Megan's POV
"Clent! Nagkakagulo na d-dito!" Nagulat ako sa narinig.
"Aaacckk!!" Ginapangan ako ng kaba sa narinig. Mga nagkakagulong tao ang naririnig ko bukod sa lalaking nagsasalita sa kabilang linya. Pinatay agad ni clent ang loud speaker at lumayo para hindi ko marinig ang pag uusap nila.
"Anong nangyayari, clent?" Natataranta kong tanong. Alam kong may malaking problemang nagaganap base pa lang sa tono ng taong kausap niya. Hindi niya ako pinansin at nakatuon lamang ang atensyon nito sa telepono.
"What? Fine. I'll be there!" Binaba nito ang telepono. Hinilot nito ang kaniyang sentido na para bang kay laking problema ang nasa kaniyang harapan.
"Clent! Tell me!" Gusto kong yugyugin ito para lang makapagsalita. Gusto kong malaman kung ano na ang nangyayari. Halos tatlong linggo na akong nasa bahay niya at walang ginagawa. Nabawi ko na rin lahat ng lakas ko mula nong araw na yun.
"Aalis ako at huwag kang tatakas sa bahay na'to." Seryoso nitong wika. Umiling ako ng paulit ulit. Hindi pwede. Hindi ito pwede.
"No! Sasama ako! Alam kong may kinalaman ako o ang mga kaibigan ko dito. Sasama ako!" Pinal kong sabi. Nagkatitigan kami. Nagsusukatan kung sino ang unang susuko. Hindi ako nagpatalo. Determinado akong sumama sa kaniya. Ayokong maiwan dito at antayin silang matapos. Ayoko ng maghintay kung ano ang mangyayari sa mga plano nila.
"Mapapahamak ka kapag sumama ka pa. Ang mabuti pa'y umakyat kana sa kwarto mo at magpahinga." Hinila ako nito sa braso ngunit tinanggal ko iyon.
"No, clent! Sasama ako!" Pagalit kong sagot. "Wala kang pakialam kung mapahamak ako! Kung mapahamak man ako'y kasalanan ko na yun! Sasama ako kung gusto ko." Pinikit niya ang kaniyang mga mata na para bang ikinakalma ang sarili dahil sa pagpupumilit ko.
"Fine!" Lumiwanag ang aking mukha sa kaniyang sinabi. Hindi ako makapaniwala na pumayag siya. "Isasama kita pero wag na wag kang aalis sa tabi ko." Tumango ako.
Umakyat siya sa kwarto niya para makapaghanda. Dumiretso naman ako sa kwarto ko para makapagpalit ng mas komportableng damit. Pagkababa ko ay may iniabot siya sa'king mga gamit. Napatulala ako sa dami nun. Mga armas na maaari naming magamit at may bullet proof pa itong kasama.
"Isuot mo yan para sa kaligtasan mo." Parang labas sa ilong nitong sabi. Tumango ako ng mabilis at isinuot iyon. Tinulungan niya pa ako para mapabilis. Nilagay ko ang mga baril sa tig iisang binti. Mayroon din sa tagiliran na nakatago dahil sa leader jacket na suot ko. May iniabot siya sa'king syringe. Alam ko kung ano ito. Isa nga talaga siya sa kanila.
Dumiretso kami sa kotse at sumakay. Hindi ko alam kung ilang oras ang magiging byahe namin patungo sa pupuntahan. Akala ko'y aabot ng isang oras ngunit kalahating oras pa lamang ay huminto na kami sa isang malawak na field. May helicopter doon. May mga armadong kalalakihan ang nakapalibot at mukhang mga sundalo.
BINABASA MO ANG
GRAVEN UNIVERSITY
Misterio / SuspensoIt was the story of a woman (Megan) and her journey to hell school that full of mystery. Then, things became complicated as she doesn't expected to happen. What if love can conquer everything? Is it love can be your weakness?. Do you want love can b...
