Megan's POV
Naramdaman ko ang lamig ng hangin na tumatama sa aking mukha. Dumilat ako at napapikit ng maaninag ang liwanag na nagmumula sa araw. Dahan dahan akong tumayo at tumingin sa bintana.
Napakaaliwalas ng langit at napakalamig ng simoy ng hangin. Napakabanayag ng lahat. Napangiti ako ng mapait.
The first month without krystal.
Napahawak ako sa pisngi ko at nakapa ang luha na galing sa aking mga mata. Masakit pa rin pala kahit isang buwan na. Sabado ngayon at walang pasok. Magsisindi kaming lahat ng kandila sa labas ng pinto.
"Let's take breakfast? Megan." Napatingin ako kay Alice na kakabangon pa lamang. Nakangiti ito sa akin. Those smile. Napailing na lang ako.
"I think so." Sagot ko at naglakad na papuntang kusina ng may kumatok sa pinto. Pinagbuksan ko naman agad ito at tumambad sa akin si west na napaka lapad ng ngiti.
"Goodmorning." Masayang bati nito. Sinimangutan ko lamang siya at akmang isasarado ang pinto ng pigilan niyo ito.
"What do you want? Its too early west." Saad ko.
"I know. But I cook something for you, what I mean for the two of you." Itinapat nito sa mukha ko ang isang supot na may lamang pagkain.
Anong pagkain naman kaya yan? Baka mamaya may lason edi namatay ako.
"Dont worry megan hindi ko nilagyan ng gayuma yan. Alam ko naman na kahit hindi ko na lagyan ay ma-Aray!." Hindi ko na pinatuloy ang sasabihin niya at binatukan na lamang ito.
"Ang ingay mo." Inis kong sambit. Napakamot ito sa ulo.
"Sorry." Hindi ko na siya sinagot at kinuha ang pagkain na hawak nito at sinarado ang pinto.
"Wala man lang thank you?" Narinig ko ang reklamo nito kaya naman binuksan ko ulit.
"Welcome." Nakasimangot kong tugon at sinarado muli ang pinto.
Naglakad na ako papuntang kusina at nakaupo na doon si Alice at nakalagay na din ang plato sa lamesa.
"Gutom na ako buti na lang at nagdala na ng lutong pagkain si west." Nakangiting sabi ni Alice. Hindi na ako sumagot at inilagay sa lagayan ang pagkain na dala ni west.
"Menudo." Natatakam na banggit ni Alice at agad na kumuha ng pagkain. Napailing na lang ako dahil sa katakawan nito.
Nagsimula na din akong kumain pero parang may parte sa akin na malungkot. Hindi ko maintindihan at ayoko intindihin.
'Yeah, right! Konsensya ko lang yan. No more. No less.'
Mamaya maya lamang ay dumating na sila at may dala silang pagkain at mga kandila. Nakangiti sila sa amin pero alam kong pinagtatakpan lamang nila ang kanlang labis na kalungkutan.
"Let's start?" Tanong bryle na ikinatango naman namin.
Nasa labas na kami at nakaharap sa may pintuan. Ibinigay sa amin ni west ang lighter at sinindihan namin ang mga hawak na kandila. Umihip ang malamig na hangin kaya napahawak ako sa aking katawan. Krystal.
"Let's bow our head and have a quiet but deep prayer for krystal." Saad ni west at yumuko na kami para magsimuang magdasal bago ako yumuko ay napatingin ako kay grey napalunok ako ng nakatingin din pala ito at agad siyang nag iwas ng tingin at yumuko. I sigh. Yumuko na lamang ako at nagsimula na.
'Lord, I know krystal was a good girl. Please be kind to her. Alam po namin na mahal na mahal niyo kami kaya sana po ay tahimik na ang kaluluwa niya. Nakakalungkot man po ang pagkawala niya ay alam namin na may rason. At ayoko po na kwestyunin kayo. Maraming buhay na ang nawala sa impyernong lugar na ito at hindi ko pa alam kung paano ito massolve. Lord, help me and guide me to survive for my family and for my friends. Krystal, alam ko nandyan ka lang para subaybayan at gabayan kami. Sana makita pa kita at makasama. Pero masaya ako kung nasaan ka man basta ligtas ka. Mahal na mahal na mahal ka namin. Amen'
Nang matapos na ako sa prayer ay dumilat na ako muntik na akong matumba dahil sa bungad na tingin na ipinukol sakin ni grey. Umiwas naman siya agad ng tingin.
Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa mga tingin niya na nakakakonsensya.
