CHAPTER 48

3.2K 131 153
                                        

Megan's POV

"Wwoooaaaahhhhh!"

"Yeah! Party! Woah! Paarty!"

Hiyawan dito hiyawan doon. Party dito party doon. Sobrang ingay sa loob ng dorm ni maurine. Lahat nagpaparty. Lahat nagsasaya. Nilibot ko ang mata ko sa paligid. Lahat ata ng babae malalaswa ang suot. Napatingin ako sa suot kong damit. Okay. Ang weird ko siguro kapag itinapat sa kanila. Well, I don't care. Mas maganda pa rin naman ako kung ikukumpara mo sa mga hampas lupang mukha ng malalanding ito.

"Let's dance, megs!" Sabi ni west sa'kin. Ngumiti ako ng matabang. Hindi ko alam kung sasayaw ba ako o tatanggihan na lang siya. Tumingin ako kay grey na nasa tabi ko. May hawak siyang beer.

"I allow my brother to dance with you, baby. Just him, okay?" Sabi nito. Tumango ako. Inilahad ni west ang kamay niya sa harapan ko. Tinanggap ko 'yon at sumama sa kaniya para makipag sayaw.

Nakangiti ako kay west habang nakikipagsayaw. Nakakaindak ang tugtug kaya mas lalong ginaganahan ang lahat ng taong nasa dance floor. Trancemusic. Narinig ko ang mga boses ng kaibigan namin na papalapit sa direksyon namin ni west.

"Yow, dude!" Bati ni bryle ng makita si west. Napatingin siya sa'kin. Nginitian niya ako na tinanguan ko naman.

"Let's enjoy this party!" Nakangiting sabi ni bryle. Humalkhak siya at umalis din. Kinakausap niya iyong mga babaeng labas na ang kaluluwa. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang matatalim na titig ni alice sa nakangiting si bryle habang may kausap na mga babae.

Nahigit ko ang hininga ko ng hapitin ni west ang baywang ko kaya napalapit ako sa kaniya. Iginala ko ang tingin ko sa paligid. Naalibadbaran ako sa posisyon namin dalawa. Hindi naman kami lang ang nakaganito sa katunayan halos nga lahat ay nakahawak sa baywang at mas malala pa sa'min. Ngunit ang nga titig ni grey ang inaalala ko. Hindi man ako nakatingin ay alam kong nagpipigil lang siya at hindi ko alam kung hanggang kailan niya iyon kayang pigilan. Knowing grey, ilang minuto lang ang kaya niyang tagalan.

"Nasabi ko na ba sa'yong napakaganda mo, megan?" Bulong ni west sa tainga ko. Nagulat pa ako sa sobrang lapit niya. Naaamoy ko ang pabango niya.

"Kahit hindi mo sabihin west, I already know that." Natatawa kong sagot. Natawa lang din siya. Inilapit niya muli ang kaniyang mukha sa tainga ko. "You know what-" Natigil si west ng higitin ako ni grey papalayo sa kaniya. Nakita ko ang pag iling ni west kasabay ng mura. Hindi ko alam pero mukha siyang galit at iritado.

Huminto si grey sa paghila sa'kin at iniharap niya ako sa kaniya. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa'kin. Sinalubong ko lang ang titig niya. Ano kaya ang problema nito? Ah, okay. I know. Siguradong galit siya sa'kin.

"Galit ka ba? Hindi ko naman ginusto yung paglapit bi-" Hindi ko natapos ang pagsasalita dahil inilagay ni grey ang hintuturo niya sa labi ko. Kinunutan ko siya ng noo.

"I know, but I'm fvcking jealous." Diretso niyang sabi. Napaawang ang bibig ko, alam ko na nagseselos siya pero nagulat ako dahil hindi na siya nagpaligoy ligoy pa. "I don't want seeing you with other boys." Nakatingin siya sa mga mata ko habang sinasabi ang gusto niya. He's too straight to the point. I don't know, but I admit, I liked it. Damn.

"You allow me to dance with your brother, grey." Seryoso kong sabi. Bumuntong hininga siya.

"Pero wala akong sinabi na kailangan ganun siya kalapit sa'yo at wala din akong sinabi na kailangan niyang hawakan ang.......baywang mo." Nagaalinlangan pa siyang sabihin ang huling dalawang salita. Nagseselos nga siya base sa tono ng boses niya. Oh, my grey. You don't need to be feel jealous. I'm already yours. Already yours my king.

GRAVEN UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon