Megan's POV
"Uy west bat tatlong araw kang wala?" Nagtatakang tanong ni krystal sa nakangiti pa rin na si west. Bat ba lagi siyang nakangiti? Di ba siya nangangalay?
"May inasikaso lang ako sa office, nakakapagod na nga eh." Sagot nito. "Hi megan." Napatingin ito sakin at ngumiti pa. Hindi ko siya sinagot at kumain pa rin.
"Ay ang snob mo naman, di kaba naggwapuhan sakin?" Bigla akong nasamid sa sinabi niya. Bwisit naman oh!
Lalapit na sana ito sakin para bigyan ako ng tubig. "Dont you dare touch me!" Mariin kong bilin. Napaatras naman ito at itinaas pa ang dalawa niyang kamay.
"Bakit kaba kasi nasamid? Hindi kaba naniniwala na gwapo ako?" Tanong muli nito ng makaupo na ako. Medyo makapal din ng mukha ng isang to. Anong akala niya sakin? Hindi naman siya kagwapu- fine. Fine! Gwapo nga siya. Ayoko lang umamin sa kaniya baka lumaki ulo eh.
"Sabi ko nga di ka naniniwala eh." Napanguso ito atsaka padabog na kukuhanin sana ang pagkain ni grey. Pero bago pa niya makuha ang pizza ni grey ay nagsalita na ito.
"Dont you dare touch what is mine!" Mariin at malamig nitong pagkakasabi. Nagtaasan ang balahibo ko sa boses nito. Nakakatakot. Parang may iba pang ibig sabihin.
"Calm down." Natatawang sabi ni west at kay bryle ang kinuha hindi naman ito umangal.
"May ibabalita ako sa inyo." Medyo dismayadong aniya ni west. Napatingin naman kami sa kaniya ng seryoso. Nag hihintay ng kasunod niyang sasabihin.
"Magkakaroon ng small party sa darating na sabado." may halong inis na sabi nito.
"Shit! Ano na namang plano nila?."
"Ano na naman ba to?"
"Nabobored na ba sila kaya mag pparty?"
Napatingin ako sa kanila at ang seseryoso nila. Ano naman kaya ang meron sa evening party sa sabado? Bakit ganito sila magreact? Mukhang wala pa nga ata akong alam.
"What's wrong with the party?" Tanong ko na ikinatingin nila.
"M-megan kasi hindi maganda ang party na yun." Alice said.
"Just straight to the point." naiirita kong sabi.
"Two months ago, nagkaroon din ng party sa school na to. And it's one of the worst party in this school. Kapag nagkakaroon ng party asahan mo ng may mangyayari. Nag eenjoy sila kapag maraming namamatay." napahampas ako sa mesa.
"THEY ARE INSANE!" Inis kong sabi.
"Calm down, megan." pagpapakalma ni west sakin. Pinapaupo nila ako dahil nagtitinginan na ng mga tao samin.
"Grey? Ano na ang gagawin natin?" Out of nowhere na tanong ni akira kay grey na tahimik lang at kumakain. Nagkibit balikat ito.
Sinamaan ko si grey ng tingin. Wala ba siyang pakialam? Wala ba siyang pakialam sa mga taong pwedeng mamatay? Pano kung isa sa mga kaibigan niya? Isa sa mahal niya sa buhay? Bwisit siya.
"Wala ka bang puso ha? Grey? Wala ka ba talagang pakialam sa mga taong nakapaligid sayo? Ganyan kaba talaga kamanhid?." Hindi ko na napigilan ang damdamin ko sa sobrang inis. Naiinis ako sa kaniya.

BINABASA MO ANG
GRAVEN UNIVERSITY
Misterio / SuspensoIt was the story of a woman (Megan) and her journey to hell school that full of mystery. Then, things became complicated as she doesn't expected to happen. What if love can conquer everything? Is it love can be your weakness?. Do you want love can b...