Ganun ba yun ka big deal? Eh sa totoo naman talaga. Nasaktan siya dahil dun? But he admit that its true. Pero bakit ganito? Hindi niya ako pinapansin. Hindi niya man lang ako kinakausap. Kahit simpleng conversations wala!
Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Naiinis ako kay grey at naiinis din ako sa sarili ko.
"Megan?" Tawag sakin ni Alice ng nagtataka. Napababa ang tingin niya sa kandilang hawak ko. Nabali pala ito.
"Sorry." Inilapag ko na sa baso ang kandila at sumunod na sa iba sa loob.
Pagkapasok ko ay ang malulungkot nilang mukha ang nakita ko. Ramdam na ramdam ko ang pagkawala ni krystal.
"Megan? Samahan mo naman ako sa kusina." Sambit sakin ni west. Sumimangot ako at sumunod sa kaniya sa kusina pero bago ako tuluyang makasunod ay nakita ko ang pagsulyap sakin ni grey.
"Magluluto tayo ng masarap na pagkain." Nakangiti nitong sabi. "Para naman mabawasan ang kalungkutan nila." Tumango na lamang ako sa sinabi ni west.
"Ano naman lulutuin natin?." Tanong ko.
"Ano ba gusto mo?" Tanong nito sa tanong ko.
"Ikaw nga tinatanong ko eh." Inis kong sabi na ikinatawa nito.
"Joke. Hhmm chicken curry?." Tumango na lamang ako.
Naghihiwa na kami ng ingredients at napatingin ako sa sibuyas na hawak ko.
Napangiti ako ng bahagya dahil sa pangyayaring yun. Yung akala ni grey siya ang kinakausap ko at akala niya siya ang dahilan ng pag iyak ko. Humingi pa siya sakin ng sorry nun.
"Bakit ka ganyan makangiti?" Mapanuksong tingin ang ipinukol sakin ni west. Tumingin ako sa kaniya. "Wag mo sabihin na crush mo ang sibuyas na yan?." Sambit nito at dali dali ko itong binatukan.
"Bakit ka nambabatok?." Sigaw nito. Tinitigan ko siya na parang wala ng bukas. Nag peace sign ito at bumalik sa kaniyang ginagawa.
Nang matapos na akong maghiwa ay nagsimula na kaming magluto ni west. Ako ang nagluluto dahil sabi niya. Sinunod ko na lang dahil wala akong gana makipag bangayan. Nasa likod ko si west at sinasabi ang dapat kong gawin. Marunong akong magluto pero itong curry ay hindi ko naluluto kaya pumayag akong turuan niya ako.
"Ilagay mo na itong patatas at iba pa. Haluin mo ng dahan dahan." Utos nito na sinunod ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at sinabayan ang paghahalo ko. Hindi ako agad nakapag react dahil sa lapit niya. Gusto ko siyang sipain hanggang sa malumpo at hindi na makalakad pa.
"Ehem!" Nasiko ko si west ng malakas dahilan para maubo ito. Napatingin ako agad sa lalaking umubo at nakatingin ito sakin.
"Kung gagawa kayo ng kababalaghan wag dito." Nagsmirk pa ito bago kumuha ng tubig.
Pinanonood ko lang siya habang nagsasalin ng tubig bago siya umalis ay tumingin pa ito sakin.
"Panira talaga ng moment ang isang yun." Reklamo ni west. Binatukan ko na lamang ito.
"Wag ka na ngang lumapit sakin. Sabihin mo na lang ang gagawin ko." Halata ang pagkadismaya nito sa sinabi ko pero sinunod din naman.
Habang nagluluto ay hindi ko maiwasan na maisip ang nangyari kanina ng mahuli niya kami ni west-teka nga. Wala kaming ginagawa ni west.
Pero baka kung ano ano na ang iniisip nun. Siguro akala nga niya ay may ginagawa kami ni west dito sa kusina. At ano naman gagawin namin? Tss.
At ano bang pakialam ko sa iniisip ng isang yun?
Pero bakit ganito? Feeling ko may malaking kasalanan akong nagawa.
Tumingin ako kay Grey habang inilalapag ang pagkain sa mesa. Nakatingin siya at nakita ko ang galit sa mga mata nito.

BINABASA MO ANG
GRAVEN UNIVERSITY
Mystery / ThrillerIt was the story of a woman (Megan) and her journey to hell school that full of mystery. Then, things became complicated as she doesn't expected to happen. What if love can conquer everything? Is it love can be your weakness?. Do you want love can b...