CHAPTER 62

1.8K 59 7
                                        

Megan's POV

Ang sakit ng ulo ko pagkagising. Hindi ko agad naidilat ng maayos ang aking mga mata dahil sa hilo. Nang naging maayos ay dumilat ako at tumambad sa'kin ang di pamilyar na kwarto. I'm in the huge and elegant room. It's dark but you'll notice the beautiful designs and the antiques. It's very simple yet it looks elegant in it's own way. Tumayo ako para mas makita pa ang mga kagamitan na nasa loob ng kwartong ito. May isang maliit na lampshade sa gilid ng kama. Naglakad ako patungo sa isang drawer baka may mahanap ako na kung ano. Binuksan ko ang unang drawer at kinapa kung ano man ang meron sa loob. Puro papel na punong puno ng mga drawing. Nakakasiguro ako na drawing ito ng bata. Naghanap pa ako ulit sa mga nasa ibabang drawer at puro drawing pa rin. At nang ibabalik ko na ay nalaglag ang mga papel at nagkalat sa sahig. Napabuntong hininga ako bago pulutin isa isa para mailagay ulit sa ayos. When I'll get the last page of the paper, I suddenly stop. Sumikip ang dibdib ko at nanghina. I don't know why but I feel something about the drawing. A happy family. May nanay at tatay na gawa sa stick. Nakahawak naman ang batang babae sa kaniyang nanay at ang isa pang babae na mukhang mas matanda sa isa ay nakahawak sa kaniyang tatay habang hawak niya rin ang kamay ng kaniyang nakababatang kapatid.  They're look happy eventhough it is just a drawing. Pinulot ko na ng tuluyan at ibinalik lahat sa drawer.

Sinunod ko naman ang cabinet. Mukhang antique at matagal ng hindi ginagamit ng may ari dahil sa alikabok na nasa paligid nito. Nagdalawang isip ako kung bubuksan ko ba o hindi dahil hindi naman akin ito. But then, I decided to open it. Bumungad sa'kin ang mga lumang damit ng bata. Napaawang ang bibig ko at agad na sinarado na lamang dahil wala naman akong mapapala sa mga damit na nasa loob.

Bumaba ang tingin ko sa'kin at ngayon ko lang napansin ang suot ko. I was wearing a dark blue v-neck formal dress. Why I am wearing this? Dumiretso ako sa may malaking salamin at sinuri ang aking suot. May mga crystals ito sa gilid na siyang dahilan ng pagtingkad lalo ng damit sa medyo madilim na kwartong ito. Inipon ko lahat ng buhok at nilagay sa kaliwang parte ng balikat. Umikot ako ng bahagya para masuri ang likuran. Naka backless pala ako! Damn it. I hate this dress. Humarap na ako at walang nagawa kundi titigan na lamang ang sarili. Kumunot ang noo ko ng napansin kong nakamake up rin pala ako. Hindi naman makapal at sakto lang upang malagyan ng kulay ang aking mukha. I rolled my eyes because of the hessitation. Ano naman kaya ang problema nila at ganito ang ayos ko?.

Halos mapatalon ako sa gulat ng may kumatok sa pinto. Babalik sana ako sa kama ng huli na ang lahat. Bumukas ang pintuan at iniluwa ang isang matipunong lalaki na nakablack tuxedo. Isang ngiti ang ibinungad niya sa'kin at ang bahagyang pagyuko tanda ng paggalang. Kinunutan ko siya ng noo sa kalituhan. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa at pabalik sa mukha hanggang magtama ang mga mata namin. Hindi ko ganoong makita ang itsura at hulma ng kaniyang mukha dahil sa liwanag na nanggagaling sa labas ng kwarto.

"The dinner is ready." Baritono niyang wika. Mas lalong kumunot ang noo ko. Dinner? At ano namang ibig niyang sabihin? I'll eat dinner with them? They are the one who kidnapped me, right? "Ayaw nilang pinagaantay ang pagkain. Ang mabuti pa ay sumama ka na lamang para walang maging problema." Paliwanag nito. Hindi naman nila ako hahayaang mag isa dahil alam nila ang kakayahan ko. Ang ikinapagtataka ko lang ay walang tali o kung ano mang paraan para hindi ako makawala sa kwartong ito. Iniisip ba nila na hindi ako tatakas? o sadyang kampante lang sila sa mga tao na narito sa lugar na'to?. Timikhin ang lalaking nasa pinto at tinitigan akong muli. Napaawang ang bibig ko at gusto na lamang magprotesta dahil sa paraan ng pagtitig niya. Nakakailang.

"Let's go?" Tanong nito. Kahit nagdadalawang isip ay tumango na lamang ako. Tumuwid siya at tinalikuran ako. Nagsimula na itong maglakad at hindi man lang ako inantay. Pagkatapos niya akong sunduin ay hindi man lang ako sasabayan sa paglalakad? Nagmamadali akong sumunod ng malayo layo na ang kaniyang nalalakad. Muntik pa akong matapilok sa stilleto na suot ko. Napansin niya ata ako kaya lumingon siya at nagtatakang sinuri ang mukha ko. Tinaasan ko siya ng kilay at binigyan ng isang nakakakilabot ng tingin ngunit parang hindi ito naapektuhan. Sa halip na matakot ay nginitian niya pa ako. Umiling siya at nagpatuloy na.

GRAVEN UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon