Megan's POV
"Bakit ang tagal mong umuwi?" Bungad na tanong sa'kin ni alice ng makabalik ako sa dorm.
"May ginawa lang ako." Sagot ko at dumiretso sa kusina.
"Okay. May pagkain diyan nagluto ako." Tumango ako sa sinabi nito. Pagkatapos kung kumain ay nagpahinga na ako. It was a very bad day.........to me.
Nasa may library ako ngayon. Maaga pa at iilan lang ang estudyante. Maaga akong nagising kanina kaya dumiretso na ako dito. May isang oras pa bago magsimula ang klase kaya magbabasa basa muna ako.
Bigla ko tuloy naalala yung mga panahon na gusto kong maghanap ng impormasyon sa lugar na'to. Nakakatawa na hanggang ngayon hindi ko alam kung paano sosolusyunan yun. Pero mas naging maayos naman ang takbo ang istorya ko sa loob ng paaralan na'to. Kung hindi ako napunta dito hindi ko makikilala ang mga kaibigan ko. Hindi ko rin makikilala ang lalaking nagpapakilig sa'kin ngayon. Kahit nakakairita siya lagi ay hindi nawawala ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa kaniya. Yun nga lang may pagkakataon din na ang sarap niyang hampasin ng silya. Kidding.
"Hi megan?" Napamura ako ng biglang sumulpot ang isang lalaki sa harapan ko.
"What are you doing here schyler?" Naiinis kong tanong.
"Nakakita kasi ako ng pangit kaya pumunta ako dito." Sagot niya.
"Then, get lost!" Sagot ko. Ano bang ginagawa niya dito? Malamang mang aasar na naman.
"Hindi ka ba magpapasalamat sa'kin?" Nakangiti niyang tanong. Tinaasan ko siya ng kilay.
"And why would I?" Tanong ko rin. Naging malungkot ang mukha nito habang nakatitig sa'kin.
"Iniligtas ko ang buhay ng boyfriend mo at ang buhay mo." Malungkot nitong sambit. "Kahit isang thank you lang mula sayo, okay na." Dugtong niya.
Grey's POV
"Uy pre? Mukhang nagkakamabutihan na kayo ng sobra ni megan, ah?" Mapang asar na sabi ni bryle sa'kin. Hindi ko siya pinansin at umupo na lang sa sofa.
"Ganyan ba kapag in love? Lalong nagiging masungit?" Nag isip pa ang gago. Itinuon ko ang attentsyon ko sa palabas.
"Ang sweet mo naman kapag nandyan siya...Ulol inlove!" Kinuha ko ang unan at malakas yun na inihagis sa kaniya. Natatawa naman niya yung sinalo.
Ano bang problema nila? Mga may sira ata sila sa utak. Pero mas magaan na ang pakiramdam ko ngayon. Alam kong mahal ako ni megan at mahal ko rin naman siya.
Lagi nga akong kinikilig dun eh kahit na ang sungit sungit. She always said that 'Im stupid. But, hell yah. Tanga ako pagdating sa kaniya. At siya lang paglalaanan ko ng katangahan kong 'to.
"Pero seryoso pre, buti na lang dumating yung schyler na yun ng oras na 'yun." Pagiiba ng topic ni bryle. Hindi ako kumibo at tumango na lamang.
FLASHBACK
Pagkatapos namin sa lalaki kanina ay nagpasya na kaming magpatuloy. Hindi ko alam kung saan ko hahanapin sila megs. Basta malakas ang pakiramdam ko na dito sila dinala.
"Hey, matagal pa ba natin silang mahahanap? Saan ba kasi sila tinago?" Naiiritang tanong ni maurine. Napabuntong hininga ako.
"Tumigil ka nga sa kakareklamo mawi! Kung hindi ka kasi sumama di ka sana panay reklamo dyan!" Inis na sabi ni akira sa kaniya.
Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Fvck. Nakakaramdam ako ng kaba. I don't know why pero ang unang pumasok na pangalan sa isipan ko ay si megan.
BINABASA MO ANG
GRAVEN UNIVERSITY
Mystery / ThrillerIt was the story of a woman (Megan) and her journey to hell school that full of mystery. Then, things became complicated as she doesn't expected to happen. What if love can conquer everything? Is it love can be your weakness?. Do you want love can b...