Megan's POV
"Fuck!" Mura ko ng magising na masakit ang ulo. What the hell happ—Naidilat ko ng maayos ang mga mata ko at agad itinaas ang tingin. Inilibot ko ang mga mata ko kung nasaan ko. "Shit!" Bumangon ako at nagmamadaling lumabas ng kwarto. Nasa bahay ako ni clent. Nang bubuksan ko na ang pinto ay nakalock ito. Kinalabog ko ito.
"Clent!"
"Cleeennttt! Open this door!" Mas kinalabog ko pa ng malakas.
"Damn it! Open this goddamn door, clent!"
Wala pa ring sumasagot kahit makailang beses akong tumawag. I need to be out of here. Mas lalo akong natarantang maghanap ng paraan para makaalis ng maalala ang naiwan ko doon sa eskwelahan. Si grey? Ano na kaya ang nangyari sa kaniya? Ilang oras ba akong nakatulog? Damn.
Nang nakahanap ng maliit na pin ay ginamit ko iyon upang mabuksan ang pintuan. Huminga ako ng malalim pagkatapos. Mabuti na lang at marunong ako sa ganito. Dali dali akong bumaba at sinuri ang buong bahay. Nasaan si clent? I need to find him! Damn.
"Clent?" Kung saan saan na ako naghahanap. Binalikan ko rin ang kwarto niya ngunit wala akong nakita. Wala siya sa bahay. Naglakad ako patungo sa sala. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ang telepono. Kumunot ang noo ko ng hindi man lang ito gumagana. Sinundan ko ng tingin ang wire at nanlaki ang mata ko sa nakita. Putol ito at tiyak kong si clent ang nag gupit nito. Damn that bastard!
Paano ako makakaalis dito?
Padabog akong naupo sa sofa. Isinandal ko ang ulo ko at ipinikit ang mga mata. Hindi ako makakaalis basta basta sa lugar nato! Ilang kilometro ang layo nito patungo sa pinagsakyan namin ng chopper and I'm sure wala nun doon! Fuck.
Kung lakarin ko kaya patungo roon? At gagawa na lamang ako ng matibay na bangka? Pero paano ko naman iyon gagawin? Anong materyales ang gagamitin ko? Woods? Hindi ako marunong gumawa ng bangka! Napasabunot ako sa buhok ko sa iritasyon.
Ilang oras na ang lumipas ngunit wala pa rin akong maisip na solusyon sa problema ko. I really don't know what to do. Napatingin ako sa bintana at ngayon ko lang napansin na gabi na pala. Narinig ko ang pagkalam ng sikmura ko. Huminga ako ng malalim bago nagpasyang tumayo para humanap ng pagkain sa kusina. Hindi pwedeng manghina ako o kaya'y mamatay sa gutom. Baka hindi pa ako sumasabak sa labanan ay patay na ako dahil lang sa gutom.
Ano naman kaya ang makakain ko rito? Si clent ang nagluluto ng pagkain naming dalawa. Nanonood lamang ako sa kaniya o kung minsan nama'y tumutulong ako. Binuksan ko ang ref at nakita kong bukas ito at maraming laman. Mas lalong kumalam ang sikmura ko ng makakita ng maraming pagkain. Ilang oras kaya akong nakatulog para magutom ng ganito?
Pagkatapos kumain ay lumabas ako ng bahay. Napahawak ako sa'king sarili ng yakapin ako ng panggabing hangin. Napakadilim ng paligid at animo'y may mga matang nakatitig sayo. Ang tanging may liwanag lamang ay itong tahanan ni clent. Bakit niya kaya naisipang tumira sa ganitong klaseng lugar? Walang mga kapitbahay. Nagpasya akong pumasok at dumiretso sa kwarto para makaligo at makapagbihis.
Umaga ng magising ako. Nakatitig ako sa kisame at iniisip ang mga naiwan ko sa eskwelahan. Ano na kaya ang nangyayari doon? Lalo na sa kaniya? Bumuntong hininga ako at nagpasyang mag ayos ng sarili bago bumaba. Kumunot ang noo ko ng makita ang isang closet na puno ng mga dresses. Damn! Dress na naman ang isusuot ko ngayong araw. Bakit ba ganito ang gamit dito sa kwarto niya? Bastard.
Nang matapos makaligo at makapagbihis ay nagpasya akong bumaba para makapaghanda ng pagkain. Mabilis ang hakbang ko pababa ng makarinig ako ng mga taong naguusap. Binagalan ko ang mga hakbang at pinakinggan kung sino ang mga tao sa ibaba.
![](https://img.wattpad.com/cover/125924680-288-k112872.jpg)
BINABASA MO ANG
GRAVEN UNIVERSITY
Gizem / GerilimIt was the story of a woman (Megan) and her journey to hell school that full of mystery. Then, things became complicated as she doesn't expected to happen. What if love can conquer everything? Is it love can be your weakness?. Do you want love can b...