CHAPTER 13

5.8K 275 47
                                    

Megan's POV

"Megan!" Narinig ko ang boses ni grey na papatakbo papunta sa direksyon ko.

"A-are you okay? What happened?" Nag aalala ang boses nito pero wala akong maisagot. Ang sakit. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Parang wala akong kwenta.

Napahagulgol ako sa sobrang sakit ng nararamdaman.

Naramdaman ko ang pagyakap sakin ni grey. Ang mga yakap nito na lalong nagpaiyak sakin. Hindi ko ito pinigilan sa ginagawa niya dahil sa pagpapakalmang ginagawa niya sakin.

"K-krystal....Im so sorry." Sambit ko na puno ng pagsisisi. Hinaplos ni grey ang likuran ko upang pakalmahin ako. "This is all my fault! Im so sorry krystal."

Bakit kailangan mawala ni krystal sakin? Samin? Isa siyang mabuting kaibigan sakin. Kahit na baliw yun at napaka kulit napamahal na siya sakin. Sila ni Alice ang unang naging kaibigan ko sa lugar na ito.

Krystal.

"Ssshhhh megan, its not your fault wag mong sisihin ang sarili mo." Hinahaplos nito ang likuran ko ng paulit ulit at pilit akong pinapatahan mula sa pagkakaiyak.

Paano ako makakatahan kung yung kaibigan ko namatay?

I will do anything just to give her Justice.

Inalalayan ako ni grey papunta sa dorm namin. Sumama siya upang siguraduhin na ligtas kami.

"W-wait lang megan kukuha lang ako ng first aid kit." Paalam ni Alice at umalis upang kumuha ng gamot.

"Its not your fault walang may kasalanan dito megs." Sambit ni grey at inalalayan akong umupo.

"Aray!" Daing ko ng mahawakan nito ang sugat sa braso ko na natamo ko mula sa babae kanina.

Naalala ko na naman siya. Sino kaya ang isang yun? Ano ba ang pinagsasabi niya? Pero kung ano man yun ayoko muna problemahin.

"S-sorry." Paghingi nito ng paumanhin. Hindi na ako nagsalita.

"Ito na grey." Inabot ni Alice ang kit ng gamot. Tinanggap naman ito ni grey at kinuha ang betadine atsaka nilagyan ang sugat ko.

Hindi naman mahapdi dahil betadine lamang ang nilagay ni grey. Nakatitig lang ako sa lalaking nag gagamot ng aking sugat. Seryoso ito at maingat na nililinis ang dumudugong tama ng alambre. Mabuti na lamang at hindi ito malalim.

"Kilala mo ba kung sino ang may gawa nito sayo?" Tanong sakin ni grey ngunit hindi nito inalis ang tingin sa ginagawa. Napailing ako. "No, I dont know her. Pero nakapagtataka dahil kilalang kilala ako nito." Napahinto ito ng bahagya at nagpatuloy na rin kinalaunan.

"May mga nasabi ba ito sayo?" Tanong niya muli.

"Meron, at hindi ko alam kung totoo dahil hindi ko naman siya kilala at kanina lamang kami nagkita. Pero naramdaman ko ang matinding galit nito sakin." Napadaing ako ng mahigpitan ni grey ang paglalagay ng bandage sa aking braso.

"S-sorry." Walang emosyon na paghingi nito ng paumanhin.

Nang matapos na niya lagyan lahat ng sugat ko ay tsaka ko lamang napansin ang dugo nito sa kaniyang damit. Mukhang nang galing din siya sa matinding labanan. Pero parang wala lamang ito sa kaniya.

"Megan?" Sabay sabay kaming napatingin sa tatlong lalaki na kakadating lamang. Puro sila pagod at mababakas sa mga damit nito ang mga taong napatay nila.


GRAVEN UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon