CHAPTER 27

5K 235 13
                                        

Megan's POV

Naglalakad na kami upang kumain. Kami lamang dalawa ni alice ang magkasama. Nagpresinta na siya upang bumili ng pagkain.

Pagkarating ni Alice ay agad akong kumain. I know it's embarrassing pero gutom na ako.

"Gutom na gutom?" Natatawang tanong sa'kin ni alice. Hindi ko na siya pinansin pa at kumain na lamang.

"About the game." Pabitin na sambit ni alice. Napahinto ako sa pagkain at seryoso siyang tinitigan. "It's dangerous." Dugtong nito.

"Magmula ng makapasok ako rito, mapanganib na." Sagot ko. Hindi ko naman sinadya na makapasok dito. Hindi ko pinangarap na makatuntong sa impyernong to. I never dreamed this.

"But this one is different megan. Walang sasantuhin sa larong to. At alam ng lahat na may mamamatay may mapapahamak kahit hindi natin gustuhin." Malungkot na sambit nito.

"I know, alice. I know." Sagot ko na lamang. Napabuntong hininga siya.

"Alam naman natin na maraming nagagalit sa'yo sa lugar na ito. Maraming magtatangka sa buhay mo, megan. Hindi namin kakayanin na ipahamak ka. Ayoko na mawalan ng isa pang matalik na kaibigan. I don't want to l-lose someone, a-again." May bigat sa dibdib na pagkakasabi nito. Napabuntong hininga ako at hinawakan ang kaniyang nanginginig na kamay.

"Don't worry alice. I'll be okay. I promise. Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa'kin at ganun rin sa'yo. I will do anything to protect you. Hindi ko rin hahayaan na may mangyari sa'yo. Will be safe. We will." Pagpapalubag ko sa loob nito. Alam kong hindi magiging madali ang larong iyon. Pero hindi ibig sabihin ay hahayaan ko ng mawala ako sa mundong ito. Hindi sa ngayon. At hindi bukas.

"Let's eat." Saad ko. Ngumiti ito at tumango.

Pagkatapos namin kumain ay dumiretso kaming gymnasium kagaya ng sinabi ni maurine. Pagkarating ay bumungad sa'min ang napakaraming estudyante ng Graven University. Halos lahat ay mukhang nasisiyahan. Napailing ako. Mukhang alam ko na kung bakit.

Gusto nilang makapaghiganti sa mga taong kinaiinisan nila. This is their chance. Pero maraming tao ang magpapatayan para lamang mapatay ang taong gusto nilang patayin. I know it would be a big mess to everyone.

"Goodafternoon, everyone." Bati ng isang lalaki. Nasa mid 30's na ito. Namayani ang napakalakas na bulungan. Maraming nagtataka at naguguluhan. Mukhang napansin ito ng lalaking nasa harapan kaya naman nagsalita itong muli.

"Alam kong naguguluhan kayo kung bakit nandirito ako. Nabalitaan ko ang magaganap na laro na dapat ay sa susunod na buwan pa." Saad nito. Sino ba ang isang to pero sa tingin ko hindi ito pangkaraniwan dahil sa tindig ng pangangatawan niya.

"Save, kill and die? Interesting." Nakangising sambit nito. Nagtayuan ang balahibo ko sa tono ng kaniyang boses. This is unbelievable. Napalunok ako ng magtama ang tingin namin. Nanlambot ang tuhod ko. What the hell. Ano itong nararamdaman ko? I am nervous? I smell danger with this man. In unreasonable reason.

"Are you okay?" Napatingin ako kay alice na nasa tabi ko. Tumango ako. Tumingin na muli kami sa unahan ng magsalita ang lalaki.

"I want this game a little bit exciting." Ngumisi na naman ito. Hindi ko maialis sa kaniya ang tingin ko. "Gusto kong magkaroon naman ng twist ngayong taon." Dugtong nito.

"Sa paglalaro ng save, kill, and die ay hindi lang isa ang pwede ninyong patayin. Kayo mismo ang magddesisyon sa sarili niyo kung ilan ang gusto niyong mawala sa lugar na ito." Kakaibang ngiti ang binitawan nito. Nagkaroon ng bulungan.

GRAVEN UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon