Megan's POV
"Hi megs?." Bati sakin ng lalaki na pinakaiinisan ko dahil sa ugali nito.
"What do you want?." Inis kong tanong.
Nginitian ako nito at dahan dahan na lumapit. Habang papalapit ito ng papalapit ay mas lalong bumibilis ang tibok ng aking puso.
"I love you." Nakangiti nitong sambit na dahilan upang mapangiti ako. Hindi ko alam ang dahilan pero masaya ako sa oras na ito.
"I love you too, grey." Pagkasabi ko nun ay naramdaman ko ang kaniyang labi sa aking labi. Napapikit ako dahil sa lambot nito.
I seductively bite his lips and he playfully play my tongue. Hindi ko mapigilan na tumugon sa halik na ibinibigay nito.
Naalimpungatan ako dahil sa kakaibang sensation na nararanasan ko ngayon. Parang kakaiba. Hindi pa ako dumidilat at pinapakiramdaman lamang kung nanaginip ba ako hindi.
Nang mapagtanto ko na ang lahat ay dumilat na ako at nakita sa harapan ko si grey. Napakalapit nito sakin at NAGHAHALIKAN KAMI.
Lahat na ata ng dugo ko sa katawan ay pumunta sa mukha ko. Alam kong pulang pula na ako ngayon. Nakapikit pa ito ngayon at ng naramdaman niya na hindi na ako tumutugon sa kaniyang mga halik ay dumilat ito.
Nagkatitigan kaming dalawa na parehong gulat na gulat. Agad ko itong itinulak ng malakas dahilan para matumba ito. Shit.
"S-s-sorry." Paghingi niya ng paumanhin. "H-hindi ko sinasadya." Dugtong nito pero hindi ko siya sinagot. Napahawak ako sa labi ko. Hinalikan niya ako? Hinalikan ako ni grey? Napangiti ako pero agad ko itong inalis baka mapansin niya. Hindi ko maintindihan pero napapangiti ako.
Nababaliw na ba ako? Hindi naman siguro.
"M-megan?." Nahihiyang tawag sakin ni grey. Napatingin ako sa kaniya. Sinamaan ko ito ng tingin kaya naman napa atras siya.
"Hindi ko naman sinasadya eh." Pagrarason nito. Hindi ako naniniwala. Hindi sinasadya? Ano yun? Natumba siya sakin? Tapos nagkahalikan kami? Tapos hinahalikan niya ako at hinahalikan ko din siya?.
"M-manyak!." Wala akong ibang masabi kundi ang salitang yan.
"Hindi ako manyak! I-ikaw ang unang gumalaw upang halikan ako sa l-labi." Nanlaki ang aking mata sa sinabi niya. Paanong ako?
"What?." Hindi makapaniwalang tanong nito. Ibigsabihin ako nga. Yung panaginip ko. Pero paano naman siya napunta sa harapan ko? At hindi ko naman siya mahahalikan kung hindi siya nakalapit sakin.
"Siguro ay ako ang napanaginipan mo noh?." Mapanuksong tanong nito na ikinapula ng mukha ko. Napalunok ako dahil sa tanong nito.
"A-ang kapal mo." Inis kong sagot na ikinatawa niya lang.
"Bakit ka namumula kung hindi ako?." This guys was teasing me.
"T-tigilan moko!." Tumayo na ako dahil hindi ko na kaya ang mga sinasabi niya. Binibwisit na naman niya ako.
Narinig ko ang malakas nitong pagtawa na ikinapula na naman ng mukha ko buti na lamang ay nakatalikod na ako sa kaniya. Dumiretso akong kusina upang icheck ang cake na ginawa namin.
"Bwisit ka talaga! Grey." Hindi pa rin ako makapaniwala na naghalikan kami.
Napahawak ako sa lips ko. Ang lambot ng labi niya. Napailing ako dahil sa naisip. Nakakahiya pa rin. At kahihiyan ko yun.
![](https://img.wattpad.com/cover/125924680-288-k112872.jpg)
BINABASA MO ANG
GRAVEN UNIVERSITY
Mystery / ThrillerIt was the story of a woman (Megan) and her journey to hell school that full of mystery. Then, things became complicated as she doesn't expected to happen. What if love can conquer everything? Is it love can be your weakness?. Do you want love can b...