala wala ang sakit. Paulit ulit na bumabalik ang senaryo na nakita ko. Ang haplos ni alice. Ang pagtititigan nilang dalawa. Ang paghahalikan nila. Masakit. Pinapatay ako ng paulit ulit dahil sa nangyari. Sana hindi ko na lang pala nakita. Sana pala hindi na lang ako lumabas. Sana pala hindi ko na hinanap si alice.



Naalimpungatan ako sa sikat ng araw na nanggagaling sa bintana. Kinusot ko ng dahan dahan ang mga mata ko. Tumayo ako at naginat ng katawan. Napadaing ako dahil sa sakit. Pagod rin ako dahil sa nangyari kagabi. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina. May pagkain na nakahain sa lamesa. May nakasulat na notes sa isang maliit na papel.

"Alam kong pagod ka kaya ipinagluto na kita ng almusal mo. Kumain ka ng mabuti ha? See you."

Kumunot ang noo ko sa sulat na nabasa ko. Nagkibit balikat ako at kumuha ng plato para kumain. Infairness ang sarap. Nakakarelax yung lasa. Nang matapos ako ay agad na akong kumilos para makapasok.

Naglalakad ako habang nagmamasid sa paligid. Hindi talaga mawawala ang mga taong tumitingin sayo ng masama. Inirapan ko na lang sila at nagpatuloy sa paglalakad. Dumiretso ako sa upuan ko. Wala pa yung apat. Nasaan kaya sila?

"Alam niyo ba? Ang sarap pala humalik ni grey noh?" Napatigil ako sa pagiisip ng marinig ko ang sinabi ni alice. Kumirot na naman ang puso ko.

"Hhaaa? Talaga? Sana ako rin halikan niya." Kinikilig na komento naman ng isang kaibigan niya.

"What? No way. Akin lang si grey. Kung gusto mo humanap ka na lang ng iba." Inirapan ni alice yung babae.

"Isa lang naman alice tutal hindi naman maaagaw sayo si grey ng kahit sinong babae."

"Subukan lang nila...." Matapang na banta nito at lumingon saken. Tinaasan niya ako ng kilay kaya tinaasan ko rin. Bitch. Anong akala niya? Magpapatalo ako? Hindi ko inaagaw sa kaniya si grey. Hindi ko na siya kailangang agawin pa. Inirapan niya ako ng hindi ako bumitaw sa titigan namin.

Umupo na ako at nagkukunwaring nagbabasa ng libro pero sa totoo nakikiramdam ako sa paligid. Para akong pinagpapawisan sa sobrang init ng marinig ko bigla ang boses niya. Nangingilid ang luha sa gilid ng aking mga mata. Please wag ngayon. Ayokong ipakita na nasasaktan ako. Ayoko.

"Babe!" Natutuwang sigaw ni alice. Kahit hindi ko iliko ang tingin ko sa kanila ay nakikita ko pa rin sa gilid ng aking mga mata kung anong ginawa ni alice. Tumakbo siya papalapit kay grey at hinalikan ito. Napapikit ako ng mariin. Tangina.

"Bakit ngayon ka lang? Namiss agad kita." Maamong sabi nito. Halos madurog ang puso ko sa isinagot ni grey.

"Pasensya ka na, alice natagalan ang mahal mo pero nandito naman na ako eh." Yung boses na yun. Yung ngiting yun. Yung mata niya na punong puno ng emosyon. Sakin dapat yun. Sakin lang. Sakin yun noon pero ngayon wala na. "Samahan mo ko kumain di pa ako nag aalmusal eh!" Hinila ni grey si alice palabas ng classroom. Doon ko na sila sinundan ng tingin. Magkahawak ang kamay nila habang naglalakad palayo sa'kin. Humugot ako ng malalim na hininga bago inilihis ang tingin sa kanila.

Siguro kung hindi man kami ang magkatuluyan sa huli sana sila din pero mukhang malabong mangyari yun kaya sana maayos ko na kung ano mang meron dito, noon. Kahit yun na lang...

GRAVEN UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon