CHAPTER 25

5.3K 243 78
                                        

Megan's POV

Pagkakuha ko ng regalo ay tumungo na ako sa room. May guro na rin ngunit dumiretso lamang ako.

"Nakuha mo na?" Tanong sa'kin ni Alice. Tumango ako bilang sagot.

"Mamayang gabi ah? Sa dorm naman ang party." Sambit ni Akira na nasa likuran namin. Tumango lamang kaming dalawa ni alice. Mamaya pa palang gabi ang party? So, it means mamaya pa ang bigayan ng regalo? Napabuntong hininga ako. Sayang ang sakripisyo ko tapos mamaya pa pala.

"Bitch!" Napailing ako ng marinig ang boses ni Maurine. Nasa likuran namin ito nakaupo. Hindi talaga siya matutong matakot?

Pagkatapos ng klase ay dumiretso kami sa cefeteria upang kumain. Napairap ako sa kadahilanang kasama si Maurine. Hindi ko matignan si grey dahil sa inis. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niyang gulo kagabi.

"Guys!" Napalingon kami kay west na patungo sa direksyon kung nasaan kami nakaupo.

"Why are you here? You need to rest!" Bungad ko kay west. Natawa ito sa sinabi ko. Ito na naman siya.

"Stop doing things that makes me fall so hard megan." Napakunot ang noo ko dahil sa isinagot nito. Magsasalita pa sana ako ng umupo siya sa tabi ko at umakbay.

"Get the fvck off!" Utos ko. Nagpeace sign naman ito at ngumiti.

"Happy birthday, bro! Manlibre ka naman!" Nakangiti nitong saad kay akira.

"Sure." Sagot ni akira at tumayo. Nag apiran pa silang dalawa bago tuluyan na umalis si akira para bumili ng makakain namin.

"Okay na ba ang sugat mo?" Tanong ko kay west.

"Oo naman. Ako paba?" Sagot nito.

"Grey? Bawal ka na maglasing mamayang gabi at baka magkasaltik ka na naman!" Lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni west sa kaniyang kapatid.

"Tsk. Ikaw ang wag maglasing!" Sagot naman ni grey. Srsly? Natawa si west at binato ng walang laman na tubigan si grey.

"Damn!" Mura ni grey at sinamaan ng tingin ang kaniyang kapatid. Natawa lamang ng malakas si west.

Nag uusap silang dalawa na parang walang nangyaring kaguluhan kagabi? Na parang walang suntukan at barilan na naganap? Hindi sa dahilan na hindi ako masaya dahil nagkabati na sila pero ang weird lang.

"Walang gulo mamayang gabi, ha?" Paalala ni kira pagkarating sa table namin at dala dala ang napakaraming pagkain.

"Oo naman pare." Sagot ni west at kumuha ng pagkain.

"Walang mangyayaring gulo kong hindi kasama ang isang yan!" Halata ang pagkainis ni Maurine sa tono ng kaniyang boses.

"Pero mas masaya kung walang slut sa party mamayang gabi." Sagot ko na ikinainis niya lalo.

"What? Bitch." Tatayo na sana ito ng pigilan siya ni grey.

Bitch.

"Stop the nonsense, maurine. Basta mamaya dapat walang gulo. Kahit ngayon lang." Pakikiusap ni Alice samin. Hindi na ako nagsalita at kumain na lamang.

Nang uwian na ay nagkaniya kaniya na kami. Nagbihis na kaming dalawa ni Alice pagkarating sa dorm para sa party. I wear a black shirt and short. And a black rubber shoes that fits to me. Better.

Pagkakita ko kay Alice ay naka navy blue dress ito. Simple pero bagay sa kaniya.

"Let's go?" Tanong nito. Tumango naman ako. Kinuha ko muna ang black na jacket at isinukbit sa balikat. Inilagay ko na rin sa bulsa ng jacket ang regalo ko para kay akira.

GRAVEN UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon