Grey's POV
"Ano ng gagawin natin?" May halong pag aalala sa boses ni bryle. At alam kung ganun din sila. Pare pareho lang kaming nag aalala.
"We need to fine that asshole! Ibabaon ko siya sa lupa kapag nagkaharap kami." Seryoso kong sambit.
"Ilang araw na lang bago matapos ang laro?" Tanong ko. Tinignan ni akira ang relo niya. Kumunot ang noo nito at parang nagtataka.
"Mukhang sira ata ang relo ko." Saad nito. "Kunin ko lang ang isa kong relo." Dugtong niya.
Ka agad na bumalik ito sa amin at ipinakita ang kaniyang dalawang relo. Nagtatakang tinignan namin kung ano ang ipinaparating ni akira.
"One day?" Sabay sabay naming banggit.
"Hindi ko alam kung relo ko ba ang sira o talagang dalawang araw tayong tulog?" Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi ni akira.
Dalawang araw? Paano nangyari yun?
"Teka! Kukunin ko lang ang relo ko. Baka sira lang yung sa'yo!" Naglakad na si bryle papuntang kwarto at kinuha ang relo.
"Shit! Oo nga! Dalawang araw tayong tulog." Napaawang ang bibig naming lahat sa nalaman. Dalawang araw? Ibig sabihin, dalawang araw na din na wala sila megan sa loob ng dorm? Tangina.
"Paano nakalusot yung pampatulog nila dito sa dorm?" Nagtatakang tanong ni west. Nagkatinginan kaming apat.
"May traydor sa'tin." Mahinang sambit ko.
Natahimik kaming lahat at parang nadismaya. Hindi to pwede. Malabong may isang traydor sa'min. Matagal na kaming magkakaibigan. Matagal ko na silang kilala. Alam kong dapat hindi magtiwala sa lugar na'to pero hindi ko akalain na isa sa'ming apat ay magttraydor.
"Hindi ko magagawa ang magtraydor." Nasambit ni akira. Nakayuko ito at tila nag iisip.
"Hindi ko din kayang traydorin ang mga kaibigan ko. Hindi ko kayo kayang traydorin." Saad ni bryle at katulad ni akira ay nakayuko ito.
Napaupo ako sa sofa at nag iisip. Kung wala sa amin? Sino? Sino ang may gawa nito? Napatingin ako sa kanilang tatlo. Pero hindi pa rin ako nakakasigurado kung wala ba talaga sa'min. Kailangan kong doblihin ang pag iingat ko.
"Wag na tayo mag aksaya pa ng oras. Tara na. Isang araw na lang ang natitira sa'tin para hanapin sila." Seryoso kong saad. Napatango sila at naintindihan kung ano ang gusto kong sabihin.
"Saan tayo unang pupunta?" Tanong sa'kin ni west. Nagisip ako. Saan nga ba? Saan ang pwedeng maging hide out sa lugar na ito?
"Kung sa gymnasium?" Suhestiyon ni bryle.
"Sige. Tara na!" Nauna na akong naglakad. Naramdaman ko ang pagsunod nila. Mabibilis at malalaking hakbang ang ginagawa namin. Wala na kaming oras na dapat sayangin.
Lumiko kaming apat para makarating agad sa gymnasium. Nag shortcut na kami. Mas mabilis kung dito kami dadaan. Yun nga lang ay masikip at tagong lugar ito.
"Shit!" Napahinto kami sa mura ni akira.
"Bakit?" Nagtatakang tanong ni west.
"Kinagat ako ng langgam." Sagot nito at kinamot ang kaniyang paa. Napaawang ang bibig ko. Akala ko kung ano ng nangyari. Sa inis ko ay binato ko ito ng tubigan na hawak ko.
"Aray! Masakit yun! Kasalanan ko bang kagat-" Pagrereklamo nito. Hindi na naituloy ni akira ang sasabihin ng hilain ni west ang laylayan ng kaniyang damit.
BINABASA MO ANG
GRAVEN UNIVERSITY
Gizem / GerilimIt was the story of a woman (Megan) and her journey to hell school that full of mystery. Then, things became complicated as she doesn't expected to happen. What if love can conquer everything? Is it love can be your weakness?. Do you want love can b...
