Megan's POV
Napangiti ako ng may pulang papel na hugis bulaklak ang nakalagay sa gilid ng kama kung saan ako nakahiga. Kinuha ko 'yon at tinitigan ng mabuti. May maliit na notes na nakasulat. 'Goodmorning my queen, I love you!' Gumuhit ang ngiti sa aking labi. Damn this man! He's always makes me feel this goddamn feeling. Ilang segundo ko pa iyong tinitigan bago lumabas ng kwarto.
"Goodmorning!" Bahagya akong nagulat sa bati ni grey sa'kin. Nakangiti ito at mukhang ganadong ganado. May hawak siyang siyanse sa kanang kamay at ang isang kamay ay ipinulupot sa baywang ko. Parang kiniliti ako dahil sa ginawa niya. Isang dampi ng halik sa pisngi ang iginawad niya sa'kin at iginiya ako sa kusina upang makaupo.
"I cook breakfast for you, my queen." Aniya. Napa 'o' ang bibig ko sa dami ng mga pagkain sa mesa. Iba't ibang klase ng agahan. Tumingin ako sa kaniya ng may pagkamangha. "You cook all of this?" Tanong ko. Ngumiti siya at tumango.
Nagsimula na akong kumain ng nagsimula din siyang maglagay ng kung ano ano sa plato ko. Tinatanggap ko naman lahat ng yon at walang pasubaling tinikman. Oh gosh! It's all good. Napakasasarap ng agahan na'to. Nakatayo pa rin siya at nagluluto pa ng pancake. Busog na ako at mukhang hindi ko na kaya pang kumain. Tumigil ako saglit at pinagmasdan ang kaniyang likod. Nadedepina lalo ang muscles ng kaniyang braso kapag binabaliktad niya ang pancake sa pan. Oh shit. He's goddamn hot!
Nilingon niya ako at nahuling nakatitig sa kaniya. Nahiya ako sa ginawa ko. Kinuha na niya ang pancake sa pan at inilagay sa plato. He get the syrup and give it to me. "Try this" Tumango ako kahit ang totoo'y busog na talaga at parang wala ng paglalagyan ang iba pang pagkain. Ayoko naman na masayang ang effort niya at isa pa masarap talaga lahat ng niluto niya. Nilagyan ko ng syrup ang pancake at sinimulan ng kainin. It taste very good. Masarap akong magluto pero sa tingin ko ay mas masarap iyong kaniya. Nakakainggit tuloy dahil kahit simpleng pagkain napapasarap niya.
"Nabusog ka ba?" Tanong nito at umupo sa tabi ko. "Nagustuhan mo ba ang inihanda ko para sayo?" Dugtong niya.
"Ofcourse, yes!" I immediately said. Sa dami ng nakain ko ay sa tingin niya ba hindi ko pa yun nagustuhan?
"Good..." Tumango tango siya at pagkatapos ay tinitigan ako. Nag init ang pisngi ko ng inistretch niya ang isa niyang kamay para kumuha ng pagkain para sa kaniya. Ohgoddammit! Hindi ko namalayan na hindi pa siya kumakain. Sumulyap siya sa'kin ng isang beses bago hiwain ang pancake at sinimulang kainin.
"Hindi ko alam na hindi ka pa kumakain." Nahihiya kong sabi. Ngumiti siya bilang tugon at tumango. Hindi ako makatayo sa upuan ko. Magmumukha akong bastos kapag ginawa ko yun. Inantay ko na lamang siyang matapos bago tumayo. Nang sa wakas ay natapos siya dahan dahan akong tumayo at nilagay sa lababo ang pinagkainan. Tinakpan naman ni grey ang mga natira sa mesa.
"Magpahinga ka na lang sa sala at ako na ang maghuhugas nyan." Napailing ako.
"A-ako na-" Hindi ko natapos ang sasabihin dahil inagaw na niya sa'kin ang plato at pinalitan ako sa pwesto. Sa gulat ko ay napatulala na lamang ako.
"Magpahinga ka na lamang sa sala at manood ng palabas. I can do this. You need to rest." Mahinahon niyang sabi. Hindi na ako nakipagtalo at dumiretso na sa sala at ginawa ang kung ano man ang sinabi niya kanina.
Bumuntong hininga ako habang nakatingin sa likuran niya. Nagsisimula na naman akong umasa ng mas malaki. Worth it ba to lahat? Kapag ba umasa ako may mangyayari? Paano kung wala? I'll lose my hope again. I'll die again. I'll die because of him not physically but mentally and emotionally. Pero.....
Yes! I know it's risky to have hope in our relationship. Hindi ko alam kung may pupuntahan ba. Hindi ko alam kung totoo ba talaga ngayon ang ipinapakita niya. Parte pa ba to ng plano nila? Kinagat ko ang labi ko sa napagtanto. Mahal ko pa rin siya at umaasa pa rin ako na mahal niya rin ako. Umaasa ako na totoo lahat ng ipinapakita niya. Wala akong paki kung masaktan man ako sa huli. Wala akong paki kung hindi niya man ako mahalin ng totoo. Hindi ako tatanggi sa pinapakita niya sakin ngayon. Gustong gusto ko ng ganiyan siya sakin.
BINABASA MO ANG
GRAVEN UNIVERSITY
Mystère / ThrillerIt was the story of a woman (Megan) and her journey to hell school that full of mystery. Then, things became complicated as she doesn't expected to happen. What if love can conquer everything? Is it love can be your weakness?. Do you want love can b...
